I'm still looking sa posisyon kung nasaan si Maxon kanina, kahit na matagal na siyang umalis ng bumalik si Nay Lita kasama si Tay Lando. Nakangiti silang nag-uusap habang naglalakad papalapit sa kung nasaan ako. I envy how they looked at each other's eyes. I wonder if I could ever find that kind of love--pure and warm. I shrugged at the thought. Imposible. Itatali na pala ako. At sa taong hindi ko man lang mahal. All the romantic scenarios that were playing in my head since I was young were slowly fading, I wouldn't have the chance to experienced it afterall.
"Bakit nag-iisa ka nalang ija? Nasaan si Maxon?" nakakunot-noong tanong ni Nay Lita ng makarating sila harapan ko. Nginitian lang ako ni Tay Lando, habang pinupunasan niya ang pawis sa mukha niya. Kahit na bakat na sa mukha ni Tay Lando ang mga laugh lines at kunot sa gilid ng mga mata still you can appreciate his looks. I assumed, women were after him in his prime.
I shrugged sa tanong ni Nay Lita. "Tapos na po siyang kumain at nauna na po."
Napatango nalang si Nay Lita bago umupo sa gilid ko, habang umupo naman si Nay Lando kaharap niya.
"Siguro, marami na namang nakahilirang mga papeles ang kailangang basahin at permahan ni Maxon. Kakauwi niya pa lang galing Italy kaninang madaling araw at hanggang ngayon trabaho pa rin ang inaatupag niya." tanging sabi ni Nay Lita at sinundan ito ng isang malalim na buntong-hininga. Concerned drew all over her face.
Kaya pala bakas sa mga mukha ni Maxon ang pagod, kakagaling niya lang pala sa business trip. And business trips were no joke. It's really mentally and physically exhausting. I felt a sudden gush of guilt, hindi pa siya nakatulog ng maayos dahil maaga akong dumating dito. Kaya pala he looked like a mess kaninang umaga. Bahagya akong napasinghap ng nabaling sa akin ang tingin ni Nay Lita.
"Masaya talaga ako dahil nandito kana ija. May makakasama na rin si Maxon sa wakas. Nandito naman kami ni Lando pero iba pa rin 'yong kasing edad niya.. Kasi mas alam niyo ang gusto ng isa't-isa." sabi niya bago inabot ang kanin at ibinigay iyon kay Tay Lando.
"Ilang taon ka na nga ba Ma'am Amara?" tanong sa'kin ni Tay Lando habang nilalagyan niya ng kanin ang plato ni Nay Lita.
"Amara nalang po ang itawag niyo sa akin Tay Lando. I'm 22 na po."
"Matanda pala sa iyo si Maxon ng dalawang taon. Akala ko magkasing edad lang kayo ng kapatid niyang babae. Ang bata mo pa pala."
May kapatid si Maxon? Bakit hindi ko alam? I mean, hindi alam ng business world na may kapatid ito... or maybe may balita dito pero hindi ko lang talaga alam. Gusto kong magtanong tungkol dito but I feel that I'm being nosy kaya I just choose to shut my lips.
"Alam kong mahirap pakisamahan si Maxon ija, pero sa una lang ang mga iyan. Mabait at mapagmahal si Maxon. Sa una lang talaga ang mahirap."
Sana nga sa una lang mahirap 'cause I can't imagine living under the same roof with him nang hindi namin nakakasundo ang isa't-isa. And God knows hanggang kailan kami magsasama.
YOU ARE READING
Suddenly Screwed
RandomMaxon Cai Go is a handsome bachelor who is not interested in love after experiencing it the first time. But fate must be playing with him because he's suddenly screwed with Amaranthine Acuesta, a beautiful lady who just wants to end their marriage.