M A E R A Z E N Z U N I G A
Napa-hikab ako habang pilit na nakikinig sa lecture ng Prof sa harap while typing some important notes on my laptop. Ang subject namin ngayon ay tungkol sa International Relations. Dahil nakaka-antok ang lecture, halos lahat ay naiinip na.
I glanced at the time at saktong tumunog ang bell. Hudyat na tapos na ang time period ni Prof Jensen.
“Mag-advanced reading and study kayo tungkol sa Philippine International Affairs and Non-Aligned Movement. We will have a quiz next meeting.” Ang huling saad ni Prof bago lumabas ng room. Sinara ko ang laptop ko at inayos ang mga gamit.
“Maera!” Napa-tigil ako sa paggawa ng marinig ang pangalan ko. I looked at Arriane and Drio who both called my name.
“Luh,” tiningnan ni Arriane si Drio at tinarayan ito. Si Drio naman ay sinamaan ito ng tingin.
“Bakit?” Sagot ko sakanila ng mapansin ang pag-taas ng tensyon sa pagitan nila. Para kasing mag-aaway na sila dito sa loob ng room eh.
“Sa Sec Walk tayo.”
“Sa Edsa Walk tayo.”
Napa-tawa ako ng pareho silang nag-salita. Muli nilang tinignan ang isa’t isa at nagbigayan ng sama ng tingin.
Inunahan ni Arriane si Drio sa paglapit sa akin. “Best Friend ang priority ni Maera. Hindi ka naman nya best friend kaya shoo away ka na.” Arriane rolled her eyes. She clinged her arms to mine and walked outside the class. Hinila nya ako papunta sa direksyon ng Sec Walk.
“Nandun yung SC, girl! May meeting ata sila don.” Saad nito habang naglalakad.
“Anong gagawin natin don?” Takang tanong ko kay Arriane. She stopped walking to give me one of her annoyed look.
“Hello?? Nandun si Law na bebe mo. Not to mention na sa Sec Walk din tumatambay halos lahat ng pogi sa campus.” I looked at Arriane with disbelief.
“Seryoso? Akala ko mag-aaral tayo dun.”
“Multi-tasker ako, Maera. I can study while oggling at handsome boys.” Sagot nito at muli akong hinila.
Multi-tasker? Is that even a word?
Umiling na lang ako at hinayaan si Arriane na hilain ako. When we reached the Sec walk, many students were walking around. Tumingin ako sa paligid at napansin ang grupo ng mga estudyante na nag-uusap.
The Student Council, who seems like they were in a meeting, were discussing something. Umiling ako ng makita na tanging sila Hermes at Asher lang ang hindi nagseseryoso. Nag-iwas ako ng tingin ng mahagip ni Law ang mata ko.
“Maera, dito tayo.” Saad ni Arriane na hindi ko namalayan na nakalayo na pala. She was sitting on a table near the SC students.
“Why there? Pwede namang duon na lang?” Tinuro ko ang upuan at lamesa na malapit sa akin.
“Duh, kase malapit tayo sa SC? Atsaka malilim dito kasi may puno eh.” Paliwanag nito. Napa-iling na lang ako at pumunta sa kanya. I really hate it when Arriane plays as a matchmaker.
Binaba ko ang laptop ko at binuksan ito. I also opened my notes and books. May conlusion paper kami due Saturday. Thursday na ngayon at wala pa akong nasisimulan.
I was minding my own business when Arriane nudged my elbow. Sinamaan ko sya ng tingin. “Ano?”
“Kanina pa may nakatingin sayo oh.” Nginuso nya ang direksyon ni Law. I glanced at him and when I caught his eye, he smiled at me.
BINABASA MO ANG
Kryptonite (The Youth #3: Law & Maerazen)
Teen FictionThe Youth (SGS 2nd Gen #3): Urbina and Zuniga Maerazen Zuniga has a secret and she's been keeping it for a long time. No one knew and she plans to keep it that way. Not until Law Urbina, the same man who broke her young heart years ago, discovered t...
