the reunion

52 0 0
                                    

CHAPTER 3

“Itay! Day off po muna ako ngayong araw na ito ha? Lalabas ang tropa ngayon eh, birthday kasi ni Heidy eh treat daw nya kami, atska paniguradong gabi na uwi ko mamaya.”

“Sinong may birthday ‘kamo?”

“Si Heidy po, dati kong classmate noong college? Nagbalik-bayan na ho kasi sya ngayon kadadating lang nung isang linggo. ”

“Ah yung anak ba ni pareng Domeng? Nakauwi nap ala silang maganak ditto sa pilipinas?”

“Hindi po itay, si Heidy lang po ang umuwi ng pilipinas”

“Ah ganoon ba? Ay sya sige  ako na bahala sa talyer, sabihin mo na lang kay Heidy na kinakamusta ko sya, atska yung pasalubong nya para sa akin ikaw na kumuha ha?”

“Itay naman? Ano gusto nyo chocolate?!”

“Aba batang ito nagrereklamo pa! basta sabihin mo na lang!”

“Opo!!, alis na ako itay!”

Tatlong taon na nakalilipas nung huling nagkita kita ang tropa, mga nasa abroad yung iba tapos may kanya kanyang pinagkakaabalahan sa kanilang trabaho. Gaya nitong si Heidy kauuwi lang galing America, classmate ko sya noong college sa kursong engineering board passer din, kaso hindi na nya nagamait ang kanyang profession sa abroad. Si Heidy ngayon ay isang fassion designer sa America, malaki din ang sahod nya kumpara sa isang engineer. Sabi nga nila hindi lahat ng professions nagagamit pagdating ng panahon.

**ring-ring**

“Teka si Albert nagtext!”

*tol? Umuwi pala si Heidy ngayon? Asan ka puntahan kita ngayon din! Txtback!*

Itong si Albert talaga akala mo kung sinong artista ang dumating sa sobrang excited nya. Si Albert, tropa din naming at matagal nang patay na patay kay Heidy mula nung 1st year pa lang kami, sya ang lagi kong kasama noon, buddy kumbaga at pati panliligaw kay Heidy ako alalay nya, pero hindi naman sinagot ni Heidy itong si Albert, marami pa daw kasing pangarap si Heidy eh, kaya eto sya magbabakasakali ulit sa puso ng pinakamamahal nya.

**ring !! ring!!**

*Bert asan ka na ba?!!*

“makulit talga tong bata na to ah??mareplayan na nga”

*Tol papunta na ako kina Heidy dun ka na lang din dumeretso kita na lang tayo dun*

Nagcommute na lang ako papunta kina Heidy kesa sumabay kay Albert at paniguradong kukulitin lang ako nun at isa pa gagawin na naman niya akong alalay dahil may pasabog na surpresa yun tiyak para kay Heidy. Dalawang sakay ako ng jeep simula sa aming bahay papunta kina Heidy, bale inaabot ng isang oras at kalahati ang byahe ko, ganoon kalayo sa bahay naming ang bahay nila.

**Ring! Ring!**

*bakit hindi ka pa sumabay sa akin Bert? Ang labo mo naman, oh sige papuunta na din ako, dadaan na din ako kina Stephanie at Bianca para isasabay ko na*

Si Steph at Bianca ang pinakang magbestfriends sa tropa naming parang magkapatid na nga sila kung titingnan. Pero bakit andito rin sa pilipinas itong si Stephanie? Ang alam ko nasa Canada na sya last year pa?

*Albert? Andito si Steph ngayon??* ang gulat na gulat na reply ko kay Albert.

**Ring ! Ring!**

*Oo naman! Hahahahaha gulat ka ano? Humanda ka kay Steph mamaya XD*

“ang walang hiyang yun nagawa pang manloko?!”

Si Steph kasi yung babaeng patay na patay sa akin nung college pa kami, ang problema lang hindi ko sya type, hindi naman sa pagyayabang syempre may karapatan din naman ako para pumili ng babae.Si Steph kasi ay matabang babae, tapos siguro 5’7” ang height nya tapos kulot na kulot pa. haaays grabe bakit kasi kailangan ako pa? May tatlong taon na din kaming hindi nagkikita ni Steph kasi nga ang sabi nya sa akin noon papunta na syang Canada, nagpaalam pa nga sya sa akin eh.

OIL and WATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon