Kabanata 4

218 15 0
                                    

Kanina pa ako walang maisip na designs sa damit, mabuti pa si Lana nakakagawa na. Nandito na kami lahat-lahat sa bahay pero walang laman a h utak ko. Mula nang mangyari iyong kagabi para na akong mababaliw, malulungkot tapos kikiligin, tapos magtataka na naman.

"Paano ba kasi manligaw?" mahinang tanong ko sa aking sarili.

Roon ko lang napagtanto na kanina pa pala nakatingin sa akin si Lana, nakataas ang mga kilay at pabalag na binitawan ang lapis nito.

"Ikaw? Nanliligaw? Seriously?" sabi nito na nakaturo pa ang daliri sa akin na parang nandidiri pa.

"O-Oo, ano bang masama roon? Meron ba?" muling tanong ko at this time irinatdong tumingin ito sa akin at umirap pa.

Minsan lang siya ganyan kaya kinakabahan ako sa sasabihin niya.

"Yes! At sobrang pangit tingnan. "

"Eh bakit ka nagagalit?"

"No I'm not. Sinasabi ko sa 'yo na tigilan mo 'yang kalokohan na 'yan. Ayos lang naman ang magkagusto Veron, pero sana alam mo 'yong limit mo, alam mo dapat kung hanggang saan ka lang, at alamin mo dapat kung kailan ka susuko pagdating sa ganyang bagay. Ayokong umabot sa puntong manatili ka na lang sa ganyan, sa paghahabol. Trust me Veron, masasayang lang ang oras mo sa paghahabol. Bakit hindi mo buksan 'yang mata mo at puso mo para sa iba? Maraming naghahangad na makuha ka pero hindi mo 'yun makita dahil nabubulag ka na sa pag-ibig ng taong alam mong hindi ka kayang mahalin. I'm sorry Veron, magalit ka man sa akin okay lang, ayoko lang na dumating ang araw na pagsisihan mo ang mga bagay na ginagawa mo ngayon," mahabang lintanya nito na hanggang ngayon hindi ko alam kung paano ipapasok sa utak ko.

"Iiwan na muna kita rito. And one more thing, ikaw at ikaw pa rin ang may kontrol sa lahat, hindi mo kailangan sundin ang mga sinabi ko, pero sana handa ka kung anuman ang kinalabasan na mga ginawa mo ngayon at sa mga gagawin mo pa lang okay? Kahit ganyan ka ka-tanga, mahal kita." Saka niya ako dinampian ng halik sa pisngi at ang huli ko na lang narinig ay ang pagsara nito ng pinto.

Halos maibagsak ko na lang ang katawan ko sa kamang hinigaan kanina ni Avellana dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan, ewan ko kung meron ba siyang dalaw ngayon kaya ganyan siya kasungit o baka  naman mali na talaga ang ginagawa ko.

Hindi ko rin naman siya masisisi, estudyante pa lang kami siya na ang nakakaalam ng kabaliwang ginagawa ko.  Napabuntonghininga na lang ako dahil sa bigat ng hangin dito sa loob ng kwarto, hanggang ngayon hindi pa rin pumapasok ng lubusan ang mga sinabi ni Lana sa akin, minsan kasi kapag gumagawa naman ako ng mali eh wala namang nangyayaring masama sa akin at wala akong pinagsisisihan.

At isa pa hindi ko pagsisisihan ang paghahabol na ginagawa ko, masaya naman ako eh.

Masayang nasasaktan.

Feeling ko talaga may tama sa sinasabi niya kanina pero hindi ko alam kung ano roon, siya pa rin naman ang nagsabi na kontrolado ko ang sarili ko so meaning... ako pa rin ang masusunod! Tama! Ako ang masusunod! 

Iniwan ko na lang ang mga kalat namin ni Lana dahil may gagawin din dito si Lucas at siya rin naman ang maglilinis. Pagkalabas ko ay kaunti lang ang tao  sa sala, hinanap ng mata ko si Lana pero wala siya.

"Oy! Nag-away kayo? " bungad sa 'kin ni Lucas habang nginangat-ngat ang hawak nitong mansanas.

"Nino?"

"Si Lana syempre."

Inirapan ko itong nilagpasan at saka umupo sa sofa na katabi niya lang. "Si Lana? Hindi naman kami nag-away e, bakit?"

"Nakasimangot e, sinungitan sila Jairo at Martin kaya ayun, na-depress 'yong dalawa," sabi nito na tawang tawa pa habang walang habas na nginanangatngat ang pagkaing hawak.

"Ahh baka naman meron siya ngayon,"

"Meron? Ng alin?"

"Ng dugo malamang," sabi ko rito at saka kinuha ang magazine sa harapan ko.

Napakunot na lang ako dahil sa pagkunot nito at titig na titig sa akin. "Dugo? Lahat naman ng tao may dugo ah, at isa pa Veron may dugo rin kami pero hindi kami nagsusungit,"  pagdedepensa nito sa mga sinabi ko.

"Alam mo ang bobo mo! Ang ibig kong sabihin baka may dalaw siya!" bulyaw ko.

Babalik na sana ako sa pagtingin sa magazine nang mapansin siyang tumayo at inilibot ang mata.

"Nasaan ang dalaw? Wala naman ah!"

Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko talaga alam kung bakit naginh kapatid siya ni Zaffiro! Potangina!

Napagpasyahan kong lumabas na muna ng bahay at dito na muna manatili sa hasyenda para naman makalanghap ng matinong hangin.  Sinimulan ko na lang ang maglakad-lakad, tutal nandito na rin naman ako sa hasyenda. Nang matapat ako sa isang malilim na puno ay agad akong sumilong roon, kaya naman nakaramdam ako ng kahit papaano ay malamig sa pakiramdam. Tama lamang ang hampas ng hangin at ang pinagsamang maalinsangang panahon.

Umupo na muna ako at saka sumandal sa katawan ng malaking puno, ipinag-cross ang dalawang paa at saka inilagay ang kamay sa ibabaw ng hita kung saan ako kumportable.

Naalala ko tuloy 'yong nga outline ko, jusme. Panibagong kliyente na naman ang haharapin namin, well, sila na ang kusang lumalapit sa amin, lalo na ngayong buwan na marami ang nagpapakasal kay in-demand ang mga wedding gown, kaya for sure pagod na naman kami.

Akala ng iba madali ang mag-design ng mga damit, it'a a big no! Nakakapagod sa utak lalo na kung mataas ang expectation nila, kesyo naggandahan lang sa unang layout e, mag-e-expect na agad sila na maganda ang susunod na gawa, kaya ang tendency ay kailangan naming lagpasan ang mga pakening expectation nila.

I hate Expectation... I hate that situation.

Kaya hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing naaalala ko ang junior high school ko, ang 'di ko makakalimutang js prom sa lahat. Sari saring emosyon ang nararamdaman ko sa tuwing inaalala ko ang mga panahong iyon. I'm just 15 years old at sapat na siguro para makaramdam ng emosyon lalo na kung may gusto ka sa isang tao.

Way back when I was a highschool student, nangyari ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko... hindi ko alam kung masaya bang maitatawag 'yon o baka sadyang bata pa lang talaga ang utak ko kaya hindi ko napansin ang mga bagay-bagay noon.

Iyong babaeng nakita ko sa hospital kahapon ay ang babaeng sa unang pagkakataon ay kinainggitan ko na agad. Noon ay wala lang sa akin iyon, pero mula nang makita ko siya kahapon,  parang nagdugtong-dugtong na ang lahat. Matagal na pala silang magkakilala kung gano'n.

Nakakatawa lang noon dahil sobrang babaw lang ng iniiyakan ko. Mag-isa lang ako noon sa mesa habang pinagmamasdan si Zaffiro na may kasayawang babae, at si Kc pa, ang babaeng nasa hospital kanina. Para lang siyang kapatid ko, napakatahimik at maganda, dahil tanging mayayaman lang ang nakakapag-aral doon ay lagi siyang kunukutya dahil isa lang siyang mahirap at nakatanggap ng scholarship. Kaya pala madalas silang magkasama noon lalo na kapag sa library, kahit na graduating na si Zaffiro at nasa middle year pa lang kami ay nagtutulungan pa rin sila.

Hindi rin pala minsan sapat na mayaman ka lang at maganda, malaki ang pinagkaiba namin ni Kc, siguro kasi siya, mabait, kahit na mahirap lang siya, matalino naman. At iyon ang gusto ni Zaffiro sa babae, ang matalino at disente.

Siguro nga, nakakapangit sa imahe ng tao ang pagiging desperada, akala ko kasi noon, e, ang paghahabol ang nagpapatunay  para malaman na loyal ka or what. Nakakatanga rin pala.

"Lana!" sigaw ko sa kalagitnaan nang aking pag-iisip nang magsiliparan ang mga ibon.

Mababaliw na ako dahil wala na akong kausap, iyong mga kapatid ko busy rin. At isa pa, ayokong nagkukwento ng ganito lalo na kay Nikasha, tangina non, parang hindi kapatid kung laiitin ako, na kesyo tatanda na ako ng mag-isa, okay lang naman iyon, basta kasama sila. Pangit din kasi ng ugali niya, e, hindi ko alam kung bakit niya nilalahat ang mga lalaki.

Tumayo na ako para bumalik sa loob ng bahay, baka sakaling nandoon na si Lana. Pero napatalikod din ako nang marinig ang paparating na kotse. Ang kotse ni Zaffiro. Sobrang lakas ng kalabog ng puso ko kaya hindi ko napigilang ngumiti at akmang kakaway na sana pero nilagpasan agad ako ng kaniyang sasakyan.

Baka hindi niya lang ako nakita.

A Hidden Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon