Nagbibigay ng magandang aral
ng may pagmamahal,
Nagtuturo ng panibagong kaalaman
na sa dilim ay ilalaban.
Kayang umawit, sumayaw at magresulba ng mga problema.
Kayang maging pintor, karpintero at magbigay ng panibagong problema.
Sa madaling salita, kaya nila lahat
at kaya nilang maging lahat.
Pangalawang magulang sa paningin,
Gurong tagapayo kung tawagin.
Nagbibigay liwanag sa kaisipang madilim.
Nagsasalba ng kabataang nahuhulog sa dagat na malalim.
Araw nila’y pinaghahandaan,
Ito kaya’y sapat na para sila’y pasalamatan?
Tanong na palaging nasa aking isipan,
Paano ba nila nabigyang kulay ang ating larawan?
Lahat ay masaya para sakanila,
Makulit na mag-aaral na lagi nilang nakikita,
mag-aaral na nagbibigay ng sakit sa ulo,
at mag-aaral na kanilang hinuhubog at binubuo.
Nagpapasalamat ang lahat sa kanilang binigay na kaalaman.
Kung wala sila wala tayong madaraanan at patutunguhan.
Maligayang araw ng mga guro,
sana’y magkaroon pa ng lakas at dahilan upang makapagturo.
Sa araw na ito kaligayahan nyo ang inaasam namin,
Wala muna kaming gagawin at ulo nyo’y hindi muna papasakitin.
