Chapter 62

1.2K 14 0
                                    

Pagmulat ng mata ko pag gising ko ay nagulat ako sa aking nakikita. Wala ako sa kwarto ng bahay ni tey, bagkus ako'y nasa kwartong malapit sa gilid ng dagat. Sa gulat ko ay halos mahulog ako sa kama, buti nalang at nakahawak ako sa may lamesa.

Tumayo ako upang pagmasdan ang kabuuan ng kwarto. Maganda ito dahil puro salamin ang mga pader na Nakaharap sa may dagat. Wala akong kasama sa kwarto Kaya lumabas ako Para malaman Kong sinong nagdala sa akin dito.

Aha! Kung hindi ako nagkakamali ay nadala na ako ni tey dati dito. Hindi ko lang agad napansin ito, dahil marami ng nabago.

Lumabas ako at bumungad sa akin ang salang may decorasyon na mga bulaklak. Bakit may ganito dito?? May ikakasal ba o binyag??. Tanong ko habang naglalakad parin patungong Sala.

Pinaka titigan ko ang mga ito, masaya ko itong hinawakan. Dahil paborito ang mga ganitong bulaklak,inamoy-amoy ko ito at sobrang ang babango.

May tumikhim sa may likuran ko Kaya agad akong napalingon. Ang Isa sa mga babaeng pumupunta sa bahay ni tey ang agad Kong nakita. Nakangisi itong nakatingin sa akin.

"Ma'am, halika na kayo at aayusan ko na kayo. Pagagandahin ko pa lalo kayo."Sambit nito sa akin.

"bakit?, anong nangyayari at bakit mo ako aayusan?", sunod-sunod na tanong ko sa kanya at mas napangiti naman ito sa akin.

"masasagot iyan mamaya ma'am, Kaya halina ho kayo ." sinunod ko naman ang sinabi niya, nag paalam ako Saglit Para maligo manlang bago niya ako ayusan.

Nung nasa banyo ako ay naalala ko ang mga anak ko, hindi ko pa Pala sila nakita simula kanina.

Binilisan ko ang pagligo ko dahil sa bilang pagka alala ko mga Bata, Pati naman si tey ay hindi ko pa nakita.

Ano ba talaga ang nangyayari??.

Agad Kong tinuyo ang Buhok Ko at hindi na muna ako magdamit. At nakasuot lang ako ng Rob.

Hindi pa man ako tapos sa pagpatuyo ng Buhok Ko ay pumasok na ulit ang babae kanina. Nakangiting lumapit siya sa gawi ko at saka nagsalita.

"Ma'am bilisan na natin, dahil parang mawawalan na ng Malay ang taong naghihintay sayo sa labas haha. Don't worry ma'am sisiguraduhin Kong magiging Masaya ka Ngayong araw", Nakangiting Sambit niya ulit sa akin. Nagtataka man ako sa sinasabi niya ay hinayaan ko nalang.

Matapos ang halos isang oras na pag aayos niya sa akin, sa wakas natapos narin,Hindi kasi ako sanay mag make up ng ganito.napapangiti naman ako sa nakikita Kong kabuuan ko sa may salamin. Magaling ang babae na mag make-up, halos hindi ako makapaniwala na ako Pala ang nasa harapan ng salamin.

BAGO kami lumabas ay may Ibinigay itong bulaklak na hahawakan ko daw,shem!!parang ikakasal ako sa lagay ko ngayon.

Naglalakad ako palabas ng espasyo at pagkabukas ko ng pintuan ay  sobra akong nagulat sa bumungad sa akin. Ang daming taong nakatingin sa akin at lahat sila ay nakangiti.

Napansin ko ang paligid o kabuuan lugar,ang ganda ng decorations at Pati mga damit ng mga Tao ay pawang mga puti lamang.

Ang kinaganda din nito ay nasa gilid kami ng dagat at ang mga agos ng mga alon ay nagpa dagdag sa Ganda ng sceneryo.

Ang 3 taong kanina ko pa hinahanap ay nasa may harapan kasama ang pari, ito na siguro ang pinaka magandang mangyayari sa akin. Labis ang pagkangiti nila sa akin.

Hindi ko pa kayang mailakad ang mga paa ko sa gulat ko, mas nagulat pa nga ako ng may taong humawak sa akin.

"'Nak Masaya ka ba?? Masaya ako Para sa ' yo anak. Heto na ang pinaka hihitay ko noon pa man Para sayo."sabi niyang nakahawak nasa siko ko, nag lakad kami palapit kina tey at sa mga Bata.

Labis ang kaba at Saya na  nararamdaman ko ngayon, hindi ko kasi in-expect ang ganitong mangyayari Ngayong araw. Halos isang linggo kasi akong wala sa sarili dahil Kay tey.

Nasa harapan na ako ngayon ng mag aama ko, hinalikan ko ang mga Bata bago sila Sumama Kay mama Para ma upo.

Pagka alis nila ay napatingin ako Kay tey, namumula ang mga mata nitong nakatitig sa akin.

"Sorry honey. Hindi kita masyadong nakaka usap lately dahil dito. Gusto ko kasing surpresahin ka. Sana ay hindi mo ako aayawan sa araw na ito dahil do'n,Mahal na mahal kita. Gusto ko ng maitali sa akin.kaya binalak ko talagang isahan nalang ang proposal at kasal natin dahil ayaw ko nang patagalin pa. ILOVE YOU ARLENE DELA CRUZ... ", Sabi nito saka lumuhod sa harapan ko.
" CAN YOU BE MY WIFE UNTIL THE LAST BREATH OF MY LIFE??.",hindi ko agad siya nasagot dahil humagulgol ako sa Saya, hindi ko napaghandaan ang bagay na ito. Kaya labis ang aking pagka gulat at Masaya ako,dahil sa wakas ang taong pangarap ko lang dating maging akin ay mapapangasawa ko na.

" Honey, stop crying please.dapat Masaya lang tayo ngayon at hindi tayo nag iiyakan",niyakap niya ako matapos sabihin no'n.

Nang medyo OK na ako ay hinarap ko siya saka Nginitian."Im willing to be your wife Mr.Tey2.matagal ko na itong pinapangarap na mangyari sa atin. Sino ba naman ako Para ayawan ang taong katulad mo, sa dami ba naman ng Inaway ko na babae mapasa akin kalang.",hinarap ko ang father saka sinabihan itong simulan na namin ito, baka may humadlang pa o magbago ang isip ni tey.

Napuno naman ng iyakan at tawanan sa aming kasal ni tey, hanep din siya kasi pinagsabay na niya ang proposal niya at kasal namin.

Kung hindi ko lang alam na Mayaman siya ay Iisipin ko na talagang wala siyang Pera Kaya tinipid nalang haha.

Picture dito, picture doon ang nangyari matapos ang kasal. Ang mga anak namin ay sobrang Masaya sila dahil kinasal na Kami ng papa nila.
At dahil nasa Beach resort kami ay mga sea foods ang karamihan sa mga handa namin.

Hindi man kabonggayan Gaya ng iba ang aming kasal. ang importante ay Masaya kami pareho sa aming kasal.

    TO BE CONTINUED...



One Night Stand with  StrangerWhere stories live. Discover now