CHAPTER 5: Sleepover

18 14 6
                                    

SERAPHINE'S POV

"Nakakahiyaaa!"

"Mismo. Sobrang nakakahiya talaga."

Napasabunot nalang ako sa sarili at nanlulumong yumuko sa mesa, "Bakit naman kasi nalasing kami ni Calleigh nung gabing 'yun?"

Nagkibit balikat si ate Eva, "Aba, malay ko. Ayos lang 'yan, minsan lang naman."

Agad akong umayos ng upo, "Pero yung ginawa ko ang hindi ayos! Nakakahiya at nakakadiri!"

Napakamot sa ilong si ate, "Naiintindihan kita, Sera. Oo, alam kong nakakahiya, pero jusko naman, tatlong linggo na ang dumaan. Baka nga nakalimutan na ng kapatid ni Kelysses 'yon."

Napanguso nalang ako at pinatong ang baba sa mesa.

Oo nga naman, Sera. Tatlong linggo na dumaan matapos ang gabi'ng iyon.

Pero, kasi! Huhu naalala ko na naman yung nakakahiyang eksenang 'yon. Hindi ko masyadong maalala kung ano ba talaga ang nangyare, basta nalaman ko nalang kila ate na nagsuka pala ako sa sobrang kalasingan, dagdag pa na sa harap ni Ulysses ako nagsuka! Nasukahan ko raw nang konti yung sapatos niya, kaya sila kuya Matthew at kuya Yohanne nag asikaso.

Nagising ako kinabukasan n'on na masakit ang ulo dahil sa hangover, pero nang maghapon ay nawala-wala rin. Kaso nung sumapit naman ang kagabihan, nung kinwento sa'kin nila ate na may ganoong ganap palang nangyare, parang bumalik ang pag sakit ng ulo ko sa nalaman. Huhuhu!

Mas malala raw nangyare sa'kin kumpara kay Calleigh. Panay ang suka ko raw kasi, samantalang si Calleigh ang himbing ng tulog. Malay ko ba'ng ganoon ang mangyayare sa'kin, first time ko lang namang uminom. Kaya laking pasalamat ko nalang talaga kila ate at kuya na umalalay sa'kin nung panahon na 'yon.

Kwento pa sa'kin nila ate, parang tinakasan daw ng kaluluwa si Ulysses nang makitang natalamsikan ng suka ko yung sapatos niya. Tatawa-tawa pa sila habang kinukwento 'yon sa'kin, samantalang ako ay nagi-guilty sa kagagawan ko.

Simula noong gabing 'yon, hindi ko na ulit nakita si Ulysses. Balak ko pa namang humingi ng pasensya nang personal, kaso kapag nandoon ako kila Kelysses ay palaging nakakulong sa kwarto. Abala raw masyado kaya hindi nakakalabas ng kwarto, sabi ni Kely. Marahil ay naghahanda raw para sa papalapit na araw ng klase, ilang linggo nalang din kasi bago magsimula ang klase. Si Kelysses naman ay sobrang excited sa bawat araw na lumilipas. Palaging bukangbibig niya 'yon sa tuwing nagkikita kami, kaya labis akong natutuwa para sa kanya. Kita ko kasi ang saya sa mga mata niya tuwing nababanggit niya 'yon.

Si kuya Uriah naman, hindi ko na rin ulit nakita pa. Ang huling kita ko rin sa kanya ay noong gabing 'yon, noong nagpunta sila rito sa bahay. Tatlong linggo na rin ang nakalilipas. Nabanggit sa'kin ni Kelysses na sumunod daw siya sa daddy nila, nag out of town din, para tulungan ang daddy nila roon.

Medyo nakakalungkot nga dahil hindi manlang ako nakapagpaalam sa kanya bago siya umalis. Wow lang, kapal much.

"Here's some fries," ani Calleigh na galing sa kusina, habang bitbit ang tupperware ng fries. "Oh wait, I forgot the cheese powder," bumalik siya sa kusina.

Nakangiting sinundan ko siya ng tingin. Hindi ko akalain na magiging super duper lapit namin ni ate Eva kay Calleigh. Nakakatuwa at nakakataba ng puso! Marami kaming nalaman sa isa't isa, na talagang nakakagulat. Pare-pareho naming paborito ang cheese flavor pag dating sa fries at popcorn. Sa desserts, hilig namin ang buko pandan at letche flan, samantalang si ate Eva ay ice crea, at cake. Nakwento pa nga sa'min ni Calleigh ang tungkol sa mga nagkagusto sa kanya sa States, at kung paano sila nagmukhang tanga para lang magustuhan ni Calleigh hahahaha! Grabe lang!

SinagtalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon