Kabanata 1

438 12 0
                                    

Kabanata 1

"Hoy, para kang papel. Na-sobrahan ka ba sa puti?"

"E, ikaw bakit ang itim mo?"

"Anong sabi mo?"

"Bingi ka ba? Sabi ko bakit ang itim mo!"

"Moreno ako, hindi maitim!"

I rolled my eyes when I remembered how Deyan and I first met. We were 5 years old that time. Birthday ko noon at nasa bakuran ako para hanapin si Ate Yvette. Doon ko nakita si Deyan na niloko ang kutis ng balat ko kaya gumanti rin ako. Hindi ko alam na anak pala sya ng ninang ko na nasa probinsya!

"Yukari, nasaan ang room mo?" tanong ni Deyan habang naglalakad kami papuntang unibersidad na pinapasukan namin.

Umuwi si Deyan ng maynila nitong nag bakasyon para dito mag senior high. Nasa probinsya ang pamilya nya at ngayon ay sa kanyang tita sya nauwi. Hindi ko nga alam kung anong pumasoks sa isip nya na dito sa maynila mag-aral gayong maayos naman ang mga unibersidad sa probinsya.

"3rd floor pa, bakit?" hinawi ko ang aking maikling buhok dahil sobrang init.

"Ang layo naman," aniya at napasimangot.

What? Akala ko pa naman ay sasabihin nyang ihahatid nya ako!

Magkaiba kasi kami ng kinuhang strand. Si Deyan ang kinuha ay HUMSS samantalang ako ay ABM. I don't know what he wants to take for college but I just know he have passion in speaking in front of other people.

Unang kita nya nga sa akin noon, ang lakas ng loob nyang laitin ako. Lagi nya pa din akong niloloko hanggang ngayon.

"Bahala ka na ha? Malaki ka na, kaya mo na 'yan." ani Deyan sa tabi ko nang tumapat kami sa building ko. Binalik nya sa akin ang libro kong dinala nya kanina.

"What? Hindi mo ako ihahatid?"

"Ano ka bata?" tatawa tawa nyang sagot sa akin. Nainis ako at pinalo ang braso nya. .

"H'wag ka nang umiyak, 'nak. Magtatrabaho lang si Papa, kaya mo na 'yan." panloloko nya pa. I smacked his left arm again but he gripped my hand while smirking.

"Ihatid mo na ako! Ang bigat ng books ko, oh!" balandra ko sa mga librong binalik nya. Tatlo lang naman pero mabigat pa din!

"Kasalanan mo 'yan, ABM pa more." asar nya pa. Umirap ako at pinalo na naman ang braso nya. Hindi naman ito ang books ko sa ABM, books ko 'to last school year.

"Bahala ka, h'wag mo akong hahanapin mamayang break time. Maligaw ka sana." I stuck my tongue to annoy him. Umakyat na ako ng hagdan at nagtungo sa aking room. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Deyan mula sa ibaba kaya napangisi ako.

Bahala pala ha!

Pagpasok ko sa room ay agad akong ginapangan ng kaba. Syempre, first day as a senior high student.

"Uhm, hello? Is this seat... U-Uhm ano... Damn. May nakaupo ba dito, Miss?" nagitla ako nang may magsalita. Nag-angat ako ng tingin sa babaeng kumausap sa akin, nakaturo sya sa upuang nasa tabi ko.

"Huh?" wala sa sarili kong sagot. I was spacing out, okay?!

"Huh-tdog." barumbadong sagot nya at umupo sa tabi ko. "Never mind. Dito nalang ako uupo..."

"Huh? Sorry...hehe." I answered with an awkward laugh.

"Grabe sis, tawang plastik, ah?" diretsong ani ng kausap ko.

Teka, bakit parang ang feeling close naman nya ata? Ilang minuto palang kaming magkausap, ah.

"I'm Marjorie Roble. You are?" sabi nya pa at inilahad nya ang kamay sa akin. Napataas ang kilay ko.

Marunong pala sya maging formal kahit papaano.

"Yukari Celeste." nakipag-kamay na ako after kong sabihin iyon.

Kumunot naman ang noo nya. "Nasaan doon ang surname?"

"Yung Celeste. Bakit?" I chuckled.

"Ganda ng apelyido mo." aniya kaya natawa ako. "ampunin nyo nalang ako." madramang aniya pa. Natawa na lamang ako.

At least I got a friend today, right?

Wala namang masyadong ginawa sa mga naunang subjects. Nag introduce yourself lang at ibinigay ng teachers ang mga rules and regulations sa bawat subject. Marami pa silang sinabi pero hindi ko na na-gets dahil dinadaldal ako ng katabi ko. Si Marjorie.

"Also, noong high school ako may nag-abang sa akin sa gate kasi inagaw ko raw 'yung boyfriend nya. Like hello? I'm not that low. Ew, poor." daldal pa ni Marjorie sa tabi ko.

Natatawa nalang ako sa mga kwento nya. Hanggang dumating ang break ay hindi matigil ang bunganga nya.

"Ikaw ba? Ilan kayong magkakapatid?" tanong niya nang dumako ang topic namin about sa family. I heard she has a twin but nasa side daw ito ng mommy nya. She has a broken family.

"Dalawa kami. May mas panganay sa akin na babae, 3 taon ang tanda sa akin."

Tumango tango naman si Marjorie sa aking sinabi.

"Marjorie!"

"Hala gago!" barumbadong sigaw na naman ni Marjorie at sinalubong ng yakap iyong tumawag sa kanya. Napailing nalang ako at bumaba ng building para sana hanapin si Deyan.

Naghahanap ako sa corridor nang may palad na tumakip sa mata ko. Agad ko itong nakilala nang maamoy ang pabango nito.

"Para namang hindi makikilala," I chuckled and removed Deyan's hands.

"Hinahanap mo'ko, 'no?" ngisi nya. Umirap ako at nag kunwari.

"Kapal mo! Hindi kaya! Hinahanap ko yung teacher ko-"

"H'wag ka nang mahiya, Yuki. Tayo lang naman ang makakaalam." nangaasar iyong ngiti nya at inakbayan ako.

Napasimangot naman ako at agad tinusok yung tagiliran nya. He flinched and glared at me. Mahangin talaga sya minsan. Tss.

"Where's the cafeteria?" he asked suddenly.

Matalino si Deyan. I heard he's the valedictorian of their school way back in junior high and elementary.

Hello, proud bestfriend here, ano po?

"Hanapin mo," sabi ko at inalis ang pagkakaakbay nya sa akin, nagsimula na ring lumakad.

"Susunod nalang ako sa'yo,"

"Kahit saan?"

"Oo naman, kahit saan." mayabang at siguradong aniya. Napangisi ako.

"Alam ko namang hindi mo ako iiwan, bestfriend mo kaya ako." ginantihan nya ako ng mapang asar na ngisi at inakbayan muli ako.

Worth of Loving You (A Phase Of; Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon