Dedicated to Alain Celina and Jhaira Shane. I love you two<3
——
Kabanata 13
Pagod ako nang makauwi kaya agad akong nag bihis matapos kumain ng dinner, hindi ko kasabay sila Mommy dahil nauna na daw sila. Hindi ko na lamang pinsansin kahit ang totoo, sobrang nasasaktan ako. Fuck, I hate being sensitive.
I stared at my phone, no, at Deyan's last message to be exact.
It really bothered me. But why would he get mad, right? Because I didn't replied to his text? Because I was with Vernon?
No, I'm probably daydreaming if it is the reason why he's mad.
I didn't know what to do. Should I text him now? That I'm sorry for not replying? For not informing him that I was already having my lunch before he messaged me?
Napasabunot ako sa sariling buhok bago bumangon. Kinakain ako ng konsensya ko! I should really apologize. I fixed my hair and wore my peach hoodie at pajama.
Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa sala. Napahinga naman ako ng maluwag nang makitang nandoon pa sina Mommy at Daddy, nanonood ata ng pelikula. At least they got a time to relax.
Even just now.
"Mommy... Daddy." I called. Natigil sila sa paguusap at bumaling sa akin.
"Sweetie? Where are you going?" my mother asked when he scanned my whole body.
"Uhm...kila Tita Divina po. May kukunin lang po ako kay Deyan..." sambit ko at kinurot ang daliri sa pagsisinungaling.
Malalagot ka talaga, Yuki.
"Sigurado kang doon ka pupunta, Yukari?" istriktong tanong ni Daddy. Tumango ako ng ilang ulit. He seems not convinced but Mommy caressed his arm.
"Darling, let her. Kay Deyan naman pala pupunta..." Mommy said softly and turned to me. Even she was acting calm, her eyes were like daggers. "Take care. Bumalik ka agad."
Napangiti ako at tumango muli ng ilang ulit. I'm so happy that they let me but it eventually faded when I remembered they only let me go because I'm going to Deyan, not because they trust me. I breathed hard and compose myself.
Halos liparin ko ang daan patungo sa bahay nila Tita Divina, ang tiyahin ni Deyan. Dalawang eskinita lang naman ang kailangang lakarin.
Ang tanging dala ko lang ay wallet at phone na bitbit ko lamang dahil walang bulsa ang pajama na aking suot.
Pagdating sa bahay nila Tita Divina ay palihim akong nagpasalamat dahil bukas pa ang ilaw. Ibig sabihin ay gising pa sila.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. "Tao po! Tita Divina?"
Narinig ko pang may nahulog ata sa loob bago ako pinagbuksan ng pinto. Bumungad sa akin si Tita Divina na naka-apron at halatang nagbi-bake dahil may onting harina pa sa may pisngi.
"Naku! Yukari, pasok ka! Si Deyan ba ang hanap mo? Wala pa ineng, hindi pa nadating, baka maya maya pa iyon dahil ang alam ko 8 pa ang out non sa trabaho." tuloy tuloy na sabi ni Tita Divina. Inimuwestra nya ang loob ng bahay ngunit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan.
Tila napako ang paa ko sa kinatatayuan.
"T-Trabaho po?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Ah oo, neng. Hindi ba nasabi ni Deyan sa'yo?" tila natigilan din si Tita Divina nang makita ang ekspresyon ko.
"H-Hindi po..." I said lowly. "S-Sige po, mauna na po ako. H'wag nyo nalang pong sabihin kay Deyan na nagpunta po ako dito."
Inalok pa ako ni Tita na kumain ngunit sinabi kong tapos na ako at kailangan ko nang umalis. Tulala ako habang naglalakad, malalim ang iniisip.
BINABASA MO ANG
Worth of Loving You (A Phase Of; Series #1)
Romansa phase of; series #1 Yukari Fleur. -- Date started: March 16, 2021. Date Ended: June 14, 2021. (UNDER REVISION!!!)