Dedicated kay jahlene4. Hi! THANK YOU SA LAGING PAGKUKWENTO! =))
--
JONATHAN’S POV
“Bilisan mo naman, insan!”
“Bakit ka ba kasi nagmamadali? Ang aga pa.” Sagot nya.
Aish! Dapat kanina pa kami nakaalis e. May nakalimutan daw si Jae kaya bumalik pa kami sa bahay nila.
Kapag nakabisado ko na ang daan papunta sa A. Academy, hindi na ako sasabay kay insan sa pagpasok.
Napatingin ako sa relo ko. 28 minutes pa bago magstart ang klase. Pero maglalakad pa kami! Sayang lang kasi pamasahe kung magji-jeep pa kami e, ang lapit lang.
Pero mukhang mapapa-commute ata ako nang wala sa oras kapag hindi pa talaga kami umalis ngayon!
“Nakita ko na!” Biglang napasigaw si Jae nang makita na nya yung kanina pa nyang hinahanap na mahiwagang mechanical pencil. Tssk, handa talaga syang ma-late para lang sa isang mechanical pencil?!
“Nakita mo na? Tara na!” Hinila ko na sya at dali-daling lumabas ng bahay nila.
***
Pagkapasok namin sa school gate, dali-dali na akong tumakbo at iniwan si Jae. “Sige, kita nalang tayo mamaya insan!” Sigaw ko sakanya nang medyo malayo na ako.
Pagkadating ko sa classroom, “O, dude. Bat hingal na hingal ka?” Pambungad na tanong ni Aaron. Ang aga-aga, pawisan agad ako. Tsk. Okay lang, hindi naman ako mabaho.
Hindi naman ako bumabaho. Ang sexy ko nga pag pawisan e. Ha ha ha.
Hindi ko nalang pinansin si Aaron at tuluy-tuloy na pumunta sa pwesto ko. Nilapag ko yung backpack ko sa desk at nag-kumportable ng upo.
“Dude, pwesto ni Kin yan, pinapaalala ko lang.” Panira talaga ‘tong si Aaron.
Oo na, pwesto ni Kin ‘to. Gusto ko lang syang asarin ng konti, hahaha. Buti nalang talaga nauna akong dumating.
“Dude naman e, wala pa naman sya kaya makikiupo muna ako sandali.” Napakamot nalang sya ng ulo. “Bahala ka, dude.” Bumalik nalang sya sa pwesto nya. Timing naman dahil pumasok na si Sir Kevin.
Kasunod nya si Kin. Hah!
Nilagay ko yung backpack ko sa katabing seat na bakante din. Katulad ng ginawa ni Kin kahapon, sinakop ko yung dalawang bakanteng upuan.
Nagulat nalang ako dahil nasa harap ko na pala si Kin. Nakatingin lang sya sakin. Nakatingin silang lahat sakin. Natahimik ang lahat. Yung iba, nganga.

BINABASA MO ANG
VOICE MESSAGE (HIATUS!!!)
Fiksi RemajaVoice message. . . can you hear me? Chatter-box, Jonathan Guevarra, meets his opposite, Kin Vergel, who barely wastes her time talking to anyone.