Kabanata 3

1.2K 46 33
                                    

I'm so sorry for the slooow update.

Kabanata 3:
Dizzy

Panay ang pagbuntong hininga niya sa pagbiyahe namin patungo sa bar. I think he's still worried about me going in the bar with him. Magpapaiwan naman ako pero ayaw niya at ito na lang ang tanging paraan para pumayag siya.

Hindi ko alam kung kaya ba hindi siya mapakali dahil nababahala siya na baka makita ng ibang tao na may kasama siyang babae o dahil sa kondisyon ko. Well he shouldn't be bothered because I won't be beside him once we arrived at the bar. Hindi naman ako didikit sa kaniya.

I won't hold him like a koala who was lost. Magpapanggap akong hindi kami magkilala. He's known and famous. I don't want to add another burden to him. Ayoko na pag-isipin rin siya ng irarason pa sa mga tao na magtatanong kung bakit magkasama kami.

"How are you feeling?" tanong niya bigla habang nagmamaneho at natigil ako mula sa malalim na pag-iisip. I am leaning in the backrest of the passenger seat.

"Ayos lang naman." sagot ko sa kanya. Pasulyap sulyap siya sa banda ko habang nagmamaneho. Ako ang nag-aalala sa kaniya na baka maduling. Para bang hindi pa rin siya kumbinsido sa naging sagot.

I wore a hoodie and a black pleated skirt that hit until the middle of my thighs.

Definitely far to a bar outfit.

Dapat nga sweatpants ang susuot ko kaso baka hindi naman ako papasukin sa bar. Mapagkamalan pa akong highschooler na nagrerebelde sa magulang at kuryuso lang sa kung anong itsura ng bar kapag nagtungo roon. The guard will laugh at me so I wear a short skirt, to somehow make a justice.

I am indeed in high school, but senior high, and I am at the right age already to go in the bar.

Noong lumabas nga ako na ganito ang suot ay matagal siyang tumingin sa akin. I even creased my forehead because of his long stare. Hinintay ko kung may sasabihin ba siya pero wala naman. Huminga lang siya ng malalim at inaya na akong lumabas.

"Let's go," he said and swung his guitar on his shoulder. The same guitar I saw with him that night. I don't know if that's his favorite guitar because I saw him bringing it twice now. Iyong unang beses, ay iyong naghintay ako sa bar noon.

Akala ko nga sa back seat ako uupo at iyong gitara sa harap. Mukhang ingat na ingat siya roon at ayaw man lang niyang magasgasan kahit kaunti. Wala rin namang problema sa akin kung sa backseat ako uupo.

I think I will just turn off a bit on him if he makes me sit on the backseat, but I suddenly thought now that I am here in front, na turn on ba ako sa kanya?

I shook my head because of that thought. You're crazy, Raycel! Why am I even thinking about that? As if I like him! Yes, he's the father of the baby I am carrying now, but that doesn't mean that.... I sigh heavily.

Pinilig ko na lang ang ulo para walain iyon sa isip ko.

"Don't go to the crowded part of the bar. Just stay on the area where you can't smell liquors and smokes. Kapag masama ang pakiramdam mo, itext mo agad ako. Or better call me immediately." aniya. Nasa dashboard ang phone niya at panay pa rin ang pag-ilaw ng screen noon. Sunod sunod ang mga mensahe na pumapasok.

Hindi niya naman pinupulot iyon para tignan o sagutin. Paniguradong mga kaibigan niya iyon na inaasahan na ang pagdating niya.

"Paano mo naman makikita ang text at masasagot ang tawag ko habang nagpeperform ka?" tanong ko sa kanya at humalukipkip. He muttered something under his breath after I said it. Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Hinilot niya ang sentido.

"Just text me your location, okay? I'll go to you no matter what." my brow suddenly shut up. Tumitig ako sa kanya at ganoon rin siya. I quickly averted my gaze when it suddenly turned awkward when our eye contact lasted for seconds.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ephemeral Beats (Eissenious Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon