OIL and WATER

76 0 0
                                    

CHAPTER 1

Ako si Robert pero mas kilala ako sa pangalang Bert, anak ako ng isang mekaniko sa amin, may sarili kaming talyer. Minsan madaming costumer, pag minsan naman konti lang, at may mga panahon din naman na wala. Labing apat na taong gulang ako ng nagsimula akong sumabak sa pagkukumpuni sa aming talyer at ngayon dalawampu’t apat na taong gulang na ako. Kilala na ako sa aming baranggay dahil sa talyer namin, halos karamihan ng mga jeepney driver dito ay kilala ako, sila rin kasi ang mga suki ng talyer namin. Hindi lang naman ang talyer naming ang nage-exist sa baranggay namin pero kami pa rin yung sikat dahil sa aking ama na napaka-galing pagdating sa pagkukumpuni kahit na kulang kami sa gamit, bukod pa diyan eh dahil na rin sa mura kaming sumingil ng bayad sa serbisyo namin. Pero hindi lahat ng costumer namin ay masayang umuuwi minsan hindi rin talagang maiiwasan ang siraan ka pa sa iba; ganoon talga ang mga tao dahil na rin siguro sa pagkainggit.

Napunta ako sa bayan upang mamalengke para sa pang maghapong pagkain namin sa bahay, sakay ako sa isang owner-type-jeep na ipanpagawa sa talyer namin at nanganganib na itong mawala sa mundo, naka-schedule syang gawin ngayon at ako ang gagawa nito pero panandalian ko munang ginamit ito para mamalengke ako. Pagdating ko sa parking lot ng supermarket nagpark ako sa tabi ng isang maganda at mamahaling kotseng kulay green naka-set up ang buong body nito na hindi ko na mahalata kung anong klaseng kotse ito. Mahiyahiya man akong magpark sa tabi nito pero no choice na ako kasi wala ng ibang space. Pagkababa ko sa service kong muka ng dapat ideretso sa junkshop dumiretso na ako sa loob ng supermarket para mamalengke.

Pagbalik ko sa parking lot, nagulat na lang ako sa nakita ko. Basag na ang isang rear lights ng owner na sasakyan ko at may galos pa ang tagiliran nito. Halos sumabog na ako sa galit nang Makita ko ito dahil hindi naman sa akin ang sasakyang ito, ipinapagawa lang ito sa akin tapos mukang sinira ko pa. patay ako nito, napakamalas ko naman, inisip at hinanap ko agad kung sino ang ibang tao sa paligid at kung may nakakita ba sa pangyayari, pero napakalinis ng paligid at walang ibang tao. Halos mapaiyak na ako sa galit sa nangyaring ito, at dahil wala na akong nagawa dumretso na akong umuwi sa talyer naming dala ang garbage car ko.

Pagdating ko sa talyer;

“itay mano po” sabay abot sa kamay ng aking ama at nag-mano.

“oh ikaw naman pala ang may dala ng owner ni mang Caloy, hinahanap niya kanina titingnan daw niya yung sasakyan niya eh” nag-aalalang sinabi ng aking ama sa akin.

“eh, itay kasi namalengke ako ng pangalmusal at tanghalian natin ngayung araw na ito eh, hindi na ako nakapagsabi kanina kasi ho tulog pa kayo” malumanay kong sinasabi, habang kasabay kong naaalala na may sira nga pala ang owner na dila ko kanina. Paano ko kaya sasabihin ito sa kanya? Ah di bale na, babawasin ko na lang sa sweldo ko yung nasira ko, ibibili ko na lng muna ng bagong rear lights yoon isa lang naman.

“eh Bert! Tatawagan ko na muna sa telepono si mang Caloy at sasabihin kong andito na ang owner niya ha? Para naman hindi na siya magalala”

Patay tayo jan!! “itay!! Ako na ho, dadaanan ko na lang si mang Caloy ngayon sa kanila!” pasigaw at nagmamadali kong sinabi yoon, naalala ko yung pinamalengke ko. “Itay ako na ho, ito na lang po ang sa inyo may pinamalengke ho akong karne at gulay ipagluto na lang po ninyo ako ng pinakamasarap ninyong sinigang, para mamayang tanghalian natin!” ngiting aso ako habang nakatingin sa aking ama at ako ay pinapawisan sa sobrang kaba. “oh sige mabuti pa nga, ay oo nga pala muntik ko ng makalimutan may bago tayong kliyente ikaw na rin ang gumawa noon, nayupi lang naman ang bumper at papalitan lang naman ikaw na ang bahala doon ha?” pakisuyo ng aking ama habang naglalakad papasok sa loob n gaming bahay.

“Opo itay!!” hooh!! Muntik na ako dun ah, buti na lng napigilan ko si itay, maabutan pa sana ako ditto nung may-ari nitong owner at yari ako kapag nakita nyang nadagdagan pa ang sira nito.

OIL and WATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon