Chapter 3

72 43 42
                                    

June 2013

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

June 2013

Meeshell's POV

Nakatingin lang ako sa pagkain na inorder ko habang hawak ang tinidor at pinaglalaruan ito.

Hindi ko alam na may kaibigan pala si Zid na kay sama ng ugali. At ang malala bakit parang ang bilis magtagpo ng mga landas namin ulit.

"So— bakit parang ang taas ng tensyon sa pagitan natin ngayon?" sabi Zid habang kumakain sa tabi ko.

Magkakasama kasi kaming kumakain ngayon, ang mga kaibigan ko at kaibigan ni Zid. Napagdesisyunan kasi ni Zid na magsama sama na lang din kami para magkakilala ang isa't isa. At ngayon, alam kong nararamdaman nila na may mali.

Naiinis kasi ako dahil sa Nix na 'yon. Bukod sa ginawa niya kanina, mas nakakainis ang pinapakita niya ngayon. Kampante lang siyang kumakain at nung nakita niya ako kanina ay parang wala lang sa kaniya. Parang hindi niya naalala kung ano yung ginawa niya sa akin, parang hindi niya ako kilala.

Hindi ko maiwasang mapahawak sa ulo ko dahil pakiramdam ko sasabog na siya mamaya maya. Iniisip ko din na kapag mas lalo pang nakahalata ang mga kaibigan ko hindi ko alam kung anong unang sasabihin sa kanila.

"Meeshell," rinig kong tawag sa akin ng kaibigan ko.

Agad kong nailing ang ulo ko para mawala ang iniisip saka bumaling dito, it was Dixie. Mukhang kanina pa nila ako tinatawag pero masyadong malalim ang iniisip ko.

"You look too preoccupied," sabi niya.

"Saka okay ka lang ba, Ate? Kanina ka pa nakahawak sa ulo mo," dagdag pa ni Maggie.

Nagulat ako ng biglang sumigaw si Janna at nag-aalala na tumingin sa akin.

"Ayos ka lang ba Meeshell? Masakit ba ulo mo?" Aligagang tanong ni Janna sa akin.

Naanigan ko na nakatingin sa akin si Nix, malapit lang kasi siya sa pwesto ni Dixie kaya kita ko pa din siya kahit papaano.

Nasa kaliwa kasi si Nix ng nasa harap kong bakanteng upuan. Bale kaharap siya ni Maggie na nasa kaliwa ko. Habang si Dixie naman ay nasa kaliwa ni Nix, katapat si Janna. At si Zid at Lyndon ang magkaharap na nakapwesto sa may kanan ko.

"What happened?!" Tanong ni Dixie, alam ko sa puntong ito hindi na niya . . . na nila ako titigilan hangga't hindi nila nalalaman kung ano ang nangyari. Napabuntong hininga ako at napasuklay sa buhok.

"Okay lang ako. Huwag kayong mag- alala," sabi ko sa kanila.

"Then, ano yung sinasabi ni Janna?" Tanong ni Dixie.

Alam kong kailangan nilang malaman kung anong nangyari, pero ayaw ko ng lumaki pa ang gulo. Kahit na grabe 'yong galit ko kay Nix, hindi ako eskandaloso na tao.

Blinded by Old FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon