Chapter 4

55 40 28
                                    

June 2013

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

June 2013

Meeshell's POV

We're now heading to gymnasium para sa meeting na kailangang attend-an ng mga officers.

Sa nagdaang tatlong araw naging maayos naman ang pagpasok ko sa Ethereal. Walang masyadong gulo na pinapasok ang mga kaklase ko at mabuti na din 'yon. Sumusunod din silang lahat sa mga sinasabi ni Luthor.

Samantalang si Nix . . . hindi na ulit nagkasalubong ang landas namin. Nakikita ko na magkasama si Zid at Lyndon pero wala si Nix do'n.

Habang si Luthor naman— lagi na naming kasama kahit saan kami pumunta ni Janna sa loob ng school pati sa pagkain ng lunch ay present siya. Masaya naman kasama si Luthor, mabait siya at palangiti. Saka gusto siya ni Maggie at Janna kaya hinayaan ko na lang din. Pero hindi ko masasabing pabor din si Dixie sa kaniya dahil tahimik lang naman ito at walang kibo kapag kasama namin.

Sa nagdaang mga araw din ay nagkaroon ulit ng botohan ng mga officers sa pagitan ng walong section sa buong 3rd year, ako pa rin ang ginawa nilang President, si Luthor ang Vice President at si Gia pa din ang secretary. Habang ang ibang mga posisyon ay galing na sa ibang section ang nanalo.

"Ngayon natin malalaman kung sino makakasama natin na 4th year students para sa two days camp diba?" tanong sa akin ni Gia.

"Oo, bukod sa 4th year officers makakasama din natin ang student council at kaunting estudyante galing sa 1st and 2nd year," sagot ko.

Kita kong nagbuntong hininga si Gia kaya tinanong ko kung ano ang problema.

"Lagi kasing minumungkahi ng teachers na isama ang 1st at 2nd year officers sa camp na ganito. Kahit alam naman nating hindi lahat sa kanila ay papayagan ng mga magulang nila at mas pipiliin na lang na ikulong ang mga anak sa bahay para mag- aral," mahabang sabi ni Gia saka siya nauna nang naglakad kasunod ang iba pang officers.

"Gano'n ba kahigpit ang mga magulang sa Ethereal?" Biglang tanong ni Luthor sa akin na sinagot ko naman ng isang tango.

"But, why?" Pahabol nito.

"Syempre, ayaw nilang makasagabal ang ganitong activities sa pag- aaral ng anak nila. They want their child to be a successful person dahil sa talino nito at hindi sa ganito. Iba kasi ang takbo ng isip ng mga magulang," sagot ko.

"Pero buti madami dami ding sasama sa atin—" sabi nito sa akin saka tiningnan ang mga kasamahan namin.

Alam ko din kasi na napagtanto na ng mga kabatch ko na kailangan din naming i-enjoy ang junior high school. Sabi nga ng ilang nakakatanda, nasa high school ang mga pinakamasayang experience habang nag-aaral.

Ngumiti na lang ako sa kaniya at saka nagmadaling maglakad papunta sa gymnasium. Sinenyasan ko na din ito na pumasok na sa loob.

Pagpasok ko ay nilibot ko agad ang tingin sa paligid, kami palang na 3rd year officers, ilang student council at kaunting bilang ng estudyante galing sa 1st at 2nd year ang nasa loob. Nakaupo ang lahat sa bleachers at may sari sariling mundo at ginagawa.

Blinded by Old FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon