Pasilip

822 21 0
                                    

Marahan na tinahak ng mga paa ko ang mahabang pasilyo ng simbahang kinatatapakan ng mga paa ko..nagpalinga linga ako habang pinakikiramdaman ang mga taong nasa paligid ko.halos lahat ng mga mata nila ay sa akin lang nakatutok dahilan upang mas kabahan ako sa pagtahak ko sa napakahaba at napakalawak na simbahang ito.bumuntong hininga ako at pilit na ikinubli ang kabang nararamdaman ko.ipinagpatuloy ko ang pagtahak ng mga paa ko patungong altar na kung saan ay malinaw ko ng napagmamasdan ang kakisigang angkin ng lalaking mapapangasawa ko..

Totoong totoo ngang nagaganap na ang kasal na dati lamang ay pinapangarap ko..at kitang kita mismo ng dalawa kong mata ang katotohanang ikakasal ako sa taong dati lamang ay pangarap ko..palihim akong ngumiti habang palaki ng palaki ang tensyong namumuo sa bahaging itaas ng tiyan ko.habang patuloy naman ang pagbilis ng puso ko..namalayan ko nalang na nasa harap ko na mismo ang lalaking pinakamamahal ko.at nakangiti itong pilit saken ng ibinigay ni papa ang aking kamay dito.indikasyon na pinahihintulutan na nitong ibigay ang buong pagkatao ko sa lalaking ito na pakakasalan ko..

Mahinang itinapik ni papa sa bahaging balikat si Xavier indikasyon na dapat ay ingatan ako nito..Sinuklian naman ni Xavier ng napakatipid na ngiti si papa na animo'y napipilitan lang ito.

Maingat akong inakay at inalalayan ni Xavier sa likod ko patungong harap ng altar.hanggang sa nagsimula na nga agad ang palitan ng aming vow sa isa't isa..tinapunan ko ng tingin si Xavier sa pag asang susuklian ako nito ng tingin..ngunit nadismaya lang ako.dahil diretso lamg ang tingin nito sa altar.na tila ba di nito ramdam ang presensya ko..

---------------->

Ako si Sabina Villegas..

Nabuntis sa edad na dise sais..

Pinakasalan upang maiahon sa kahihiyang kinasadlakan..

At mananatiling obligasyon lang sa paningin ng taong aking minamahal..

A Woman's Cry(ONGOING/SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon