influence of caffeine

37 0 0
                                    

CHAPTER 4

Masaya kaming naglalaro ng ganoon, ni hindi ko nga alam ang tawag sa laro ni Scy nay un basta ang alam ko nung natapos ang larong yun lahat na nang magkakatabi ay nagkalapatan na ng labi, smack kiss lng naman, wala lang yun, at lahat kami ay lasing na lasing sa laro ni Scy, hanggang sa naubos na nga naming ang natitira pang alak. Natapos na ang inuman, si Bianca nakasubsob na sa mesa at si Steph naman tulog na sa upuan nya, si Albert at Heidy tulog na din sa pagkakaupo nila si Scyrus naman ay nasa may bakod ng bahay nila Heidy at nagyoyosi. At ako naman nakaupo sa upuan ko, hilong hilo na sa dami ng nainom ko. Tumayo ako para makapaglakad lakad, dumeretso ako sa loob ng bahay para maghanap ng kape para maalis ang hilo ko. At pagpasok ko sa kusina may narinig akong umiiyak.

Tumingin ako sa paligid pero madilim dahil nga sarado ang ilaw, hindi ko Makita yung umiiyak pero naririnig ko pa rin sya. Sa sobrang pagkahilo ko para na akong sumasayaw sa paglalakad ko hanggang sa madanggil ko ang baso sa kitchen bar at nabasag na nga ito. Biglang nawala ang umiiyak, hinanap ko ang switch ng ilaw para buksan ito para Makita ko ang basag na baso. Pagkabukas ko ng ilaw nakita ko si Ingrid umiiyak.

“Oy, Ingrid ikaw pala, natakot naman ako akala ko minumulto na ako. Bakit ka umiiyak okay ka lang ba?”

Hindi niya ako pinansin gaya nung nasa sa talyer ako supladang sungit na naman sya.  “Okay, hindi na ako magtatanong, napunta lang ako dito para magkape, Okay? Hindi ako titingin sayo at hindi rin kita kakausapin, isipin ko na lang walang ibang tao dito kundi ako lang.”

!

!

KABLAG!!

!

!

!

at bigla akong nadapa sa sobrang hilo ko, pero agad naman akong tumayo para hindi mapahiya.

“Sensya ka na ha? Nahihilo na kasi talga ako, asan ba yung kape dito?” wala pa ring sagot si Ingrid-sungit

“Haaayyyyy naku, ah eto pala!!” nagtimpla na ako ng kape, nagsalin ako ng mainit na tubig sa tasa at nagtimpla. Paalis na sana ako pagkatapos kong magtimpla nang biglang nagsalita si Ingrid..

“Pwede bang dito ka muna? Gusto ko lang ng makakausap? Kung okay lang sayo?”

“huh?! Ahh-ehh?  Sige okay lang mga tulog na rin naman yung mga kasama ko dun sa labas eh.”

“Salamat.”

“Gusto mong kape? Ipagtitimpla kita?”

“hindi ako nagkakape”

“ahh.. sige.. eh ano ba ang atin? Bakit ka umiiyak?”

“pangit ba ako?”

“ha?! Ahh-ehh? Bakit mo naman natanong yan? Hindi naman ah?”

“eh bakit ako iniwan ng boyfriend ko?”

“haa??! Aahhhmmm??? Eh ano bang nangyari?”

“Nahuli ko kasi syang may ka-date na ibang babae.”

“Oh ehh? Baka naman kamaganak nya yun?”

“Kamag-anak? Holding hands tapos may kiss pa??”

“ay? Baka naman sweet lang talga sa kamaganak nya?”biro ko sa kanya.

“Sweet?!! Bakit ikaw ba kikiss ka sa pinsan mo or tita mo sa lips????!! Haaa?!!”

“ha? Joke lang yun pinapatawa lang kita”

“Hindi ka nakakatawa!”

“Okay, sorry naman. Eh nagusap na ba kayo nung ex mo? ”

“wala nang kailangan pang pagusapan, malinaw na ang lahat sa akin! Sapat na yung nakita ko!”

OIL and WATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon