Maaga akong Nagising dahil papasok ako ngayon sa work . mas kaunti kasi ang sasakyan pag mas maaga. Nag ta-taxi lang kasi ako, wala akong pambili ng kotse. Mukha lang akong Mayaman pero hindi ako Mayaman.Lumaki ako sa probinsya ng ilocos, I'll just tried my luck here in Manila. Sa awa ng diyos nakapasok naman ako sa isang kompanya bilang isang accounting clerk.
Sa AJERO'S COMPANY,ako nag Tra-trabaho.
OK naman ang sahod at nakakapag padala Naman ako kila mama.
Ang Mama at nakababata Kong kapatid nalang ang pamilya ko.
Wala na ang papa ko, na heart attack siya noong high school ako at elementary pa lang ang kapatid ko noon.
Mayroon kaming sakahan ng palay na medyo malawak na pinag kukuhanan namin ng pangastos araw-araw.
Nakapag aral ako sa college dahil sa pagsusumikap ni mama bilang isang kahera sa isang mini mart sa bayan. Ipinapasaka niya ang bukid namin sa kapatid niyang lalaki, kasi hindi naman niya kayang mag Isa. Kaya sa kalahati ng Ani na natatanggap namin ay ibinebenta namin ang iba.
Ang iba naman ay pang kain namin, mahirap na masaya ang buhay sa probinsya. Na udyok lang akong pumunta dito sa Manila kasi mas malaki sahod dito.
Sa ka babalik tanaw ko sa nakaraan, Naka rating na Pala ako sa harap ng kompanya.
"Good morning ma'am". Bati ni Kuya guard sa akin Kaya binati ko siya pabalik.
Mag ka trabaho kami ng kaibigan ko at iisang field din kami. Dito kami sa accounting department naka assign.
"HI sis, sabay tayo mamaya pag break time ha." aniya ng kaibigan ko at tango lang ang sagot ko sa kanya.
Naka harap ako ngayon sa laptop ko at busy sa pag susuri ng mga documents ukol sa financial reports ng kompanya. Dapat walang Mali dahil Kong hindi, sangka terbang sermon ang aabutin ko sa manager namin
Napahilot ako sa batok ko, sa tagal ba naman na Naka harap sa laptop na Naka upo ng ilang oras.
Napatingin ako sa relo ko at break time na Pala namin, nilingon ko ang kaibigan ko at nasa lamesa niya pa ito at busy na nagtitipa sa laptop niya.
Lumapit ako sa kanya upang yayain na kumain dahil gutom ako.
"Jane tayo na, Ituloy mo nalang Yan mamaya. Hindi ka pa ba gutom?" tanong ko sa kanya. May mga pinidot lang ito bago tumayo.
" sa isang malapit na coffee shop tayo lene". Pag karinig ko sa lene na sinabi niya ay na panakunot ako ng noo .nako!!, ipina alala pa talaga niya ang Isa sa tumawag sa akin no'n. Napa isip naman ako, asan na Kaya iyong lalaki na may malaking tey2 ?.
"wag mo nga akong tawagin ng lene,may pinapa alala ka pa kasi. sis, nalang please! ". Asik ko sa kanya sabay talikod at Sumunod naman ito.
"Gaga!, wag ka ngang high blood diyan, masisira lang ang beauty mo.hayaan mo na ang lalake na 'yon, tandaan no maganda tayo at marami pang ibang darating in the future."
So, gusto niya pa talagang maluko in the future talaga. Taleng, talaga ito minsan.
" Oo na, bilisan mo diyan at marami pa tayong trabaho." peace sign lang sagot niya.
Pagkabalik namin agad na naman kaming humarap sa laptop, marami kasi kaming work ngayon week.
Napaisip ako, mag 1 year na ako sa trabaho ko pero minsan ko lang makita ang CEO ng kompanya. Sabi Nila ang anak daw niya ang papalit sa kanya kasi medyo may edad na kasi ang boss namin.
Asan naman Kaya ang anak niya?, never ko pa itong nakita. Sabagay, hindi naman kami ang nagrereport sa taas ang head namin.
Kaya minsan lang namin makita ang aming boss kasi hindi siya masyadong nagagawi dito. Ang mas nakakakita at nakaka salamuha sa kanya ay ang mga mas mataas sa amin.
Hay, hapon na naman at uwian na. I shutdown the laptop, saka nag-inat.ang sakit din kasi sa katawan ang pag upo ng matagal.
Palabas na Sana ako ng tinawag ako ng kaibigan ko.
"Sis!!, hintayin mo ako, hoy!!!". Pa tuloy lang ako sa paglalakad, Nakakarindi kasi siya.
Bahala ka diyan haha
"sis!, wait lang". Hiyaw niya ulit Kaya huminto ako sabay nilingon siya Haha pawis na pawis siya.
"Ano ba kasi iyon?". Tanong ko sa kanya pero hindi pa makasagot dahil hingal na hingal siya. Layo din kasi ng linakad niya.
"Ano ulit name 'nong kumareng keng sa iyo?". Napa isip din ako, pero tey2 lang naman name niya na sinabi nya. Eh di iyon ang sa sabihin ko.
"Tey2, bakit? Kilala mo?."
"Hindi, sa akin kasi drei lang din ang ipinakilala niya".
"Ano!!?", sigaw ko sa kanya
"sis, mag ka lapit lang tayo. Wag Kang sumigaw ang sakit sa tenga."wow!! Nagsalita ang tahimik.
" bakit parang palayaw lang Nila ang Ipinakilala Nila sa atin."napailing nalang ako sa sinabi ko.
" Baka magka kilala sila". Sabay pa talaga kaming nagsabi no'n at nag ka titigan.
"hayaan mo na makikita din natin ang mga gago na'yon, so don't worry and bye Jane see you tomorrow ". kumaway ako sa kaniya at saka tumalikod. Mag kaiba kasi way pauwi bahay namin.
Medyo Malapit lang ang inuupahan Kong bahay dito. Pero pag pagod talaga ako nag ta-taxi ako.
Kung totoo ang naiisip namin ng kaibigan ko, Saan namin makikita ang mga gonggong na mga 'yon?.
YOU ARE READING
One Night Stand with Stranger
Romansa"Saan ko naman hahanapin ang tatay mo anak?,hindi ko nga alam totoong pangalan niya".hinaplos ko sa tiyan ko. "Saan kita mahahanap Mr. Tey2?." ARLENE