June 2013
Meeshell's POV
Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Kinuha ko ang unan na nasa tabi ko at pinangtakip sa mukha. Pero nagulat ako ng may mag-alis nito, hinila pati ang kumot ko.
"Honey, gising na malalate kana sa klase mo," sabi ni mommy sabay hila sa kumot ko.
"Mommy, 5 minutes." sabay kuha pabalik ng kumot para muling matulog.
"Kanina pa 'yang 5 minutes mo Kaye." Rinig kong sabi ni Kuya kaya agad akong napabangon at tiningnan ang pinanggalingan ng boses.
"Nakauwi kana!" masayang sigaw ko saka takbo sa kapatid ko na nakatayo sa may pinto. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa para malaman kung totoo talaga siya at hindi ako nananaginip. Nakuha ko pang kurutin ang sarili ko.
"You're back! For real!" maligayang sabi ko sabay yakap dito.
Galing kasi siyang Manila para mag-aral at halos ilang buwan din siyang hindi nakauwi kaya labis na lang ang pagkamiss ko sa kaniya.
"Bitaw na Kaye, nasasakal na ako," reklamo nito sabay tanggal ng kamay ko na nasa mga leeg niya.
"Kailan ka pa bumalik Kuya? May pasalubong ba ako?" excited na tanong ko sa aking kapatid.
Narinig ko ang palatak ng kapatid ko habang si mommy naman ay tuwang tuwa sa nakikita.
"Mayroon, pero mamaya mo na kuhanin. Maligo kana at may klase ka pa." sabay talikod sa akin at lumabas na ng kwarto.
Nang lumabas siya ay agad ko nang kinuha ang uniform ko sa cabinet. Isang white long sleeves na may grey blazer, na mayroon tatlong linya sa manggas na nangangahulugang nasa ikatlong taon na ako ng high school, at isang grey checkered skirt. May kasama din itong pink na ribbon.
Akmang papasok na ako sa banyo ng maalala kong nasa kwarto pa pala si mommy.
Nakita ko itong nakatayo sa harap ng mga pictures ko noong bata. Nilapitan ko ito at niyakap siya sa likod.
"Mommy may problema ba? Sa tuwing napunta ka na lang dito sa kwarto ko gan'yan ka na lang palagi, lagi mong tinitingnan ang mga pictures ko noong bata pa ako. Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko, Mommy?" sabi ko sa kaniya.
Narinig ko naman ang mahinang tawa nito saka tinanggal ang mga braso kong nakapulupot sa kaniya at humarap.
"May importanteng tao lang akong naaalala sa tuwing tumitingin ako sa mga pictures mo anak," malumanay na sagot sa akin ni mommy.
Laging gan'to ang sagot sa akin ni mommy sa tuwing tinatanong ko ang dahilan kung bakit lagi niyang tinitingnan ang mga larawan ko. Minsan pa nga ay nahuhuli ko siyang umiiyak sa mga larawan ko o hindi kaya ay sa kwarto na katapat nila. Ang kwarto na 'yon ay never kong napuntahan at napasukan dahil ayaw nila mommy at daddy na ipagalaw 'yon kahit na kanino.
BINABASA MO ANG
Blinded by Old Flames
FanfictionSi Meeshell Kaye Abalos ay isang masayahin at simpleng babae na nakatira sa Laguna. Makilala niya ang lalaking magdudulot sa kaniya ng sakit sa pag-ibig, si Nix Chavez. Ang unang lalaking mamahalin niya at ang unang lalaking mananakit ng husto sa pu...