--
JONATHAN’S POV
“Exactly eight o’clock. Tara na?”
“O, nandito na pala si pres. Sige, Aaron, una na kami.” Binigyan ko siya ng pat sa balikat, “Goodluck, dude. Wag kang mag-alala, darating din si Kin. Hintay ka lang dyan, mga isang oras pa siguro. Hahaha.”
“Teka, mga dude. Wag niyo kong iwan dito. Hoy!” Iiwanan na sana namin siya nang biglang may humintong bus sa harap namin.
“Ayan na pala si Kin.”
Kahit na tirik ang araw, puro siya naka-itim. Mula ulo hanggang paa. “Tara na, Jonathan.” Pagyayaya ni Alfred. Umalis na din kami at iniwan si Aaron. Sa tingin ko hindi na kami napansin ni Kin.
“May kakilala akong pwede natin puntahan para sa project natin.” Biglang sabi ni Alfred habang naglalakad. “Sino?” Tanong ko naman.
Hindi niya ako sinagot. Nagpekeng-ubo nalang ako, pinahiya ako e.
Tumigil kami sa harap ng isang, “Vet clinic?” Hindi nanaman niya ako pinansin at nauna nang pumasok sa loob. Pumasok na din ako. Wala e, sunud-sunuran lang ako e.
“Tito Karlo…” Bati niya doon sa isang lalaki na siguro nasa mid-forties na, na may hawak na cute na cute na malaking German Shepherd na puti.
Pero bakit isang vet ang napiling puntahan nitong si pres. Sa pagkakaalam ko kasi, a person with genuine heart and is always whole-heartedly willing to help other people. Other people. People. Hindi animals.
“Thank you po.” Nilapitan ako ni Alfred. “Okay na. Pwede daw natin siyang interviewhin ngayon, pero hindi dito sa clinic.”
“Huh, e, saan?”
***
Biglang natigil sa paglalaro ang mga bata dito sa orphanage nang marinig nila ang tahol ni Kojic, yung cute na cute na malaking German Shepherd na puti ni Tito Karlo.
“Tito Karlo!!” Bakas sa mukha ng mga bata ang ngiti habang maingat na lumalapit samin. Syempre mayroong mga nag-aassist sakanila.
Pinakawalan ni Tito Karlo si Kojic, ang cute na cute niyang malaking German Shepherd na puti, at nilapitan ang mga bata. Tuod ako sa kinatatayuan ko. Pinakawalan niya yung malaking aso dito sa isang lugar na puro bata?
“Hulaan niyo kung sino kasama ko?” Tanong ni Tito Karlo sa mga bata. Ngayon ko lang napansin, puro mga bulag pala ang mga bata dito. Kaya malamang, hindi nila alam kung sino ang kasama ni Tito Karlo.
“Kuya Alfred!!!” Sabay-sabay na sigaw ng mga bata. Ahh, alam ko na. Suki siguro si pres dito sa orphanage kaya kilala nila.

BINABASA MO ANG
VOICE MESSAGE (HIATUS!!!)
Teen FictionVoice message. . . can you hear me? Chatter-box, Jonathan Guevarra, meets his opposite, Kin Vergel, who barely wastes her time talking to anyone.