LEONPOV >
Nakakainis!, kanina ko pa Hindi maintindihan ang sarili ko.
Bakit ba Iba ang epekto nya sakin? Wala talaga akong naiintindihan!,
Tumingin ako Kay Cindy .
Hah? Bakit ba sya nagpapakalasing? Porket sa kanya tong bar? Babae parin sya no! Tsssk !itong babaeng to talagang walang paki sa sarili, kaya nasasabihang Slut ehh
Haisst..
Lasing na ata sya.. Yung mga kaibigan nya naman busy sa pakikipag.usap
Bakit sobrang kampante lang nila?
At Bakit ko ba sya inaalala?
Pesting babaing to! Ginugulo ako!!
Lumulungay na ang mga mata nya , halatang lasing na lasing..
Tumayo ako at umupo sa tabi nya.. Kinuha ko ang basong hawak nya .
"Tama na yan! Lasing kana'- sabi ko sa kanya
"Ayjakit kava nakyekye alam? lyeka in um teyo"- sabi nya sa namumungay na mata
"Lasing kana! Tapos Iinum kapa?!! Sige nga Pano ka makakauwi ?"- sabi ko
Tiningnan ko ang paligid may tama narin ang mga kaibigan ko pati na ang dalawang kaibigan ni Cindy. Ako lang ang Hindi. limang shot lang kasi ang ininom ko.
Kumukunti na lang din ang tao sa BAR , umuwi na malamang.
Lumapit sa amin ang Isang Hindi katangkarang lalaki pero may hitsura naman,
"Lasing na po ba si mam? "- tanong nito sakin
"Huy tselso eyndi akew lashing!"- sagot ni Cindy
"Uhm mabuti pa sir dalhin ko na si mam sa kwarto nya ,pati mga kaibigan nya . NASA taas lang naman po"- sabi nito
Sinuri ko sya ng tingin , mapagkakatiwalaan naman pero Iba na ang sigurado Diba?
"Wag na ako na lang maghahatid sa kanya , ituro mo na lang kung saan" -sabi ko sa kanya
And now , ako naman ang sinusuri nya ng tingin. Tsssk sa gwapo kung to?
" OK po sir , Ito po ang susi , straight lang po kayo Jan (Sabay turo ng direksyon) tapos may hagdanan po sa bandang kaliwa . akyat lang po kayo wala pong Ibang room doon Kay mam lang po " - sabi nya sabay bigay ng susi
"OK" - sabi ko
Nag last look pa ang lalaki bago umalis . nilapitan ko ang crush ni Kent at sinabing ihahatid ko na sa taas si Cindy tumango lang Ito ng paulit ulit .
Lasing na ata talaga? Lumapit din ako sa Isa pang babae para ipaalam na ihahatid ko si Cindy pero nakayoko lang Ito at Hindi umimik lasing na din?Magpapaalam sana ako sa mga kaibigan ko ng mapagtantong tulog na sila..
What the heck? Balak ba nilang magsleep over dito? Aiiisst Tiningnan ko ulit si Cindy nakatulog narin pala Ito sa kalasingan, napabuntong hininga ako . unfair kasi Kong sya lang ang dadalhin ko . saglit nagtalo ang aking isipan kung dadalhin ko ba sya sa kwarto nya o wag na lang ."Shit! Bat kasi napapayag pa akong sumama ! "- sabi ko na lang at kinarga si Cindy. Tinungo ko ang kwarto ni cindy , sinunod ko ang direksyong binigay kanina nung lalaki . Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil nakita kuna ang kwarto . pinasok ko ang susi habang karga karga si Cindy , maya maya'y nabuksan ko na ang pinto. Tuloy tuloy lang ako sa pagpasok at idiniretso sa kama si Cindy . tulog parin ito . inilibot ko ang paningin sa buong silid , hindi ito kalakihan pero kumpleto Ito sa kagamitan . tumayo ako at kinuha ang basurahan inilapit ko ito sa kama para kung sakaling magsuka sya Hindi na nya kailangang pumunta ng CR.
![](https://img.wattpad.com/cover/28677166-288-k140174.jpg)
BINABASA MO ANG
MR. handsome meets Ms. seductive
RandomCINDY isang babaeng biktima ng karahasan ng mga kabataan pinagtaksilan at iniwan makikilala si LEON na babago sa madilim nyang mundo ngunit kakayanin kaya nya kung pati ito tatalikuran sya? LEON ang magbibigay kulay sa mundo ni CINDY ngunit pano...