Ako'y natutuwa tuwing ito'y nakikita
Napapangiti ng 'di oras kulang nalang ay luha
Halo-halong emosyon twing ito'y kayakap
Sa isip ko kasiyaha'y ito ang sangkapNatatandaan ko ang ating mga alaala
Lalo ang iyong munting handog at sorpresa
Ang sabi mo pa nga lagi ko itong yakapin,
Dahil ito'y produkto ng mga alaala natinDala ko dito,dala ko doon
Kasa-kasama kung saan man ako naroon
Sa pagtulog,pagligo at pati narin pagkain
Sinusubuan pa nga ng mga nakahainTumatawa kahit san man magpunta
Ikaw ang taong kaya akong mapasaya
Masaya ako tuwing ika'y kasama
Pero paano na kung ako'y iniwan mong mag-isa?Ang sabi mo di mo ko iiwan
Dadalo pa nga tayo ng sariling kasalan
Nangako ka pinanghawakan ko
Ito ako ngayon lumuluha ng dahil sa pangiiwan moBakit hindi mo sinabi?
Bakit iniwan mo ko ng walang pasintabi?
Nandito ka dapat sa tabi ko
Pero napamakasarili ko naman kung ipipilit koSabi nila di ka din mabubuhay ng matagal
Dahil sa sakit na iyong dala aking mahal
Isa itong nakamamatay na sakit
Na magdadala sayo ng kinabukasang mapaitPero naiisip ko pano mo nagawang tumawa?
Nung ako nga ay lumuha ng lawa
Wala pa nga akong sakit sa lagay na iyon
Ang sabi ng iyong ina ako raw ang iyong konsentretasyonAko'y umiiyak gabi-gabi
Twing nakikita ang manika sa aking tabi
Pangako matatanggap ko din ang lahat
Pero hindi ngayon dahil para akong tinutusok ng karayom sa balatNagdaan ang araw na ikaw ang laman ng isip
Sa pagkain,pag-inom kahit na pasipsip
Unti na lang mahal matatanggap ko
Wala kana talaga at iniwan mong nag-iisaIka' nakikita sa kulay chokolateng manika
Natutuwa 'pag isip ang iyong masayang muka
Kailan kaya kita muling makikita?
Salamat nga pala sa iyong munting handog na manika
