Nang umalis si Harris sa bahay namin ay agad kong pinuntahan ang parents ko para alamin kung totoo ang sinabi ni Harris sakin kanina.BAM!!!
Sinalya ko ang pintuan ng kwarto nila kung kaya't napatingin sila sa akin. .
"What's your problem?" - tanong ni mom
"Why you didn't tell me?!" - galit na tanong ko sa kanila
"Yna anak, calm down. Pag.usapan natin ng maayos yan Di mo kailangang sumigaw " ani dad sa kalmadong boses
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili
"Bakit Di nyo sinabi sakin na si Harris pala yong lalaking ipapakasal nyo sana sakin dati?" - mas kalamado na ang boses ko kumpara kanina
"Oh! Hindi na namin yun inisip dear , kasi matagal na yun at knowing you Alam naming hindi ka magkaka interes na malaman kong sino ang fiancee mo dati Hindi ko Alam na big deal pala sayo yun" malumanay na sabi ni mom
" pero sana sinabi nyo!" - sigaw ko
"Kasalanan namin anak, wag kanang magalit " ani dad
"Wag magalit? Gayong ako lang ang walang alam ?! Nagmukha akong tanga!! Ginawa ko ang lahat para maging proud kayo sakin , Pati ang buhay ng kaibigan ko sinira ko nang dahil sa kagustuhan kong mapasaya kayo ! Pero itong simpleng bagay hindi nyo masabi sakin?" - ako
"Dear, Hindi namin makuha ang punto mo" bumuntong hininga si mom at Nakita ko ang naguguluhang mga mata ni dad
Bakit Di nila maintindihan ang punto ko?
" dahil wala kayong alam , wala kayong alam sa lahat ng ginawa ko para mapasaya kayo . ginawa ko ang lahat makuha ko lang ang pagiging valedictorian . kumapit ako sa masamang paraan para lang makamit ang Isang bagay na Alam Kong Hindi para sakin ....para lang Hindi matuloy ang gusto nyo noong mangyari " - umiiyak sa sabi ko
"Hindi ka parin Namin maintindihan dear" naguguluhang sabi ni mom
"Hindi nyo maintindihan? Diba nong naging valedictorian ako bigla bigla Natigil ang arrange marriage? Dahil sabi nyo pag nakuha ko yun magiging masaya na kayo ?" - ako
"Inaamin namin na malaki ang pagkakamali namin noon na pilitin kang ipakasal Kay Harris , gusto lang kasi naming maging secured ang future mo dahil magiging maganda ang pamilyang kabibilangan mo , pero Hindi namin tinigil ang arrange marriage nang dahil lang sa naging valedictorian ka" -ani mom na ikinagulat ko
"What?! " tanging naibulalas ko
"That's true , pinuntahan kami ni Harris at kinausap tungkol sa bagay na yan nalaman kasi nya mula sa parents nya na ayaw mong magpakasal sa kanya kaya hiningi nyang itigil na namin ang pagpa-plano sa buhay ninyo, malaki na raw kayo at kaya nyo nang magplano para sa sarili nyo ang kailangan lang daw namin Ay magtiwala sa Inyo . marami pa syang sinabi at dahil dun nagising kami sa katotohanan na hindi pala namin dapat pinaplano ang future mo dahil ikaw lang may karapatan nito. Ang dapat lang na ginagawa ng magulang ay gabayan kayo na hindi mapariwara o magsisi sa maling desisyon .-" dad
"Kaya Simula non' hinayaan na namin na ikaw ang mag desisyon sa lahat ng gagawin mo , pero nakabantay parin kami sayo kung-- " mom
"Tama na......"
"I'm sorry kung hindi namin nasabi --" dad
" sabi ko TAMA NA!!!!" sigaw ko sa kanila
Tiningnan ko sila , Hindi ako makapaniwala na lahat ng narinig koIbig sabihin walang kwenta lahat ng isinakripisyo ko? Lumabas ako ng kwarto nila at tuloy tuloy na naglakad palabas ng bahay . tuloy tuloy rin ang pagpatak ng mga luha ko .
BINABASA MO ANG
MR. handsome meets Ms. seductive
AcakCINDY isang babaeng biktima ng karahasan ng mga kabataan pinagtaksilan at iniwan makikilala si LEON na babago sa madilim nyang mundo ngunit kakayanin kaya nya kung pati ito tatalikuran sya? LEON ang magbibigay kulay sa mundo ni CINDY ngunit pano...