01

149 0 0
                                    

"Good morning, Adi!" agad akong napangiti sa babaeng sumalubong sa'kin sa pinto ng room namin.

"Good morning, Emily," sagot ko at ginulo ang buhok niyang naka-clip at naka-curl nang bahagya ang dulo.

"Hey! I fixed my hair for you tapos ginulo mo lang!" pabiro niyang tinabig ang kamay ko at saka ako hinarap ulit. Nag-pout pa siya.

"Hindi naman masyadong nagulo, ah? Konti lang," natatawa kong sabi.

"Well, I am still pretty even with a messy hair, right?" she asked and I nodded. Because why not? Maganda naman talaga siya.

Dumerecho agad ako sa pwesto ko, sa pinakahuling row. Nadatnan ko sila na nagdadaldalan, kasama sina Zia, Serene, Emily at Phoebe. Sila lang ang tanging malapit sa'min. Others often consider us na mga pasaway na students, kahit hindi naman talaga. Pero hindi rin naman kami sobrang tahimik. Sakto lang na may mga kalokohan pero mababait naman kami. Marami lang talagang mainit ang dugo sa'min sa hindi ko malamang dahilan.

"Anong meron?" tanong ko nang makaupo na ako.

Sa tabi ko si Austin, hindi siya masyadong pala-salita, pero okay naman siya. Naka- silent mode lang talaga madalas. Si Kai naman ang katabi niya, siya ang pinaka pasaway sa'min. Kaya minsan naiintindihan ko rin kung bakit iniisip ng iba na palaaway kami e. Takaw gulo kasi masyado ang isang 'to. Ang hilig pang pumatol. Ang sa tabi niya naman ay si Oliver, siya ang madalas na seryoso sa'min. Hindi naman siya KJ, pero minsan kasi para siyang tatay namin kung umasta. Si Caliber naman ang nasa aisle, siya ang pinaka kasundo ni Kai sa kalokohan. Parehas silang mapang-asar at madaldal.

"Pinag-uusapan lang namin yung Sports Fest," tipid na sagot ni Austin na itinuon na ulit ang atensyon sa pagsasagot sa libro niyang puro Sudoku puzzle.

"Anong meron nga? Matagal pa naman yon, ah?" takang tanong ko. Kadalasan kasi ay every September yon ginaganap. Pero naalala ko nung second year kami, August naman ginanap yon after ng event para sa Buwan ng Wika.

"Akala rin namin matagal pa yon, eh. Pero there was a sudden change sa schedule. Kanina nga lang namin nalaman dito kay Caliber, eh." sagot ng pinaka positive thinker na babaeng curly haired na nakilala ko, si Zia.

"Eh kasi ganito yan, Adi. Kanina nakasalubong ko sila ano.. nakalimutan ko, basta yung President at Secretary ng SSC, tapos narinig ko pinag-uusapan nila na kasasabi lang daw sa kanila ng Principal na mapapaaga raw yung Sports Fest. Edi tinanong ko kung kailan na gaganapin, tapos sabi sa last week daw ng July. Edi syempre nagulat ako, kaya pumasok agad ako sa room. Tas sakto naman nandito na sila Oli pagdating ko, kaya kinwento ko sa kanila tapos sabi niya totoo raw yon. Ayon din daw sinabi sa kanya ng tito niya at kagabi lang din daw napagdesisyunan yon." dire-diretsong kwento ni Caliber.

"Nagtataka nga kami kung bakit biglaan namang iniba yung schedule tapos napaaga pa. Halos first week na ng July, eh," nag-aalalang sambit ni Serene.

"Oo nga pala, sasali kayo sa cheerdance, no?" baling ni Kai kina Serene.

"Oo, tapos itong si Phoebe baka sumali sa Volleyball," sagot niya naman. Napalingon naman ako agad kay Phoebe na kanina pa tahimik.

"Phoebe, kanina ka pa tahimik. Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko. Tumatahimik lang kasi siya kapag may iniisip siya o kaya may nangyaring hindi maganda sa kanya. Kadalasan kasi makulit din 'to, eh.

"Yeah, of course. Iniintay ko lang message ni Dad. I have to see him daw kasi," nakangiting sagot niya, at napatango naman ako.

"Really? For what daw? Bakit sakin wala namang binilin si Dad?" nakasimangot agad na tanong ni Emily kay Phoebe. Kambal sila, kaya gano'n ang reaksyon niya.

The Rule Breakers (ON-GOING)Where stories live. Discover now