Nakatulugan ko na ang inis na naramdaman sa kay Ville. Nakatali pa rin ako sa headboard ng kama kahit hanggang sa pagtulog ko. Mukhang walang planong pakawalan pa ako ng gago. Pero hindi naman mahigpit kaya nakakagalaw pa rin ako ng maayos. Mukhang sinasadya niyang hindi higpitan.
Morning came and I felt something heavy on my stomach. I slowly opened my eyes to see what it was. Nang makita ko, braso pala ng gagong attorney na nakayakap sa tiyan ko.
Bigla akong nakaramdam ng ngalay. I looked at my hands on top of me and I wasn't surprised to see my hands still tied-up on the headboard.
Napapikit ako ng mariin. Nang makita kong nakapatong ang hita ng gagong attorney sa hita ko ay inis ko itong malakas na tinadyakan dahilan ng bigla niyang pagbangon. Kita ko ang gulat sa mga mata niya at gusto kong matawa sa itsura niya ngunit inis pa rin ako kaya di bale na lang.
Pupungas-pungas na kinusot niya ang mga mata saka pinanlaki ang mga matang tiningnan ako. Malamang ay sinisigurado kong hindi ba ako nakatakas sa mga kagaguhan niya. Tangina!
"What?! Did something happen? Something wrong? What is it, tell me!" Taranta niyang tanong sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"You know what? You're such a jerk! Instead of asking me if i'm alright, you asked if something happened. Hindi mo ba alam na nangangalay na akong gago ka, ha?! Ang sakit-sakit na ng kamay ko at ng katawan ko bwesit!" Inis kong sabi.
He stared at me for awhile like he was still in a deep sleep... then he yawned.
"What's the difference if I ask you if you're okay or if something wrong happened? There's no difference, right? Parehas lang naman iyon, diba?" Lutang niyang tanong.
Napapikit ako ng mariin saka sumagap ng hangin dahil baka bigla akong makawala at mapatay ko ang gagong attorney na ito.
"Pakawalan mo na nga lang ako dito! Bilisan mo! Nangangalay na ako!" Singhal ko sa kanya.
He looked at me for awhile then slowly nodded. He went off to bed and when I thought that he's going to free me, he went out of the bedroom and closed the door without even glancing at me. Hindi makapaniwalang napatitig ako sa pintuan na lutang.
Sabog ba siya?
"VILLE?! WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM?! PAKAWALAN MO 'KONG GAGO KA! KAPAG AKO NAKAWALA SA TANGINANG TALING ITO PAPATAYIN KITA!" Sigaw ko.
"Then, hindi kita papakawalan. Papatayin mo 'ko kapag nakawala ka, eh." Kalmado niyang sagot mula sa labas ng kwarto.
Napapikit ako ng mariin. Bakit ba ang sakit niya sa ulo?
Walang nagawang naghintay na lamang ako roon kung kailan siya muling babalik. Minutes later, he finally went back holding a tray. Agad ko namang naamoy ang niluto niyang pagkain.
"Breakfast in bed!" Masigla niyang wika.
Lumapit siya sa akin saka inilagay sa harap ko ang pagkain. Wala naman siyang ibang niluto maliban sa bacon, hotdog, sunnyside-up egg, at rice. Pero, dahil gutom ako, no choice at kakainin ko 'yan.
"Eat," sabi niya.
Tiningnan ko siya ng masama saka tinaasan ng kilay.
"Eat?" tanong ko habang pinaningkit ang mga mata.
He looked at me innocently, prodded his lips and nodded.
"Yeah. Eat."
"Sa tingin mo... sa tingin mo makakakain ako sa sitwasyon kong ito, ha? Sa tingin mo kaya kong kumain habang nakatali ang mga kamay ko?" Sarkastiko kong tanong.
YOU ARE READING
Heart in Caution (Heart Series #1)
General Fiction[COMPLETED] "I know I'm in danger. But would putting a caution in my heart can make me stop from falling in love with you?" - Cladville Rios Lareho