Chapter 3

1 1 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas simula ng lumapit sa amin ang lalaking iyon. Hindi ako interesado sa kanya pero hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit siya umakto ng ganoon. Hindi ko naman siya personal na kakilala.

Kaira knows him kaya medyo nagulat ako. Sabi niya ay kilala daw ito dahil bukod sa gwapo ay mabait din ito, palangiti at approachable. Pero bakit hindi ko siya kilala?

Kanina ay sinubukan kong hanapin ang diary ko pero wala akong pagkitaan nito. Tinignan ko na sa lahat ng lugar na pwedeng mapunta ito pero wala akong nakita. Saan naman kaya 'yun mapupunta?

Nakahiga lang ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas ito. Kung siguro ay hindi ako sanay sa ganitong senaryo ay baka napabaligwas na ako at nahulog sa kama pero hindi.

"Thalia promise di ka maniniwala dito!" Ngiting-ngiting saad nito. Bakit?

"Okay, hindi ako maniniwala." Walang ganang sagot ko.

"Naman!" Hinampas ako nito sa pisngi kaya napatayo ako. Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya. Siguro kung normal na araw ito para sa kanya ay baka umatras na siya.

"Kilala mo 'yung bandang Deeply? 'Yung lagi kong kinukwento sayo?" Tumango ako.

"Kinukuha nila ako! Thalia, kinukuha ako ng Deeply!" Hinawakan nito ang balikat ko at inalog ako.

"Alalay?"

"Gaga! Vocalist!" Hindi na ako nagulat doon. Maganda naman ang boses niya. Matagal niya ng pangarap maging vocalist ng isang banda. Dati nga ay niyaya niya akong bumuo ng banda pero sabi ko ay wala akong talento sa ganito. Sabi niya ay ako na lang daw ang manager niya at tagapalakpak.

"Congrats!" Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi na agad ko namang pinunasan. "Yuck!"

Tumawa siya at tumayo. Kinuha niya ang hair brush ko at doon pumwesto sa harap ko. Ginawa niya itong mic at nagkunwaring kumakanta. Nagpose pa siya na parang isang rock star.

Rock 'n roll.

Natawa na lang kami parehas. Masaya ako para sa kanya. Matagal niya na itong pangarap. Deeply ang paborito niyang banda. Halos lahat ng gigs nito ay naroon siya. Minsan niya na akong sinama at masasabi kong magaling sila.

"Kinakabahan kamo ako." Sunod-sunod ang paghampas na ginawa niya sa braso ko. Ganyan siya tuwing kinakabahan. Minsan naman ay nangungurot siya na talaga namang pinaka ayoko dahil sobrang sakit.

"Ikaw? Kakabahan? Sa kapal ng mukha na meron ka, kakabahan ka?" Hinampas niya na naman ako. Gusto ko na siyang gantihan. Paganti please!

"Thalia naman!" Para siyang bata na nagmamaktol.

"Dapat sabihin mo 'Kaira Lei kaya mo yan. Ang galing galing mo kaya!' ganun dapat."

"Arte mo." 'Yun na lang ang nasabi ko.

Puro pag-iinarte ang ginawa niya sa harap ko. Magpapractice din daw siyang kumanta kaya hinayaan ko na lang. Medyo naririndi na ako sa kanya kaya kinuha ko ang earphones at phone ko at sinalpak sa tenga ko. J didn't play any song. Kahit papaano ay gusto ko pa din siyang pakinggan.

Nang tinawag na kami ni lola ay mas nauna pa siya sa akin. Tumayo na ako at inayos muna sandali anv kwarto ko bago lumabas. Nadatnan ko silang nakaupo na at handa ng kumain. Ako na lang pala ang iniintay kaya umupo na agad ako.

Si Kaira ang nanguna sa pagdarasal. Baka masunog?

Habang kumakain kami ay panay ang kwento ni Kaira. Sinasaway na siya ni lola na unahin ang pagkain pero tatahimik lang siya sandali at maya maya ay tuloy na uli ang kwento. Natatawa na lang kami sa kanya.

"Alam niyo po ba na iyang si Chesa," tumigil siya sandali bago tumingin sa akin.

"May lumapit po diyan kahapon na lalake, gwapo!" Agad ko siyang inanlakihan ng mata pero tumawa lang siya.

Halatang nagulat ang dalawang matanda. Miski ako ay ganoon din. Sa buong buhay ko ay wala pang lumapit sa akin ng ganoon at ni minsan ay wala ring naikwento si Kaira kanila lola na ganoon. Bakit nga ba?

Tapos na kaming lahat kumain pero si Kaira at nasa kalahati pa lang. Mabagal talaga siyang kumain at sa dalas niya dito ay nasanay na kami. Aliw na aliw ang dalawang matanda sa kanya habang ako naman ay halos orasan na siya sa utak ko.

Marami siyang kinuwento kanila lola. Mga nangyayari sa aming dalawa ay sinasabi niya ng detalyado pero hindi lahat. Alam niya ang dapat at hindi dapat sabihin at thankful ako roon.

"Salamat po sa pagkain. Sa uulitin po!" Sabi niya habang marahang hinihimas ang tyan niya. Natatawa na lang ako sa isip ko. Katakawan talaga!

Ako na ang naghugas ng pinggan habang siya at nakaupo lang sa upuan na dinala niya dito sa may lababo. Nagkwento lang siya ng nagkwento tungkol sa paborito niyang banda. Halos lahat ng sinasabi niya ay kabisa ko na. Hindi naman ako nagsasawang makinig sa kanya.

"Tingin mo magaling ako?" Nagulat ako ng itanong niya iyon.

"Oo naman, ikaw pa!" Nagulat ako ng tumayo siya at bigla niya akong yakapin. Naramdaman kong umiiyak siya kaya humarap ako sa kanya.

"Bakit ka umiiyak?" Nag-aala kong tanong sa kanya.

"E-eh kasi.." huminga siya ng malalim, "May fan na agad ako!" Niyakap niya uli ako pero mas mahigpit. Natawa naman ako sa kanya.

Nasa kwarto lang kami at nagkukwentuhan lang. Madalas namin itong ginagawa. Minsan ay doon kami sa kanila at minsan naman ay dito.

"Wait" tumayo siya at kinuha ang bag na dala niya. May nilabas siya ditong mga damit at make-up. Nakatingin lang ako sa kanya habang isa-isa niya itong inaayos.

"Saan punta mo?" Nagtatakang tanong ko. Tumingin siya sakin na parang takang-taka. "Anong saan punta ko? 'Diba aalis tayo?"

"Bat kasama ako?"

"Dapat kasama ka. First time ko 'to. Dapat andun ka." Napatango-tango na lang ako. Wala naman na akong magagawa.

Nakatingin lang ako habang nag-aayos siya. Maaga pa naman. Sadyang excited lang siya kaya ang aga niya mag-ayos. Nang maramdaman kong patapos na siya ay saka ako nagbihis.

Mabilis lang kami nakaalis ng bahay. Naipagpaalam niya na pala ako kanila lolo at lola. Sabi niya ay nakalimutan niya lang daw talaga sabihin sakin. Masyado daw siyang natuwa sa pagiging fangirl ko sa kanya.

Saang banda ako naging fangirl?

Kung gaano kami kabilis nakaalis sa bahay ay ganun kami katagal bago nakarating sa venue. Mahirap ang byahe kaya hindi agad kami nakasay. Buti na lang ay hindi kami nalate. Pinasabay kami ng isa niyang kabanda. Primo daw ang pangalan. Sabi niya ay mabait daw iyon. Hindi na ako nag-inarte ng mag-offer itong isabay kami.

"Kinakabahan ako." Ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya. Hinawakan ko lang ito para kahit papaano ay maibsan ang kaba na nararamdaman niya.

"Kaya mo yan." Saktong pagsabi ko noon ay tinawag na siya. Hinanapan niya muna ako ng pwesto malapit sa stage para daw maganda ang kuha ko. Sinama niya lang ba ako para maging taga-video niya?

Nakaupo lang ako doon ng maramdaman kong may tumabi sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin dahil hindi rin naman ako interesado.

Ang tagal naman magsimula! Bakit ba ako sumama dito?

Inilibot ko ang paningin ko para tignan kung maraming tao pero napako ang tingin ko sa upuan malapit sa akin. Napatingin din siya sa akin pero ako ang unang nag-iwas ng tingin. Agad kong ibinaling ang tingin ko. Gusto ko sanang takpan ang muka ko pero mas nakakahiya iyon. Wala pa namang bakanteng upuan!

"Tala?" Hindi ko siya pinansin.

"Uy Tala! Ikaw pala 'yan?!" Masyado siyang feeling close! Di ko naman kilala!

"Ikaw yun 'diba? 'Yung sa rooftop?" Doon niya na naagaw ang atensyon ko. Para naman siyang biglang natauhan at biglang iniwas ang tingin.

"Hindi ako 'yon."

---
Thank You:))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ocean Of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon