CHAPTER 29

1K 14 0
                                    

CINDY POV>

Linggo ngayon kaya naisipan kong magswimming sa pool ko

Langoy doon

Langoy dito ang ginagawa ko marami akong iniisip, sa sobrang rami pwedi na akong magdonate sainyo ng Problema. Umupo ako sa gilid ng pool at tumingala sa kalangitan.

Kay ganda ng langit , napaka-payapa. Bumuntung hininga ako

"Problems?"

Napalingon ako sa nagsasalita

"Cel, ano ginagawa mo dito?"- nakangiti kong tanong sa kanya

"Wala lang masama bang dalawin ang makulit na Ito ?"- Aniya sabay turo sa akin

"Hindi naman , shock lang ^_^ bisi bisihan ka kasi lage eiiy "- ako

"Bisi-bisihan po sa BAR MO "- sabi nito at diniinan pa ang salitang bar mo

Nginitian ko lang sya . Nakita kong nalungkot sya

"Problems?"- balik tanong ko sa kanya sa tanong nya sakin Kanina

Tiningnan lang nya ako at bumuntong hininga

"Hindi kana Dumadalaw sa Bar"- malungkot na sabi nito

Napayuko ako, Naramdaman Kong lumapit sya sa akin "sorry" sabi ko ng makalapit sya. Ti-nap nya ang ulo ako

"Hindi mo rin sinabi na may boyfriend kana Kay manang ko pa nalaman, akala ko ba best buds tayo? Partner in crime? pero bakit naglilihim kana rin sa akin?"- malumanay na sabi nito pero ramdam ko talaga ang kalungkotan sa boses nya

Nagi-guilty ako, simula nong maging kami ni Leon Hindi ko na nabibigyan pansin si Celso.

"Sorry" sabi ko na lang ulit,wala kasi akong maapuhap na rason

Umupo sya sa tabi ko

"Wag mo sanang kakalimutan ang mga plano natin Cindy , ayokong boyfriend mo pa ang maging dahilan para masira ang dalawang taon mong pinaghirapan "- seryosong sabi nito

"Wala parin namang nababago Cel may boyfriend man ako o wala tuloy parin ang plano Kahit hindi ko alam kong may pag.asa tong ginagawa natin" ani ko

"Na trace ko na ang dalawa Cin" sabi nito na ikinagulat ko

Napatingin ako sa kanya "nasa visayas lang pala sila"- pagpapatuloy nito

Na-ikuyom ko ang mga kamay ko "wag kang mag.alala malaki pa ang tsansa natin" pagpapalubag nito

"Magbabayad silang lahat Cel, pagbabayarin ko sila!"- galit na sabi ko

Ramdam ko ang nagbabaga Kong mga mata .

Pagsisisihan nyong lahat na Isang Cindy Linares ang binangga nyo!

KENT POV>

"yeah brod , yeah..yeah.. Yep ! Ok ok "- sabi ko Sabay baba ng phone

Nagmamaneho kasi ako papunta sa bahay ni pareng leon 'boys bonding' daw at ang kausap ko Kanina Ay si Miggy pinapabili nya ako ng snacks para mamaya.

Buti na lang at madadaanan lang ang department store . pinark ko muna ang sasakyan ko saka ako pumasok sa loob, kung ano ano na lang nilalagay ko sa basket basta papasang pampulutan mamaya ayos lang.

Nagbayad na ako sa cashier na mukhang nagpapacute pa

Oh well, hindi ko sya masisisi panginoon ba naman ng ka-gwapohan ang kaharap nya? Wag nyo lang itabi Kay pareng Leon kasi baka pagdudahan bwahahahha*

MR. handsome meets Ms. seductiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon