02

34 0 0
                                    

Tahimik kaming naglalakad sa hallway. Nasa iisang building lang kasi ang rooms for High School Department. Nasa first floor ang rooms ng 1st Year, sa second floor ang sa 2nd Year, sa third floor naman ang sa 3rd Year, at sa fourth floor ang sa'ming mga 4th Year. Napagkasunduan namin na sa mga 1st Year sections kami mag-uumpisa paakyat, para na rin mas organized yung listahan. Ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Anong favorite color mo?" walang kwentang tanong ko. Napalingon naman siya at nagtaka na parang gusto niyang itanong kung bakit iyon ang biglang sinabi ko. Kaya nagsalita ulit ako. "Curious lang," palusot ko. Ang totoo ay hindi ako sanay na ganito katahimik, pakiramdam ko ang awkward. Hindi ko rin naman alam kung paano ko siya kakausapin, tapos hindi niya rin ako kinakausap.

"Favorite color ko? Uhm, black. Ikaw ba?" nakangiting sagot niya.

"Parehas pala tayo, black din," sagot ko at lalo siyang ngumiti.

"Alam mo, si Emily kasi, nagtataray lang yan pero sensitive din siya. Dati nga nung elem kami, may babae na kino-compare siya kay Phoebe. Like mas better at mas magaling si Phoebe, ganon. Inaaway siya at kung anu-anong sinasabi sa kanya. Sa sobrang inis niya, you know what she did?" pabitin na tanong niya sakin. Umiling naman ako at nagsalita siya ulit. "She stepped on the girl's foot saka niya tinulak. Napaupo pa nga sa sahig ng room, luckily, hindi naman gaano nasaktan." patuloy niya. Nagulat naman ako at hindi nagsalita, kaya itinuloy niya ulit. "And you know what she did after? She walked away like nothing happened. Syempre, I followed her secretly. Hindi niya kasi alam na nakita ko yung ginawa niya. Dismissal na kasi noon, kaya wala na masyadong tao. Tapos nakita ko siya sa dulong part ng canteen, siya lang mag-isa. She's crying habang kumakain ng marshmallows." napapangiti pa siya habang inaalala iyon.

"Since that day, I realized that she may act tough, but she's really a softie inside. She doesn't want anyone else to see her weakness. Palaban lang siya, kasi ayaw niyang siya yung saktan," patuloy niya. Nagpakawala siya ng buntong hininga at saka lumingon sa'kin. "Ngayon lang kita nakilala, but I want you to take care of her." tinapik niya pa ako sa balikat.

"Huh? Bakit?" naguguluhang tanong ko. Naguluhan din siyang bigla.

"Kasi.. hindi ba kayo?" tanong niya.

"Hindi. Magkaibigan lang kami." sagot ko. Kaya naman pala hinahabilin sa'kin e, kung anu-anong iniisip nito.

"Sorry, akala ko kasi." nahihiyang sambit niya.

"Pero hayaan mo, hindi ko naman siya pababayaan. Kami. Hindi namin sila pinababayaan. Parang kapatid na rin ang turing ko sa kanilang walo since matagal ko nang gusto ng kapatid, pero wala talaga. Kaya sila na lang," nginitian ko siya.

"Mukhang magugustuhan ko nga talaga rito," nakangiting sambit niya sa'kin at saka lumingon sa paligid.

"Good Morning, Class 1-A, kung sinong gustong sumali sa Football, isulat ang whole name dito." sabi ko habang pinapakita ang papel na hawak ko. Ganoon nga ang ginawa nila, lumapit sila sa'min at isa-isang isinulat ang mga pangalan nila. Ganoon din ang ginawa namin sa mga sumunod na section sa first floor. Pagkatapos ay umakyat naman kami sa floor ng mga Second Year. May faculty room din sa floor na 'to.

"Alam mo? Ang tahimik mo. Ikaw yata ang naa-awkward-an sa'kin, e." natatawang sambit niya habang naglalakad kami paakyat sa third floor. Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Wala naman tayong pag-uusapan. Saka kanina nung nagtry ako, ang walang kwenta ng nasabi ko," natatawang sagot ko.

"Alin ang walang kwentang sinabi mo?" tanong niya.

"Edi yung kung anong favorite color mo. Ano pa ba?" nahihiya kong sagot pero napapangiti pa rin ako.

"May kwenta yon, ah? Nalaman natin na same tayo ng favorite color. Diba?" nakangiti siya habang nakataas ang kilay niya. "Try mo ulit, tanungin mo 'ko ng kahit ano o kaya magkwento ka. Lagi ko naman na kayong makakasama simula ngayon kaya tama lang din na unti-unti ko na kayong kilalanin," suhestyon niya.

The Rule Breakers (ON-GOING)Where stories live. Discover now