Chapter Three: First Date

1K 73 5
                                    

"Good Morning!"

Nasamid sa iniinom na pine-orange juice si Yeyen sa gulat sa biglang pagbati na iyon. Pasado alas-sais ng umaga at nasa loob siya ng isa sa mga coasters ng ZMS na magdadala sa Perfect Match couples sa first date destinations ng mga ito. Abala siya sa pag-atake ng almusal consisting of ham and cheese croissant, banana bread at juice. Kuntento na siyang mag-isa muna sa puwesto nila ni Houlden sa bus.

Kanina pa niya ipinagdadasal na sana ay ma-late ito ng dating, iyong tipong paalis na ang sasakyan para hindi na sila magkaroon ng pagkakataong mag-usap talaga. Then she will pretend to sleep on the way.

Pero nakakadalawang kagat pa lang siya sa croissant, ay narito na si Houlden. At parang ang ganda pa ng gising nito.

Ni hindi man lang ito mukhang puyat at wala siyang ma-detect na kaunting stress man lang. Samantalang siya, kahit halos dalawang oras nang gising, parang disoriented pa rin.

"Don't look at me like that, Paola. Ang aga-aga pa." nakangising sabi ni Houlden sabay upo sa tabi niya. Then he leaned in and kissed her gently on the cheek.

Noon siya tila nagising at napaatras, pero sumabay lang sa pag-atras niya si Houlden na tila ayaw pang ialis ang mainit nitong labi sa pisngi niya. Instead, he slowly, teasingly moved his lips to her ear, and whispered.

"Mmm, good." sabi nito bago lumayo at pinakatitigan siya. He gently elbowed her. "Ang aga mo ah. Excited?"

Naningkit ang mata niya. "More of obligated." she snapped. Binalikan ang kinakain. But her heart was beginning to beat like mad. Hindi niya alam kung dahil iyon sa inis o dahil sa kaba. She vowed to only, really interact with Houlden when they're in front of the camera. Plano niyang ang tanging pag-uusapan nila off-cam ay ang magiging strategy nila upang magtagal sa Perfect Match. Pero paano siya iiwas kung may kakulitan pala ang isang ito?

"I wonder why..." kinuha ni Houlden ang tray ng almusal na iniabot ng isang staff, bago nagpasalamat. "Hindi mo dapat na sinasabi ang ganyan, lalo na sa tulad kong empleyado sa istasyon kung saan ayon sa iyo ay obligado ka ngayon."

Napabilis ang pagnguya niya sa narinig. Tama ito, dapat ay mag-ingat siya sa mga sinasabi. For all she knows..."Plant ka ba?" mahinang tanong niya kay Houlden, sabay tingin dito. Muntik na siyang mapasigaw dahil iilang pulgada lang ang layo ng mukha nito. It was obvious he has been looking at her, too.

"Huh?" nangunot ang noo ng binata, but a corner of his lips slightly turned up.

Breathing deeply, she leaned closer, kahit nagwawala ng pulse points niya. Houlden smelled good. "Ang sabi ko, kung plant ka ba?"

Napangiti si Houlden. "Bakit?"

Tumaas ang kilay niya. "Ako ang unang nagtanong, kaya sagutin mo."

"Di ba dapat ikaw ang sasagot pagkatanong ko ng 'Bakit?'" tila nalitong tanong nito.

"What?" asik niya.

Ilang sandaling tiningnan siya ni Houlden. "Hindi ba pick-up line iyon? Tinanong mo ako kung plant ako. Kaya ang sabi ko 'Bakit?' you were supposed to tell me why and it's supposed to be some cheesy punchline."

Hindi alam ni Yeyen kung maiinis o matatawa. "That was a real question. May career ka na dito sa ZMS tapos kasali ka pa dito sa Perfect Match? I was asking kung plant ka, kung sinadya kang isali dito. Kunwari contestant pero spy pala para subukan ang character ng mga kasali."

"Seryoso ka?" tanong nito, amused.

Tiningnan lang niya ito ng masama.

Natawa si Houlden, pero saglit lang iyon. Napailing ito. "Geez, no way!" He leaned back on his seat and kept his eyes on her, hininaan nito ang boses. "My producer at TEJ wanted me to join Perfect Match to keep the ratings, and to give in to viewers' supposed demands to see me in another show during weekends." muli itong napailing. "Wala pang two months simula nang simulan ko ang paghawak sa isang segment na binakante ni Attorney Benjamin Campos, also known as Big Ben. You know him?"

Perfect Mismatch (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon