T W E N T Y - F O U R

10.4K 320 71
                                    

"Mas marami pa siyang pwedeng itago sa iyo."

Napabuntong hininga ako nang muling sumagi sa isipan ko ang sinabi nang babaeng tumawag kay Ville kagabi. Hindi ko mapigilang mangamba sa bawat salitang sinabi niya. Alam ko kasi na kahit anong pilit kong paniwalain ang sarili ko na kilala ko talaga si Ville, ay hindi ko maitatago ang katotohanang hindi ko pa talaga siya lubos na kilala. Hindi ko pa alam ang mga nangyari sa kanya noon, ang mga babaeng dumaan sa buhay niya ay hindi ko pa rin kilala. At ang mas masakit pa roon ay alam kong wala akong karapatang magtanong.

I sighed and stared at what I'm currently cooking. I'm cooking for breakfast. Just the usual breakfast, bacon, egg, hotdog and fried rice with peas. I already served it on the kitchen table kaya naupo na rin ako. I stared at the food and waited for Ville to come downstairs.

While waiting, I couldn't help but overthink again. I just couldn't stop myself and I'm starting to get scared. I know to myself that this is not good for me.

Ilang minuto ay agad na rin siyang bumaba mula sa kwarto. Agad kong narinig ang yabag niya patungo sa kusina.

"Good morning, baby." Bati niya sa akin sabay halik sa aking pisngi. I smiled timidly.

"Good morning. Kain na tayo," wika ko kaya agad siyang tumabi sa akin. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko kaya napangiti ako.

Kahit papaano ay bahagyang nawala ang mga pangamba ko. Overthinking might kill me.

"Ville, someone called you last night," wika ko.

Kita kong napatigil siya saka nawala ang kaninang masayahin niyang awra. He licked his lips and looked at me. There's questions on his eyes. I smiled timidly.

"Who?" He asked blankly as he started eating.

"I don't know. But she's a woman. Hindi ko naman siya nabosesan," wika ko saka nagsimula na ring kumain.

The atmosphere began coming down. I could feel the tension in him. I don't want to ruin the morning mood but I kind of want to know.

"Maybe, wrong number," wika niya.

I felt a stab in my heart hearing him getting cold because of the topic. I know it's sensitive of me to ask. But, it won't hurt if I would ask, right? And base on what I'm seeing and hearing right now, he's keeping something from me.

"Hmm. I don't think so. Kilala ka niya, eh. She mentioned you and she even told me to back off because I'm not the one whom she wants to talk to. It's you," wika ko sabay tikhim saka subo ng pagkain.

"Hmm, I see. Don't mind that. Maybe... just one of my flings who couldn't move on from me and still keeps bugging me," saad niya saka panay subo. Binalingan niya ako saka tiningnan ang plato ko. "Come on, eat."

Walang nagawang kumain na rin ako saka tipid siyang nginitian. Kahit puno na ako nang pangamba ay ipinag-sawalang bahala ko na lamang. Kahit ramdam ko ang bawat pagkirot ng puso ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay itinago ko. Kahit natatakot ako ay iniwala ko na lamang sa isip ko.

Ngayon lang ako natakot nang ganito. Hindi ako natakot noong bata pa ako kapag nagkakasala kami ni Nivia sa mga magulang namin. Hindi ako natakot mapagalitan. Hindi ako natakot noong naging kami ni Lander. Hindi ako natakot noong nawalan siya nang oras sa akin. Hindi ako natakot noong naghiwalay kami. Ngayon lang. Ngayon lang ako natakot nang ganito. At nakakatakot nang matakot. Natatakot akong masaktan.

"Do you have any plans for today?" Ville asked.

"Wala naman, bakit?" tanong ko.

"I'm planning to go to the gym today. Gusto mong sumama?" tanong niya.

Heart in Caution (Heart Series #1)Where stories live. Discover now