"And I hope I never lose you, hope it never ends." - Taylor Swift, Cornelia Street
-----
Another retreat na naman. As usual, kelangan daw para mas magkaroon ng teamwork or camaraderie or whatever kami. Nagets ko naman pero bakit kasi kasama namin Archers? Bakit iisang venue lang kami? Tipid na tipid na ba Lozol ngayon at pax yung reservations? Kaloka.
"Uy, ngiti naman dyan, baks. Busangot na busangot naman masyado," tukso ni Carol na katabi kong nakatayo dito sa entrance. Hinihintay pa namin sila Kuya Eric (team manager namin), kausap pa yung sa reception.
"Oo nga, ano meron?" tanong ni Ate Kimmy tapos sabay kaway nung bumaba na din sa kabilang bus yung Archers. Tumango naman karamihan sa kanila tapos nakipag-apir pa si Ate kila Kuya Almond.
"Uy Thomas! Kamusta Paps?" pasigaw na tanong ni Ate Kimmy sabay siko sakin. Di ko na napigilan mapairap.
Sabi ko na eh. Tutuksuhin na naman eh. Kaya ayaw ko din madalas makasalamuha Archers, push na push kasi yung ship, talo pa mga fans namin minsan eh.
"Una na ako," sabi ko sabay punta kay Kuya Eric. Di ko na pinansin mga tumingin sakin nung nilagpasan ko Archers. Wala akong pake, bahala sila mag-isip na ang arte ko. Again, wala akong pake.
BINABASA MO ANG
Lover
FanfictionPaisa-isang kwento para sa JeRa (and yes, legit, JeRa na po to, promise 😅)