Kabanata 2:
GigNasa tabi ko si Joaquim habang naglalakad kami sa pasilyo ng hospital. We're walking towards the Ob-gyne clinic. My heart is pounding. Hindi ko alam kung bakit. I can't believe I'll have a check up now with Joaquim here. Kilala niya pa ang Doctor na titingin sa akin kaya hindi na namin kailangan pang maghintay.
His phone beep when we stop inside the Ob-Gyne door. Kanina ko pa napapansin na panay ang pagtunog noon. Joaquim hissed then he pulled out his phone. I thought he's going to answer it but he just silent then closed it again. Tinago niya muli sa bulsa pagkatapos.
Tumitig ako sa kanya at hindi na napigilang magsalita.
"Kanina pa iyan tumutunog. It seems important. Bakit hindi mo sagutin?" tanong ko pero umiling lamang siya.
"That's nothing. Let's go." he simply said then he turned the knob. Tumingin pa ako sa phone niya. Kuryuso kung sino iyong panay ang pagtawag sa kanya kanina pa. Gusto ko sanang tanongin pa siya pero ayaw ko namang mangulit pa.
Mukhang wala talaga siyang pakialam roon kaya nagkibit balikat na lang rin ako at sumunod na rin sa kanya. I even inhaled an air when Joaquim open the door.
"Oh Joaquim, you're here!" I heard the Lady Doctor greet him.
"Good afternoon, Tita." Joaquim greeted back. And for some reason, I am suddenly nervous. Bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko naisip kanina, kakilala niya ito at Tita pa. Maaring makarating sa mga magulang niya ang tungkol sa kondisyon ko, at anong magiging reaksiyon nila.
Nanlamig ako bigla sa iniisip.
"I'm sorry I'm not the one who answer the phone, it's my secretary. I am busy a while ago." the soft voice of the Doctor said. I suddenly fiddle my finger in front of me. I wanted to hold on something for support, to ease my nerves. Gusto kong hawakan ang dulo ng shirt ni Joaquim pero ayoko naman na weirduhan siya sa akin sa gagawin ko. Lalo na at hindi naman kami ganoong close dalawa.
"Its fine, Tita. Naiintindihan ko."
"Anyway, where's your fiance? Siya ang magpapatingin hindi ba? Oh my god Joaquim, bakit hindi ka naman nakapaghihintay pagkatapos ng kasal! Malapit na iyon ah o gusto mo lang talagang makasigurado!" ani noong babaeng Doctor at humagikhik pa sa pagkasabik niya.
Nag-init naman ang pisngi ko at bahagyang umawang ang labi. Fiancee? Iisa lang naman ang Fiancee ni Joaquim at kilalang kilala ko kung sino.
She taught I am Suli. Ano pa bang iisipin niya? I think this Doctor is his relative and they definitely know that Joaquim is engage. Kaso ang hindi niya alam, hindi naman ako iyong fiancee niya.
That's my bestfriend.
What will be her reaction if she found out that she's wring. Will she confront Joaquim's parents about this?
Parehas naming dalawa ni Joaquim na hindi ito inaasahan, pero walang kahit anong pagsisisi sa akin. At handang handa ako na ipagpatuloy ito kahit ako lamang magisa at kahit anong mangyari. I will continue this pregnancy and will raised this baby on my womb. I will poured her or him with so much love that I will make sure she won't ask for more.
I sigh and shifted on my stance. Joaquim notice my sudden discomfort. Hindi pa ako nakakapasok sa loob. Naiwang nakaawang ang pinto at naroon ako. Now I am anticipating to step inside.
Magsasalita na sana nang maunahan na siya ng Doctor.
"Oh, you are her fiancee! You're so beautiful hija! I never seen you in picture. Kahit pangalan mo hindi ko alam. Sa sobrang abala ko sa trabaho ay hindi ko na nalaman. But you're extremely beautiful! Kaya pala nanigurado na si Joaquim." ani ng Tita niya at nagulat ako ng kinulong niya ako sa mahigpit na yakap na halos hindi na makahinga.
BINABASA MO ANG
Ephemeral Beats (Eissenious Series #1)
General FictionRaylina Celine always thinks that every relationship is ephemeral. That anyone can't stay as what they promised. Sweet words will only last for a short time, and feelings will fade in a blink of an eye. Kagaya nang pakikinig sa isang kanta. The melo...