"Yelena loved you enough to risk telling you the truth about herself, Kuya. Hindi mo man lang ba naisip kung gaano kalaking sakripisyo iyon para sa kanya?" nakapamaywang na sabi ni Hailey sa kanya habang ang isang kamay ay ginamit upang duruin siya ng spatula.
Biyernes ng hapon at muli niyang naabutan ang pamilya sa bahay niya. Ang kanyang ina lang ang nasabihan niya noong una tungkol sa nangyari sa mga ipinagtapat ni Yelena, pero muli ay buong pamilya niya halos ang sumugod.
He can sue her. Yelena Andrada fooled everyone on the show after all. "I was duped. Made for a fool. Gaano ba iyon kahirap intindihin, ha?" naiirita nang sabi niya sa kapatid. "At bukas, sa interview, lalo niya akong pagmumukhaing tanga at gago."
Tumaas lang ang isang kilay ng kanyang ina. "Actually, anak, puwedeng gawin na lang sana ni Yelena ang interview nang hindi na ipinagtatapat sa iyo ang totoo tungkol sa kanya. Mukhang ang nauna niyang plano ay gulatin ka na lang.
"Pero pinili niyang ipagtapat muna ang lahat. Matagal bago niya napagdesisyunang gawin pero ang punto lang namin, ay hanggang sa huli, mas pinili niyang huwag ka pa ring masyadong masaktan." dugtong ng kanyang Papa.
"Tama, bro. She actually still tried to salvage your ego, you know." sang-ayon ng Kuya Homer niya.
Houlden glared at them into silence. "Hindi ito tungkol sa akin, okay? This is about her damned alter ego, about her career."
"About you. For Yelena, it's obviously about you." napabuntung-hininga ang Mama niya. "Anak, alam kong nasasaktan ka pa sa ngayon, at naiintindihan namin kung bakit ka nagagalit."
He threw his hands up. "Oo galit ako. Ano ba ang mas tamang maramdaman gayong niloko at piangmukha niya akong gago?" malakas niyang sabi. "And I am a freakin' lawyer for the network! Hosting this segment where I explain issues to ordinary people. Paano ko ipapaliwanag kung paano akong niloko ng isang babaeng ambisyon lang ang habol? Anong mukha pa ang ihaharap ko sa lahat gayong kulang na lang ay sabihin ng Yelena na iyan kung gaano ako kawalang- kuwenta at balewala lang sa kanya ang paglaruan ako?" napabuga siya ng hangin, bago tinungo ang ref at kumuha ng bottled water.
"Hindi ang pagkawala ng kredibilidad mo kuno ang dahilan kaya ka nagkakaganyan, Houlden." giit ng mama niya.
Tinungga ni Houlden ang laman ng boteng hawak. He fought back an emotion that was suspiciously close to grief. Shit.
"Mas bumabagabag sa iyo ang katotohanang higit sa kredibilidad ay mawawala rin sa iyo si Yelena."
He stared at his mother. "She's already gone, Mama."
"At ikaw ang dahilan kung bakit, Kuya." sabi ni Hailey. "Just ask her to come back. You know you can."
Nangunot ang noo niya. Nagpapatawa ba ito? Napabuntung-hininga siya. "I don't know about that, but I am going to go to the interview tomorrow. Tatapusin ko na lang kung ano ang naumpisahan ko. Anyway, hindi naman si Yelena ang dahilan kung bakit ako sumali sa lintik na dating game show na iyon.
"I will just do what I can to salvage this mess, and save face."
"Hay naku, anak..." naiiling na sabi ng kanyang ina. "Bahala ka. Pero huwag na huwag kang gagawa ng kahit anong alam mong pagsisisihan mo sa huli."
Hanggang sa makapasok sa Studio kung saan gaganapin ang interviews at tapings para sa Perfect Match ay tila nagri-ring pa rin sa pandinig ni Houlden ang mga sinabi ng pamilya noong nagdaang gabi:
Yelena loved you enough to risk telling you the truth about herself.
He sighed.Para namang napakadali ng gustong mangyari ng mga ito? They weren't the one who spent the past three months with Yelena, who helplessly fell for her and her performance befitting of an Academy Award. Paola wasn't even her real name, but Yelena!
BINABASA MO ANG
Perfect Mismatch (Completed)
RomanceHoulden Trinidad is a lawyer, and Yeyen can't be with lawyers for now, especially someone as sexy and gorgeous as this Houlden character. Distracted na siya sa kaguwapuhan at madalas na tila pang-aakit nito sa kanya, palagi pa siyang kinakabahan da...