inside my head

67 0 0
                                    

CHAPTER 2

Ala-sais nang umaga, nagtimpla ako ng kape at naupo sa aming balkonahe, nagunat-unat at nagbuntong hininga habang naghihintay na dumampi sa aking mga balat ang sinag ng mainit na araw. Isang magandang umaga na agad ang sumalubong sa akin, mukang good vibes na ako, salmat naman kung ganoon.

PSSSSSSSST!!

Tama ba ang narinig ko? Mayroong sumitsit? Siguro guni-guni ko lang yoon, pero nagulat na lang ako pagdilat ng mata ko na nakita ko ang isang babaeng gulo ang buhok ang wari ko ay mukang galing sa isang sabunutan. Nalinawan ako ng maaninag ko ang babae na siya pala yung sostumer kahapon sa talyer, ano kayang ginagawa niya dito? Agang aga nangbu-bwisit na agad?

“Hoy! Miss?! Anong ginagawa mo diyan? Mang-gugulo ka na naman ba? Sarado ang talyer ngayon bumalik ka na lang sa ibang araw.!” Dahil sa araw ngayon ng linggo kaya ang talyer namin ay sarado, family day nga daw sabi ng iba.

“puwede bang bumaba ka diyan at dito mo ako kausapin sa baba, nang hindi tayo nagsisigawan dito?”

“Ayaw ko nga?! At para saan pa? para bwisitin mo ang araw ko?”

“Sige na please?” na para bang napipilitan siya sa pagbanggit sa akin nito.

“Wow?! Parang ang bait mo ngayon ah? May kailangan ka siguro noh?” pangasar ko naming sinabi yoon sa kanya.

“Please??”

“Sige na bababa na ako, hintayin mo lang ako diyan, atska wag mong sisirain ang  umaga ko ha pakiusap lang sana okay?” dahan dahan akong bumaba, pero bago ako dumeretso sa  labas ng bahay dumeretso muna ako sa salaminan naming at saka ako lumabas ng bahay.

“Oh! Eto ang suklay manuklay ka muna! Kape gusto mo? Mukang hindi ka pa ata kumakain eh?” agad kong iniabot sa kanya ang suklay at parang nahihiya pa siyang kunin ito sa akin.

“Napunta ako ditto para makiusap sayo na gawin mo ang kotse ko ngayon, hindi para mag-kape.”

Ang taray naman nitong babaeng ito???

“nagmamagandang loob lang yung tao eh ikaw pa ang mataray diyan? Sinasabi ko na nga bang mambubwisit ka lang eh! Ayaw ko! Bahala ka sa buhay mo, maghanap ka na lang ng ibang talyer diyan!”

“dodoblehin ko ang bayad!!”

“ayaw ko pa rin! Kahit triple pa yan! Kapag ganyan lang din ang pakikiusap mo sa akin di bale na lang”

“ano bang problema mo? Ikaw na nga ang binibigyan ng trabaho ayaw mo pa?”

“bakit hindi ka sa ibang talyer magpunta, bakit ditto pa sa amin?”

“Sa palagay mo ba may choice ako kung bakit ako nandito sa harap mo ngayon?”

“Aba ewan ko sayo? Alam mo miss sa tingin ko dapat hindi yung kotse ang ipinapaayos mo eh, sa tingin ko dapat yung ugali mo! Siguro wala kang boyfriend ano? Dahil walang lalaking makakatiis sa ugali mo!” Hindi man tama na sabihin ko ito sa kanya pero dahil punong puno na ako hindi ko na ito napigilan pa.

Natigil ang aming sumbatan at natahimik siya sa harap ko at biglang yumuko ang kanyang ulo. Bigla naman akong naalarma dahil baka kung anong gawin ng babaeng amasonang ito sa akin dahil sa sinabi ko. Maya maya pa ay pumatak na ang mga luha sa kanyang mga mata at ito ay ikinagulat ko.

“Miss? Sorry? Hindi ko naman sinasadya yung mga sinabi ko sayo, napuno na lang talga ako? Sorry na miss?” hindi ako sanay ng makakita ng isang babaeng umiiyak sa harapan ko, lumalambot ang aking damdamin kapag nakakakita ako ng ganito.

“nakikiusap lang naman ako na ayusin mo yung sasakyan ko hindi yung punahin mo pa yung pagkatao ko!!” habang umiiyak sya at isinisigaw niya ito sa muka ko. Nakakaawa tuloy sya.

OIL and WATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon