2

513 18 5
                                    

KARMA

Karma yun na siguro ang tamang depinisyon ko sa kinahitnan ng buhay ko.

Bumalik sakin ang lahat ng masasamang ginawa ko sa mga panahong natatamasa ko ang pagiging mataas ko sa mga taong nasa paligid ko.

Nag-iisang anak ako,at galing sa marangyang pamilya.namulat akong nakukuha ko ang lahat ng gustuhin ko.mapa materyal man o pagmamahal.namulat akong walang kahati sa pagmamahal ng mga magulang ko.at nasanay ako na kahit sinumang lalaki ang gustuhin ko.ay nakukuha ko.sa isang pilantik lang ng mga daliri ko.

Paano nga ba naman magagawang tanggihan ng mga kalalakihan ang isang dalagang katulad ko.na bukod sa may kagandahang angkin,mahuhubog na katawan,makikinis na balat,popularidad at higit sa lahat.ay nag-iisang anak at katangi tanging tagapagmana ng kilalang business tycoon at isang sikat na artista.

Halos nasa sakin na nga ang lahat ng hinahangad at pinapangarap ng mga kababaehan sa mundong ibabaw.magmula sa mga mamahaling sapatos na laging limited at sumasabay sa uso,hanggang sa mga mamahaling signature bag na nagmula pa sa iba't ibang panig ng mundo.at idagdag pa dyan ang mga koleksyon ko ng mga mamahalin at di kalibreng kotsye na nakasanayan kong kolektahin.,simula ng matutunan kong magmaneho.

Kuntento na ako sa buhay na meron ako noon.,hanggang sa nakaramdam ako ng kakulangan ng makilala ko sya.Si Xavier.,isang lalaking matalino,gwapo at mataas ang ambisyon sa buhay.bagamat nanggaling sya sa kahirapan.ay di iyon hadlang upang makatapos sya ng pag-aaral.,nakatapos sya sa kanyang pag-aaral na may mataas na degree sa larangan ng industriyang nais nyang pasukin.

Bagamat mas matanda sya sakin ng halos limang taon.,ay di iyon naging hadlang o kabawasan man sa pagkakagusto ko sa kanya.bagkus ay mas nagpadagdag pa iyon sakin ng lakas ng loob para pursigihing makuha sya.ngunit tila ba madamot sakin ang tadhana.dahil ang kaisa isang lalaki na nagpadama sakin ng tunay na depinisyon ng salitang pagamamahal.ay ang kaisa isa at katangi-tanging lalaki din pala na dudurog at magmumulat sakin na ang pagmamahal.,ay hindi basta basta ibinibigay.,o ipinipilit man.

"Ano ba sabina?tapos mo na bang plantsiyahin ang damit ko?.sigaw sakin ni xavier na nagpabalik sakin sa realidad na kasalukuyang kinalalagyan ko.

"Ah.o."pasagot na ako.ng agad na nagsalita uli si xavier.

"Yung mainit na tubig na ipanliligo ko!naihanda mo na ba?."dagdag pa nito.habang nagsisimula na itong inumin ang kapeng ipinahanda nito sakin kanina.wala kaming katulong sa bahay.,kaya mag-isa kong pinagsisilbihan ito.bagamat inalok ako ni papa na ikukuha ako ng katulong nito,ay tinangihan ko ang alok nito.,sa pagbabaka sakaling makukuha akong mahalin ni xavier sa pamamagitan ng pagsisilbi ko dito.

"Ano ba naman 'tong tinimpla mong kape sabina!ang tamis tamis!tapos ang tapang tapang ng kape!"reklamo nito.

"Pasensya na.,ipagtitimpla nalang uli kita."pag-aalok ko dito ng natapos na ako sa pag paplantsya ng unipormeng isusuot nito sa kasalukuyang pinapasukan nito.

"Huwag na!at mahuhuli na ako!"sabi nito sabay tayo sa silyang inuupuan nito.

"Pero..di ka pa nag-aalmusal.,at wala pang kalaman laman iyang tyan mo."mahina kong pangangatwiran dito.

Nilingon ako nito.at iniling iling nito ang kanyang ulo.

"Sa opisina na ako mag-aalmusal.,at walang kakwenta kwenta ang inihanda mong almusal dito."prangka nitong sabi sakin.sabay diretsong pasok sa loob ng banyo.

Napasimamgot nalang ako ng tingnan ko ang pagkaing inihanda at inihain ko sa hapag.di iyon nagalaw at paniguradong masasayang na naman iyon.sapagkat maselan din ako sa pagkain.lalo na ngayon at tatlong buwang buntis ako.

A Woman's Cry(ONGOING/SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon