Kabanata 9

125 6 0
                                    

Kabanata 9

"Oh my! What do you call that pink thing?" I grabbed Deyan's hand and walked towards the stall with that cute pink thing.

"Iyan lang, hindi mo pa alam?" aniya. Napailing naman ako.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" I rolled my eyes.

Hindi kasi ako masyadong nakakapunta sa ganitong perya noon. Madalang. Kung ilalabas man ako nila Mommy, hanggang tingin lamang ako at sandali lang kami kung natataon na wala silang trabaho.

"Cotton candy 'yan."

"Look, may blue pa pala." sabi ko at tiningnan maigi iyong naka-plastic. Is that edible? It's my first time seeing this kasi eh.

"Alam ko. Bakit? Gusto mo nyan?" aniya ngunit tinitigan ko muna iyong cotton candy.

"How much? I'll buy 3 plastics-"

"Ang dami naman." nag salubong ang kilay nya. "Diabetes ang abot mo nyan."

"Fine! I'll buy one. I want the color pink-"

Handa na sana akong kunin ang aking sling bag sa kanya dahil nandoon ang wallet ko ngunit humakbang na sya papunta roon sa stall.

"Dyan ka lang, ibibili kita." ani Deyan at pumila doon. Namula ang pisngi ko nang makitang natatangi lamang sya roon dahil puro bata ang nakapila!

Samantala, hindi naman nakaligtas sa aking pandinig ang pagbubulungan ng mga kababaihan sa aking tabi.

"Ang gwapo! Tingin mo celebrity iyon?"

"I don't think so. Mukhang bata bata pa, eh."

"At tyaka, bakit nakapila iyon doon sa tindahan ng cotton candy?"

"He's probably babysitting someone."

Nang lingunin ko ang mga ito ay nakatingin sila sa akin. Napairap ako at nag-iwas ng tingin. Nainis ako dahil doon. Babysitting?

Tama lang naman ang height ko sa aking edad. Iyon nga lang, kapag katabi ko na si Deyan ay parang nanliliit ako. Hanggang kili kili lang nya kasi ako.

Ganoon ba ako ka-bata kapag tumabi kay Deyan?

Napasimangot ako lalo sa naisip. I suddenly thought of the old woman earlier, why would she even think that Deyan and I are in a relationship? Gosh, na-stress ata ang baby bangs ko dahil sumabog iyon sa noo ko nang humangin. Inis kong inayos muli ang maikling buhok.

Bumalik si Deyan dala ang isang plastic, iyong pinabibili ko.

"How much? I'll just pay you later-"

"No need, mura lang naman yan." inabot nya na sa'kin iyon.

"But-"

"No buts, Yuki. Just enjoy the moment, please." he said and placed his hand on my back. Kumunot ang noo ko. Kanina pa ang kamay nya, ah? Imbes na kabigin ay hinayaan ko na lamang sya habang nagiikot kami.

The cotton candy tastes good. It's my first time eating this. Noong bata kasi ako, hindi ako pinapayagan ni Mommy na kumain ng mga ganito. She even thought me na ang mga tinda sa kanto ay madudumi! I highly doubt that.

"Hala Deyan, look!" agad akong humiwalay kay Deyan nang makakita ng sisiw. May iba't ibang kulay non! Ang alam ko bright yellow lang ang kulay nila, ah?

"They're cute." Deyan whispered when he leaned closer to my left ear. Medyo siksikan na rin dahil dumami ang tao, mabuti na lamang ay hindi gaanong nagtutulakan ang mga tao dito.

"Yeah, they're cute." I said happily and stared at those baby chickens.

"You want one?"

Agad akong umiling.

Worth of Loving You (A Phase Of; Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon