Pag-ibig sa Kapwa
Kay sarap sa damdaming salita
Na minsa'y nagdadala satin ng luha,
Dahil pag-ibig nila'y hindi makitaPag-ibig sa kapwa
Marahil sa pagkakaiba-iba,
Pag-iibiga'y hindi magawa
Diskriminasyon kailanma'y 'di huhupaKailan kaya ito mangyayari,
Na pag-ibig sa mundo'y syang maghahari?
Ang iyong puso ba'y gawa sa bato,
Na 'di'y matipak kahit na nang santo?Tignan mo ang iyong paligid,
Isiping ika'y nasa malawak na bukid
Bukid na pagkaganda-ganda't kaakit-akit
Kagandahang dala'y nagdudulot satin ng sakitTakot,depresyon,pangungulila at sakit,
Daig pa ang bagyo'y sakin humagupit
Ika'y mag-isa sa malawak na bukid
Anong iyo'y nararamdaman sa walang taong paligid?Pag-ibig ay hinahanap sa iba,
Ngunit hindi magawa sa sariling kapwa
Pag-ibig di'y hinahanap ito'y ramdang kusa,
Na ginagawa ng may gawa at di'y puro salitaMahalin ang kapwa parang iyong sarili,
Para sila'y may maalala kahit 'di manatili
Maaari kang magdala sa puso ng saya,
Malay mo ikaw ang hinahanap nila
