kinaumagahan..
Bert's POV
"Aray.. anu ba to ang sakit nang ulo ko, teka asan na ba ako?"
ahh! teka nasa kwarto nga pala ako ni Heidy ngayon, teka pero asan sya? teka anong oras na ba ngayon?
.
.
.
lingon.
lingon.
.
.
"HAH?!! alas dose na nang tanghali? anong oras na ba ako nakatulog kagabi??!"
aray! ulo ko, makabangon na nga muna, iinom ako ng malamig na tubig. at agad na bumangon ako sa pagkakahiga ko. and still no sign of Heidy, asan na kaya yun?
"Sir!! buti ho gising na kayo, ipinagbilin po ni maam Heidy na hintayin nyo syang makabalik, inihahatid lang ho yung mga kasama nyo kagabi."
"ha? bakit nila ako inwan?? manang? anong oras sila umalis? kanina pa ba?"
"Opo sir, mga dalawang oras na nakakalipas."
"anak naman ng?!" anu ba naman sila? nakalimutan na ba nilang kasama nila ako, tapos ganun na lang iiwan na lang nila ako ng basta basta? aray!! ulo ko!! -.-
"sige manang, pakikuha na lang ako ng malamaig na tubig, salamat"
"sige po sir."
pumunta ako ng salas para manuod ng TV, nagulat na lang ako na andoon si Ingrid sa sofa nakahiga na at nanunuod ng TV.
Haay naku si miss supladita na naman, pero okay sya ha, gusto ko ung pagkakahiga nya sa sofa, pra syang model ng kung anung bagay tapos parang nangaakit ang itsura nya, teka nga malapitan nga ito.
"Hey!! anong pinapanuod mo?" asking her na parang close kami.
-.-
ano tiningnan nya lang ako tapos walang kaemosyon emosyon ang muka nya? grabe talaga tong babaeng to.
"ohh i see." isang noon time show na kinagigiliwan ng lahat ng tao tuwing sasapit ang tanghalian. bakit nga naman ba kailangan ko pang itanong kung anong palabas kung nakikita ko din naman at alam ko din kung ano ito. tsk, kaya pala ganun na lang ang tingin nya sa akin kanina eh, teka san na ba si manang, sakit pa ng ulo ko eh. tapos lalo pang sumsakit dahil sa pinapanuod nitong babaeng to, hindi ko maintindihan kung bakit gustong gusto ito ng babaeng to at ng ibang tao ang noon time show na ito, na wala naman ibang alam gawin kundi mangloko at pagkatuwaan lang ang ibang tao, tsk tsk.
"Hey pwede kong ilipat? commercial pa naman eh"
"sige subukan mo at dadagdagan ko pa lalo ang sakit ng ulo mo!"
wow! grabe naman pala to, scary. paano kaya sila nagkakasundo ng boyfriend nya if ever na meron nga, sa mga ganitong bagay?
"okay, sorry tatanong lang naman eh, bakit ba galit ka agad?"
-.-
haay as usuall no reaction again, tsk, makapunta na nga lang ng kusina, tagal ni manang eh. dumiretso na nga ako agad ng kusina at nakita ko si manang na ngayon pa lamang kukuha ng tubig sa ref, anu ba naman si manang kanina ko pa yun sinabi ngayun lang ako ikukuha ng tubig.
"manang ako na po kukuha ng tubig ko."
"sige po sir."
"manang teka lang may itatanong ako sa iyo.?"
