--
JONATHAN'S POV
"Please?"
". . ."
"PLEASE?!?!"
". . ."
"Tama na yan, Jonathan." Inilapag ni Jae yung iced tea na inorder ng taong kaharap ko at kinukulit ko ngayon. "Sorry, miss. Ang kulit nitong pinsan ko. Alis na dyan, insan. Wag mong ginugulo yung costumer namin."
Hindi ko nalang pinansin ang paghila sakin ni Jae. "Sige na, Kin, ngayon lang." Inilapit ko pa ang mukha ko sakanya, "Please?!?"
Halata nanaman sa mukha niya na naiirita siya. Lagi nalang. Nasasanay na nga ako na nakikita siyang ganyan lagi ang expression e.
"Kahit 30 minutes lang. 20 minutes, o 10 minutes lang pwede na. Basta tulungan mo lang ako para maka-perfect ako sa quiz bukas." Ang bakla, pero ipinagdikit ko yung dalawang palad ko at nagmakaawa.
". . ."
"Kahit ikwento mo lang yung summary ng mga naunang kabanata ng El Fili, hehehe." Please naman, pumayag ka na, Kin. Para di ko na kailangan basahin, tinatamad ako e. Hahaha.
Pero imbes na tumango, tumayo siya. Tumayo at naglakad palabas ng café. Iniwan ako. Ni hindi man lang niya ginalaw yung iced tea na inorder niya.
Hindi ko na siya hinabol. Tsk, halata naman na ayaw talaga niya. Atsaka kaya ko naman talaga magreview mag-isa, di ko na kailangan ng tutor. Hah!
Kasalanan 'to ni Aaron e. “May mas maganda akong ideya, dude. Pa-tutor ka kay Kin!”
Tssk. Ano pa kasing ide-ideya yan. Nagugulo yung utak ko.
"Pa-tutor ka kay Kin!”
Kaya ko 'to. Binuksan ko yung librong dala ko at iniscan yung mga kailangan kong basahin. Kaya ko 'to!
"Pa-tutor ka kay Kin!”
Nag-umpisa na akong magbasa. "Ang Kapitan Heneral ay nangaso sa Bosoboso. May kasama siyang isang banda ng musiko sapagka't--"
"Pa-tutor ka kay Kin!”
Aish, ayoko na!
Iniwan kong bukas yung libro at dali-daling lumabas ng cafe. Baka sakaling maabutan ko si Kin. Pero wala na talaga siya. Madilim nadin, siguradong dumiretso na yun ng uwi.
BINABASA MO ANG
VOICE MESSAGE (HIATUS!!!)
Fiksi RemajaVoice message. . . can you hear me? Chatter-box, Jonathan Guevarra, meets his opposite, Kin Vergel, who barely wastes her time talking to anyone.