Synopsis

46 10 0
                                    

Si Meeshell Kaye Abalos ay isang simpleng babae na may tahimik na buhay kasama ang pamilya na nakatira sa Laguna

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Si Meeshell Kaye Abalos ay isang simpleng babae na may tahimik na buhay kasama ang pamilya na nakatira sa Laguna. Masayang namumuhay at kuntento na rin sa mga kaibigan na nakapaligid sa kaniya. Hanggang sa isang lalaki, si Nix Chavez ang darating sa buhay ni Meeshell. Mamahalin nila ang isa't isa at magiging masaya.

Ngunit tila hindi sapat ang pagmamahal nila sa isa't isa para umabot sila hanggang dulo. Kagaya lang din sila ng ibang magkasintahan, sila'y sinusubok din ng panahon. Dahil sa pag-ibig hindi lamang kasiyahan ang naidudulot nito sa bawat taong nagmamahalan, bawat magkarelasyon ay mayroon ding iba't ibang problema na kailangan nilang solusyunan.

Isa na dito ay nang malaman nila na ang mismo pala nilang mga magulang ang isa sa magiging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Hindi lang 'yon, dahil din sa isang pagkakamali, ang masayang mag kasintahan ay mauuwi sa masalimuot na paghihiwalayan.

At dahil sa mga problemang dumating kay Meeshell ay magdudulot ito ng matinding sakit at kalungkutan. May mga mawawala sa kaniyang buhay, pero may papalit at mananatili hanggang dulo. Muling makikita ni Meeshell ang unang taong nagmahal sa kaniya, si Luthor Lee, na siyang gagabay at aalalay kay Meeshell hanggang sa muli itong makatayo sa kaniyang dalawang mga paa.

Sa paglipas ng panahon, paano kung magpakita ulit kay Meeshell ang unang lalaking kaniyang minahal at ang unang taong nagdulot sa kaniya ng matinding kalungkutan. At panibagong problema lamang ang dumating sa kaniya? Makayanan kaya ni Meeshell na tanggapin ulit ang lalaking ito? Paano kung sa pagbabalik nito ay muli siyang masaktan? Pipiliin kaya ni Meeshell si Nix at susugal para sa pagmamahal na matagal na niyang inaasam? O hahayaan na lang ni Meeshell ang nararamdaman para kay Nix at pipiliin ang sa tingin niya ay tama para sa kanilang dalawa?

 At panibagong problema lamang ang dumating sa kaniya? Makayanan kaya ni Meeshell na tanggapin ulit ang lalaking ito? Paano kung sa pagbabalik nito ay muli siyang masaktan? Pipiliin kaya ni Meeshell si Nix at susugal para sa pagmamahal na matagal ...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Blinded by Old FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon