Chapter 1

488 2 4
                                    

--

JONATHAN'S POV

["... atsaka kumain ka three times a day, uminom 8-10 glasses a day, at matulog ng 7-8 hours every night. Wag mo rin kalimutan-"]

"Opo, ma, hindi ko rin po kakalimutan i-check ang gripo at i-unplug ang mga appliances kapag aalis ako ng bahay. Mag-iingat din po ako lagi, ma, tsaka magtitipid, atsaka--"

"INSAN, TARA NA!" Tawag ni Jae mula sa labas ng gate. Sabay daw kasi kaming papasok ngayon, kaya sinundo nya ako. Hahaha, ang bakla.

"Sige na po, baka ma-late pa ako sa first day ko. Late na nga po ako ng dalawang buwan e. Hahaha. Sige na, bye ma."

Call ended.

Chineck ko na lahat ng dapat i-check. Pinakain ko na din si Fin, "Bye, Fin. Bantayan mo ang bahay natin ah."

Kinindatan naman ako ni Fin as response, "Good."

Oo nga pala. Si Fin, yung alaga kong isda. Siamese fighting fish yan mga dre. Binili ko lang sya kahapon kasi mayaman ako. Hahaha.

Ang lungkot naman kasi, mag-isa lang ako dito sa bahay kasi nasa South Korea sila lahat at nagpapalamig.

Pinauwi nila ako dito sa Pinas kasi baka malusaw daw ang snow dun sa sobrang hotness ko.

"JONATHAN GUEVARRA, ANG TAGAL MO!" Si insan. Oo nga pala.

"Bye, Fin!" Mi ultimo adios.

At dali-dali na akong lumabas ng bahay at naglakbay.

***

Pagdating namin sa Aloysian Academy, pinauna ko na si insan sa klase nya dahil baka ma-late sya at pagsasapukin pa ako.

Dumiretso naman ako sa faculty room para i-meet ang magiging homeroom teacher ko, "Mr. Jonathan Guevarra? I'm Sir Kevin. You'll be under my class." Bati niya, tumango lang ako.

Lalaki ang homeroom teacher? Expect ko pa naman, isang teacher na sa boys' school lang mahahanap. Hot and sexy. Tsssk.

Pero bakit parang ang bata naman ata nitong si Sir Kevin? Fresh grad? Mukha lang syang president ng student council e.

Tssk. Oo na, mas gwapo sakin. TSSSSSSK!

"Follow me." Naglakad na sya, sumunod naman ako. Ang lamig ng aura nya. Kahit siguro may itsura to, hindi siya lalapitan ng mga estudyante nyang babae e. Wag ganyan, Sir!

Dire-diretso syang naglakad papasok sa isang classroom, kasunod ako. Sa sobrang bilis, hindi ko na nakita kung anong room ba 'tong pinasukan namin.

Nung una, akala ko palengke dahil sa ingay, pero tumahimik din agad nung hinarap na ni Sir Kevin ang klase. Nakatayo sya sa teacher's table.

Ayy, teka! Hindi sa mismong table ah. Common sense mga dre.

"Goodmorning, Sir!" Sabay-sabay na bati ng mga magiging classmates ko. Hahaha. Yung iba, nagdu-drool pa ata.

O, sige na. Alam ko naman na hindi dahil sakin, kundi dahil sa teacher e. TSSK! Nagkataon lang na MAS gwapo sya sakin. TSSSSSK!

"He'll be your new classmate. He's a late enrollee, so help him adjust." Nilingon naman ako ni Sir tsaka sinenyasan na magpakilala daw ako.

VOICE MESSAGE (HIATUS!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon