Of Archer's Place And 7/11

399 10 1
                                    

TW/ CW drinking

"And I screamed, 'For whatever it's worth, I love you, ain't that the worst thing you ever heard?'. He looks up, grinning like a devil." - Cruel Summer, Taylor Swift

Victonara Galang

Di talaga ako mahilig sa party

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Di talaga ako mahilig sa party. Siguro kasi mahiyain akong tao. At di din ako mahilig uminom. Mabilis kasi ako malasing, alam yun ng Spikers kaya di din nila ako pinipilit pag may galaan or party.

Kaya ewan ko ba bakit ako sumama ngayon. Asan ako? Nandito sa Archer's Place, birthday kasi ni Kuya Almond tapos in-invite daw Spikers (si Ate Kimmy talaga yung invited pero inaya niya na kami lahat). At dahil syempre, libreng inom, na-excite lahat. Except sakin. And alam naman nila yun, kaso namilit si Ate Kimmy. Maki-jam daw kami sa Archers. Sinabay pa ako sa kalandian niya charot 1/4.

Di ko alam. Ang awkward ko lang din siguro when it comes to Archers. Don't get me wrong. Mababait sila, sobra. Ewan. Siguro kasi magsimula nung shinip kami ni Thomas, na-awkward na ako. Tapos sinimulan pa nila Ate Aby and sila Kuya LA yung panunukso dati, syempre mas lalo akong na-awkward.

Hay. Ewan. Kaya eto ako ngayon, nakaupo sa sulok, may hawak ng isang can ng Pabst, as if naman iinumin ko to diba. Ang weird ko ata. Pero di din naman nila pansin. Sobrang busy sila magkulitan and uminom eh. Nag-beer pong pa, pauso talaga si Carolina.

"Hey, bakit ka mag-isa?"

Nagulat pa ako nung may nagsalita at automatic akong napalingon. At napataas kilay ata ako nung umupo siya sa tabi ko.

Huh. Bakit naman kasi tatabi sakin at kakausapin ako ng isang Jeron Alvin Teng diba? King Archer to, hello. Well, technically, naging classmate ko siya sa isang minor and medyo friendly talaga tong lalaking to. Pero ewan, awkward lang talaga ako. Sorry na.

"Ha?" tanong ko at feeling ko ang tanga ko ata. Eh sorry na, nag-short circuit ata utak ko. Oo na, gwapo na tong chinitong to. At oo na, crush ko siya dati. Dati ah. Eh kasi magaling naman talaga siya mag-basketball tapos gwapo pa. San ka pa diba.

Nginitian niya naman ako at nakakahawa ata yung ngiti niya kasi napangiti na lang din ako.

"Ganda ng laro ng Spikers ah," sabi niya pa, tumango naman ako.

"Yeah kelangan bumawi eh," sagot ko at napayuko ako. Kelangan talaga. Kelangan namin bawiin yung championship sa Ateneo.

Nagulat pa ako nung mahinang binunggo ni Jeron yung balikat ko. Napalingon ako sa kanya, nginitian lang ulit ako ng loko. Halatang may tama na to eh. Geh, inom pa kayo. Jusko.

LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon