Break na namin kaya balak kong bumaba Para magpa hangin sa labas, wala kasi akong gana ngayon. Kakainin ko nalang mamaya ang baon Kong tuna sandwich.
Ganito kasi ako pag wala ang kaibigan ko, parang kambal tuko kasi kami.malapit na ako sa labasan nang makita ko Kung sinong Tao ang makakasalubong Papasok.
Shit!!!, anong gagawin ko. Hindi dapat niya ako makita,tinanggal ko ang tali ng Buhok Ko saka yumuko. Sana hindi niya ako mapansin diyos ko.
Malapit na kaming magkasalubong Kaya nakayuko akong naglalakad palapit sa labasan.
Bahala na, ang important hindi niya ako makita. Laking Pasa salamat ko nang malagpasan niya ako. Hays..., Thanks God.
Nakalabas na ako sa wakas, sabay inat ng katawan ko. Ang sakit kasi sa balakang at pwet ang pag upo ng matagal.
Pumunta ako sa isang punong kahoy na minsan tambayan namin ng kaibigan or workmates ko pag breaktime.
Masarap kasi ang simoy ng hangin pag may puno, maganda nga ito Para hindi lang puro building ang nakikita namin.
Makalipas ang ilang minuto Kong pag tambay ay napag isipan Kong umakyat na. last 5 minutes nalang kasi ay tapos na naman ang breaktime namin.
Mabilis naman akong Nakarating sa upuan ko. So, it's work time again.
Nag ta-type ako nang marinig ko ang tunog ng cp ko, at agad ko namang itong sinagot.
Si Jane kasi ang tumatawag.
"Sis, nandito ako ngayon sa hospital".
"anong ginagawa mo diyan Jane!?".hikbi lang niya ang naririnig ko sa kabilang linya.
"Si Andrea, itinakbo ko kanina.at Sabi ng doctor na dengue siya, kailangan niyang masalinan ng dugo.Sis, hindi ko na alam ang gagawin ko.saan naman ako makakahanap ngayon ng blood donor niya.kinuhanan na nila ako kanina pero hindi sapat. Lene anong gagawin ko?". Hindi ako agad nakasagot sa kanya.
" wait, hintayin mo ulit ang tawag ko. Promise tatawagan ulit kita Jane. Pakatatag ka Para Kay andrea". Pagka Sabi ko no'n ay pinatay ko na ang tawag.
Anong dapat Kong maitulong sa kaibigan ko?. Kung Pera, wala naman akong extra sa ngayon tsk!!.
Ano ba to, hindi ko pa nga natatapos itong trabaho ko. May problema na naman, kailangan Kong matulungan si Jane.
God, tulungan mo naman akong Maka isip ng kahit ano Para sa kanya ngayon.
DUGO,kailangan niya ng dugo.asan ba kasi nag papa ni Andrea?, Napaisip na naman ako.
Nanlaki ang mata ko ng may sumagi sa isip ko.
OMG! Oo nga pala kasama ni tey kanina ang lalaking iyon, pero saan ko naman hahanapin ang delubyong lalake na'yon. Shit!! May naiisip ako pero pag magtatanong naman ako sa boss ko.
Eh di, ako ang nabuko. Nako!!, anong gagawin ko?, kailangan Kong mag desisyon.
Inuntog ko ang ulo ko sa Mesa sa ka iisip, ano ba kasi gagawin ko?.
Makalipas ang ilang minutong pag iisip, na pag desisyonan Kong Puntahan ang boss ko. Nakasalalay ang buhay ng anak ng kaibigan ko dito.
Bahala na Kung ano ang susunod na mangyayari sa akin, ang importante malaman ko Kung nasaan ang papa ni Andrea.
Sumakay ako ng elevator pataas, pinindot ko ang numero ng floor ng office ni tey.
Pagkahinto ng elevetor ay agad akong lumabas, mabilis Kung tinungo ang kinaroroonan ng kanyang secretary.
"Ma'am, busy ba si boss. Kailangan ko lang talagang Maka usap siya. Please, ma'am amergency lang po". Pagmamaka awang sabi ko sa secretary niya.
"Hindi pwede miss,busy siya. May kausap siya na investor sa loob".nanlumo ako sa sinabi niya, kailangan ko talaga siyang Maka usap.
"Ma'am kahit 5 minutes lang ho, sige na ho, emergency lang po talaga."
"ako po ang mapapagalitan miss pag mag pumilit kayo,Pasensya na" .
"kailangan ko nga siyang Maka usap!!, kahit ngayon man lang ay magpaka lalaki sila!!!", sigaw ko sa kanya pero tatawag daw siya ng Guardiya.
Kapal din naman ng mukha nito, ano ba naman 'Yong sabihin man lang sa walang kwentang boss namin na may taong gustong Kuma usap sa kanya.
Nag historical ako, at wala akong pakialam Kong tatangalin Nila sa trabaho.napahinto ako sa paghihiyaw nang may sumigaw sa likuran ko.
"what's happening here!!!", napalingon ako sa nag Salita at si tey nga.
"sorry sir, ayaw niya kasi tumigil eh.gusto ka daw niyang Maka usap." napa kunot noo siyang nakatingin sa akin, hindi naman ako nagpatinag sa mga tingin niya.
Bumabalik sa akin ang mga pag hihirap na naranasan ko sa nakaraan, agad akong lumapit sa kanya at sinampal ito.
Napasinghap ang mga taong naka saksi sa ginawa ko.
"why did you slap me?", napangiti naman ako sa kanya.
"wag mo akong ma English English diyan, sabihin mo sa kasama mong lalaki kanina na nag aagaw buhay ang anak niya sa hospital".
"sinong sinasabi mo!?,"
Uminit ang ulo ko sa sinabi niya Kaya sinigawan ko na naman siya.
"uulitin ko, ang kasama mong pumunta dito kaninang Umaga, kailangan siya ng anak niya!," napaluhod ako sa harapan niya.
"Please, nag mamakaawa ako sa'yo, sabihin mo Kung nasaan ang kaibigan mo, parang awa mo na". Umiiyak na ako ngayon. Hindi ko na ma control ang nararamdaman ko.
Lumayo siya sa amin at naririnig ko siyang may kinaka usap sa cell phone niya pero hindi ko alam kung sino.
"Tumayo kana diyan miss, hintayin mo ang kaibigan ko papunta na siya dito". Agad naman akong tumayo at pinunasan ang luha ko pag kasabi niya no'n.
"All of you, go back to your work!!!", Rinig Kong sigaw niya sa mga Tao sa paligid namin.
Pagkasabi niya no'n ay pumasok na siya sa office niya.
Hihintayin ko nalang dito sa may hallway ang sinasabi niyang kaibigan niya.
YOU ARE READING
One Night Stand with Stranger
Romance"Saan ko naman hahanapin ang tatay mo anak?,hindi ko nga alam totoong pangalan niya".hinaplos ko sa tiyan ko. "Saan kita mahahanap Mr. Tey2?." ARLENE