Kabanata 44

154 10 0
                                    

"Mama," isang malambing na tawag ang narinig ko sa aking likuran.

Bahagya akong napatigil sa pagpapalit ng mga sapin sa unan at hinarap iyon. Nakangiti itong hawak ang bag na madalas kong ginagamit sa aking trabaho at kinakaway-kaway niya ito. Lumuhod ako rito upang mapantayan siya saka ngumiti ng mapait.

"Mama, no work na," iiling-iling na sabi ko rito na mukhang naintindihan niya.

Kumunot ito sa akin saka ginaya ako na umiling.

"No?"

"Yes," sagot ko saka siya ngumuso.

"Kiss Inah, hmm." Ngumuso ito saka naunang humalik sa akin.

"Bye, bye!"

Kumaway ito at muling naglakad patalikod habang kinakaladkad ang aking bag, maingat niya iyong inilagay sa dati at nangi-alam na naman ng panibago.

Imbes na sawayin, hinayaan ko na lang ito dahil binabalik niya rin naman sa dati ang lahat. Nagbalik muli ako sa ginagawa ko.

Napasinghap na lang ako dahil sa nangyari isang linggo na ang nakalipas mula nang matanggal ako sa trabaho. Kasalanan ko rin naman kung bakit napabayaan ko ang trabaho ko. Pero hindi ko dapat na damdamin iyon dahil ginawa ko lahat ng best ko.

Nagkataon lang naman na mas inuna ko ang mga bata. Iyon naman talaga ang pinunta ko rito.

Narinig ko ang mahinang tawag ni Van kay Inah. Napansin ko si Inah na nasa balkonahe at napalingon sa kaliwang bahagi kung nasaan ang balkonahe sa sala, kumaway ito roon, marahil ay nandoon sa kabilang balkonahe si Van.

Kampante naman ang hindi sila madidisgrasya dahil sinigurado ng mga gumawa na ligtas na makapunta roon ang mga bata.

Iniisip ko na lang na baka pinanganak talaga ako para mag-alaga ng mga bata. Oo tama, baka nga yon ang papel ko sa mundo. Tang*nang papel sa mundo yan.

Matapos kong linisin ang kwarto ay oras na para ang sala naman. Hindi ako nakakaramdam ng pagod sa kakalinis kundi sa pagsaway sa kanilang dalawa.

Ang sarap nilang durugin, jusko!

"Oh my god! No! 'Wag kayo rito, get inside, gosh!"

Mabilis na nagsitakbuhan ang dalawa papasok ng kwarto at nagsisitalon sa kama.

Napasapo na lang ako sa aking noo.

Kaunti na lang talaga hihingi na ako ng backup sa dalawang to.

Mabilisang linis ang ginawa ko, simpleng ulam lang ang niluto ko dahil mas matakaw silang kumain kapag gabi. Wala na akong ibang marinig na ingay mula sa kanila maliban na lamang sa mga manikang nagsasalita na halos paulit-ulit na lang.

Maya-maya pa ay halos mapatalon ako dahil sa katok na nanggagaling sa mismong pinto. Nakakapagtaka lang dahil wala naman akong aasahan na bisita at isa pa karamihan sa mga kakilala ko ay oras ng trabaho ngayon.

Pinunasan ko muna ang aking kamay saka nag-pasyang pagbuksan iyon ng pintuan.

"Pwedeng manggulo?" bungad nito sa akin na may kasamang nakakalokong ngiti.

Pinagbuksan ko iyon ng pintuan at napansin kong may dala itong kung ano sa magkabilang kamay nito na inilapag niya sa gilid.

"Wala kang trabaho?" tanong ko rito na ikinatango niya.

"Absent," kindat na sabi nito.

"Gago," pagmumura ko na tinawanan niya ng kaunti saka natatawang inginuso ang likuran ko.

"Ssshhhh."

Pagpapatahimik nito sa akin at nahalata ko pang may tinititigan talaga ito. Pagkalingon ko ay nakita ko doon ang dalawa na bigla na lang nabuhayan na nakangiting titig na titig kay Cyron at sabay na tumakbo upang salubungin ito.

"Huwag mo ng laruin 'yan, kakain na," sabi ko rito dahil mukhang maghapon na naman sila maglalaro.

Dumako ang tingin nito sa mesa na may nakahanda ng mga pagkain. Dahan-dahan niyang binuhat ang dalawa saka pinaupo sa kaniya-kaniyang upuan.

"Eat muna?" tanong nito sa mga bata na sabay na tumango.

Siya na ang nagkusang magpakain sa mga bata, hindi ko maiwasang matawa lalo na't may mga sinasabi ang dalawang kambal na hindi namin maintindihan.

"May dalawang taon ka pa pala rito. Good thing for you na makakapag-decide ka pa," sabi nito sa akin habang kumakain.

Napatingin ako sa mga bata na abala sa pag-nguya na nakatingin sa akin.

"Kaya nga. Baka maghanap ako ng extrang pagkakakitaan," simpleng sagot ko.

Napatingin ito sa akin at bahagyang kumunot.

"Bakit hindi ka na lang mag-pokus sa dalawang bata? Mahahati na naman ang oras mo niyan."

Napatingin ako sa dalawang bata na nagpasalin-salin ng tingin sa amin. Halatang nakikinig, may kung ano rin silang sinasabi na hindi namin maintindihan. Pakiramdam ko ay naiintindihan nila kami dahil sa paraan ng pagtingin nila.

'Wag naman sana nila manahin ang pagiging tsismisa ko.

"Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera Ron, alam mo namang magastos ang mga gamit ng dalawang yan," pagtutukoy ko sa dalawang tumatango.

Pinanlakihan ko sila ng mata dahil sa amin na ito naka-pokus.

"Sinabi ko na sa 'yo una pa lang, wala ka dapat na problemahin sa gastusin. Kaming bahala ni Tia sa ganyang bagay. Ang gusto lang naman namin na gawin mo, 'yong makapag-desisyon ka na kung anong balak mo sa dalawang bata. Hindi naman puwedeng dito na kayo mahirahan. Mas magtataka sila," mahabang litanya nito saka muling tumuon sa mga bata.

Naguunahan ang mga ito sa kung sino ang unang susubo sa kutsarita na iyon.

"Ngayon pa lang wala na kami maisagot sa mga tanong ng Tito mo, 'wag mong hintayin na siya mismo ang pumunta rito dahil kinukutuban na si Tia," pagtutukoy nito kay Mama A.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara na kamuntikan pang bumagsak. Kahit ako rin ay kinukutuban na pero ayokong mag-isip ng iba dahil alam kung hindi gagawin iyon ni Tito.

Tumingin lamang ako sa dalawa na abala sa pagtuturo ng kung ano sa mga dala kanina ni Cyron, bumungisngis si Inah saka pumalpak, samantalang si Van ay kalmado lamang na tinititigan ang relos ng Tito niya.

Bumibilis ang oras. Malapit na bang maubos ang oras ko?

Habang abala si Cyron sa pagpapatulog sa mga bata sa kwarto, napag-pasyahan kong tawagan si Zeren. Paniguradong umaga pa doon.

"Zeren."

[Veron! Oh god! I've been waiting for your call since last week. What happened? You okay? How's your work?] pagpapaulan nito ng mga tanong.

Napangiti ako rito. Sinasalubong ko lamang ang malakas na hangin na nagmumula rito sa balkonahe at matamang tinitingnan ang mga sasakyan mula sa malayo.

"I'm okay don't worry. Medyo naging abala lang kaya hindi agad ako nakatawag. K-Kumusta kayo? Sila Nikasha? Tito? How 'bout the other?"

Nakarinig pa ako ng ibang boses. Hindi ko alam kung sino iyon pero pamilyar sa akin.

[Oh, I see. We're fine here. We miss you. Ahm, I want to visit there in spain. Nikasha is willing to join with us, what do you think?] halatang sabik na sabik ito.

Hindi ako makapagsalita dahil baka mamaya mali ang masabi ko. Hindi sila pwedeng pumunta rito ngayon. Hindi muna.

"I-I'm not sure about my schedule. I'm too busy, sorry," kagat-labi kong sabi.

I'm sorry Zeren.

[Oh, no, it's okay. Just take care yourself. They're waiting for you. Mansion is always open for you, so don't be worry at anything, I love you.]

Isang malakas na kalabog ang namayani sa aking dibdib. Parang may kung anong ibig sabihin iyon.

Mansion is always open for you, so don't be worry at anything.

A Hidden Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon