Lover

394 11 4
                                    

"Take me out and take me home. You're my lover."
Lover, Taylor Swift

"Lover, Taylor Swift

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakakainis. Ang bobo ko nga ata. Potek. Heto ako, nagmamadaling magbihis. Hinablot ko na lang nagkalat naming damit dito sa kwarto niya. Dapat makaalis ako bago pa to magising. Tssk.

"Puta, san hinagis ni Jeron yung tshirt ko?" bulong ko sabay lingon sa paligid. Okay na eh. Bihis na ako eh. Yung Animo shirt ko na lang kulang. San ba yun napunta?

At napataas kilay ako nung nakita ko siya finally, dun sa may bintana, nakasabit sa may bandang gitna. Potek. Buti di nahulog, bukas pa naman yung bintana.

Mabilis kong kinuha yung damit at sinuot. At saktong pagsuot ko nung tshirt eh narinig ko yung boses ni Jeron.

"Hey, you're leaving already?" tanong niya, ang deep nung boses, pota, halatang bagong gising.

Ayun, nakaupo na siya sa kama, halatang antok pa na nagkukusot ng mata. Ang cute. At namula ata ako sabay iwas tingin nung tumayo siya at lumapit sakin.

Pano ba naman, topless besh. Uso magdamit muna, Jeron Teng! Buti na lang may suot tong boxers pero kasi.

Wow, pa-virgin, Vic? Eh nakita mo naman din yan.

Puta. Puta talaga.

"Ara," tawag niya at nagulat pa ako nung bigla niya ako niyakap. Ano trip neto? At pwede ba magsuot to ng shirt? Potek. "Aalis ka na?" bulong niya at napapikit ako kasi pakshet, ang hot lang. Nagfa-flashback sakin pinaggagawa namin kagabi eh. Puta naman.

"Una na ako, Je. May training pa ako mamaya," sabi ko na lang tapos medyo tinulak ko siya. Buti naman at binitawan ako. Pagtingala ko sa kanya, ayun seryoso lang nakatingin sakin. Shit.

"Okay," sabi niya at akala ko okay na talaga pero nagulat ako nung bigla niya ako hinila palapit sabay hawak sa ulo ko. Nanlaki naman mga mata ko nung naglapat na mga labi namin.

Di ko alam. Di ko talaga alam kung magaling lang talaga si Je humalik or what, pero parang nalulunod ako tuwing hinahalikan niya ako. Parang nanghihina ata mga tuhod ko at di ko mapigilang kumapit sa mga balikat niya at gayahin ang paggalaw ng labi niya. At kusang napapapikit ang mga mata ko ng maramdaman ko yung mahinang paghigpit ng kamay niya sa may bewang ko.

Di ko nga napansin na nakasandal na pala ako sa pader, nahubad na pala ulit yung tshirt ko, kaya pala mainit kasi skin to skin contact na pala kami, potek naman. Napasinghap ako nung naghiwalay mga labi namin.

"Je," bulong ko sabay hinga ng malalim. Shit. Teka lang, penge oxygen. Napadilat ako nung naramdaman kong nilapat niya yung noo niya sakin. Ang lapit padin ng labi namin sa isa't isa. Nakita ko siyang ngumiti at mas lalo ata akong nanghina.

LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon