Pagkauwi ay nadatnan ko na agad si Daddy na nagla-laptop sa living area.
"Hi, Dad. Trabaho pa rin po?" bati ko sa kaniya at nagmano. Parang nagulat pa siya nang magsalita ako.
"Oh, andyan ka na pala. Kanina ka pa?" tanong niya sa'kin. Umiling ako.
"Kararating ko lang po." sagot ko at dumerecho sa kusina para magsaing at magluto. Wala kasi kaming kasambahay rito. Kaming tatlo lang nila Dada kaya sanay ako sa mga gawaing bahay.
Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko. Agad kong tinignan iyon at nakitang tumatawag si Stan, kaya sinagot ko rin agad.
"Pumunta ka na rito, alam kong magke-kwento ka." Iyon agad ang ibinungad ko sa kaniya. Narinig ko pa ang pagtawa niya mula sa kabilang linya.
"Tumawag lang ako para pagbuksan mo 'ko ng pinto, pare." at ako naman ang natawa nang bahagya sa kaniya. Sandali kong iniwan ang niluluto ko para pagbuksan siya ng pinto, at laking gulat ko nang sinalubong niya agad ako ng yakap.
"Tang ina, pare, kinikilig talaga ako!" hinigpitan niya pa ang yakap niya sa'kin. "Huy! Umayos ka nga. Ang bunganga mo, nandyan si Daddy." natatawang sambit ko. Agad naman siyang napabitaw sa'kin at umayos nang tayo, saka dere-derechong pumasok sa loob ng unit namin.
"Hi, Tito Craig!" Ka-partner ko 'yong crush ko kanina!" lapit niya agad kay Daddy at nagmano.
-----
New Thitipoom as Craig Lopez-----
Ako naman ay dumerecho ulit sa kusina para tignan ang niluluto ko. Dinaldal ni Stan si Daddy na parang kaibigan niya lang din. Sanay na rin naman kasi sila Daddy sa kaniya. Lalo na kapag nandito rin si Dada. Mas madaldal ang isang 'yon at lagi niyang sinasabayan ang trip ng mga kaibigan ko. Dahil bukod sa mas bata silang tignan keysa edad nila, parang bata rin silang umasta ni Daddy paminsan.
Nang natapos sa niluluto ay nilapitan ko na sila. Si Daddy ay nasa dulong parte ng pahabang sofa. Mayroon ding sofa na mas maiksi roon na nakapwesto naman sa gilid nito. Nakapwesto si Stan doon sa mas maliit na sofa at tinabihan ko siya roon.
"Biglaan kasi 'yung pilian ng representative namin sa Mr. and Ms. Sports Fest kanina, Tito. Tapos ganito, si Lian, 'yong kaclose ko na tahimik. Kilala mo 'yon, diba?" baling niya sa'kin. Tumango naman ako bilang sagot. "Siya 'yung gustong ipapartner sa'kin ni Sir. Pero buti na lang si Janina yung nanalo sa botohan sa room namin. Parang napilitan nga lang si Sir nun, e. Edi ayon naging partner kami, tas nag-aayos siya ng sarili nun sa room, panay ang tanong niya sa'kin kung ayos na raw ba itsura niya, gano'n. Sayang lang di ko masabi kanina sa kanya na "Ang ganda ganda mo talaga, Jan. Kahit hindi ka mag-ayos, ang ganda mo pa rin." Haaay grabe! Baka kasi ma-weirduhan sa'kin pag sinabi ko 'yon tapos batukan na lang ako bigla para mahimasmasan ako. Pero Tito, promise, maganda siya." kitang-kita ko sa kaniya habang nagkekwento siya kung gaano niya ka-gusto si Janina. Talagang palangiti si Stan, pero iba ang ngiti niya kapag si Janina ang pinag-uusapan namin.
YOU ARE READING
The Rule Breakers (ON-GOING)
Teen Fiction"There are times that it is alright to break rules in order for you to live your life the way you want." That is what Adison, Kayden, Austin, Kai, Caliber, Oliver, Emily, Phoebe, Zia, and Serene believe. This story will show their friendship's journ...