Damien's POV
"Aaahhh!!!"- malakas na sigaw ni Mien habang tumatakbo papunta kay Paul.
'Nakatitig lang ang ibang mga students sa kanya. Nagkaroon ng awkward silence."
"Oh... Parang excited ka ata... Anong meron?"- tanong ni Paul.
"May autograph ako ni..."- sisigaw sana si Mien pero na-realize nyang maraming taong nakatitig sa kanila. "Wag tayo dito mag-usap..."- sabi nya habang hinihila si Paul papuntang C.R.
"So, what's the big news at kailangan mo pa akong dalhin dito sa C.R. ng mga girls???"- sabi ni Paul habang umuupo sa sink.
"Tada!!!"- biglang sigaw ni Mien habang pinapakita ang isang panyo.
"Wow ha... So, your so excited na ipakita lang yang panyo?"- sabi ni Paul.
"Pardon? 'Lang'? How dare you call this 'lang'! FYI, etong panyong tinatawag mong 'lang' ay kay Terrence!"- mataray na sabi ni Mien.
"So, what's so special about that panyo?"- tanong ni Paul.
"Excuse me... Gusto mo, isa-isahin ko pa? It's so mabango... It's from him, and may autograph pa nya ito!!!"- sabi ni Mien.
"Parang artista talaga yang si Terrence... Bakit ba patay na patay kayong mga babae sa kanya eh, obvious naman na mas pogi ako sa kanya..."- sabi ni Paul sabay pa-cute.
"Hello? Ok ka lang??? Pati yon iisa-isahin ko pa?
Gwapo √
Mabait √
Matalino √
Mistiso √
Mayaman √
Athletic √Oh... Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya???"- sabi ni Mien.
"Athletic? Hindi naman sumasali sa mga sports yang si Terrence. Papano sya naging athletic?"- tanong ni Paul.
"Hindi ba maraming naghahabol sa kanya? Sure ako na mabilis syang tumakbo..."- sabi ni Mien habang ngumingiti.
"Weh... Ganun ba yun? Eh bakit sa panyo pa nya inilagay yang autograph nya???"- tanong ni Paul.
"Ganito kasi yon...
*flashback*
Mag-isa lang si Mien na nagbabasa sa library. Naka-suot pa sya ng facemask dahil sa alergy. Tahimik lang syang nagbabasa nang biglang may pumasok at nagtago sa ilalim ng kanyang mesa. Nagulat sya nang makita kung sino ang taong nagtatago.
"T-Terrence??? A-Anong ginagawa mo dito???"- kinakabahang bulong ni Mien.
"Ssshhh!!! Nagtatago ako... Kapag may naghahanap sa akin, sabihin mong wala ako dito..."- bulong ni Terrence.
'Maya-maya ay may grupo ng mga babaeng dumaan sa library at nagtanong.'
"Nakita mo ba si Terrence?"- tanong ng isang babae.
"Wala sya dito..."- sagot ni Mien.
"Sure ka?"- sabi naman ng isa pang babae.
"Oo... Sigurado ako dahil kasasabi lang nya sa akin."- sagot ni Mien.
"Nag-usap kayo? Just now?"- sabi ng isa pang babae.
"I mean... Busy kasi ako... Hindi ko napansin... Nasa canteen ata... Check nyo dun..."- palusot ni Mien.
'Umalis na ang mga babae.'
"Wala na ba sila?"- tanong ni Terrence habang sumisilip.
"Wala na sila..."- sabi ni Mien.
"Salamat ha... Anong gusto mo?"- sabi ni Terrence.
"(OMG...yung gusto ko??? Pwede bang kiss???) Ahhh... Ehhh... What do you mean?"- pakipot ni Mien.
"Well, at least a reward..."- sabi ni Terrence.
"Talaga??? Pwedeng autograph na lang?"- tanong ni Mien.
"Sure! May papel ka ba? Naiwan ko kasi yung bag ko sa classroom..."- sabi ni Terrence.
"Ay... Naiwan ko din yung bag ko..."- sabi ni Mien.
"Ok lang... Sa handkerchief ko na lang..."- sabi ni Terrence habang pumipirma sa panyo. "Oh... Here... Umm.. I gotta go... But... Can i get your number?"- tanong nya pagkatapos ibigay ang panyo.
"Umm..sure... Pwedeng pahiram ng pen at nung kamay mo?"- tanong ni Mien at inumpisahan na ang pagsulat sa palad ni Terrence. "(Ang lambot ng kamay nya!!! Hehehe!!! Ang swerte ko!!!)
"Thanks miss???"- sabi ni Terrence.
"M..."-hindi natapos ni Mien ang kanyang sasabihin nang biglang sumigaw ang isang babae.
"Aaahhh!!! Si Terrence!!! Nasa library!!!"
"I gotta go na... I'll see you around na lang... Bye..."- sabi ni Terrence at tumakbo palabas ng library.
*end of flashback *
Yun yung nangyari... Aaahhh!!! Ang cute nya talaga!!!"- sabi ni Mien habang kinikilig.
"Aasa ka lang! Eh simula 1st year, classmate na natin si Terrence... Ngayon ka pa lang pinansin...ngayong 3rd year na tayo.... At marami namang mas magaganda sayo... Hindi ka lang nya papansinin..."- sabi ni Paul.
"Ayyy... Panira ka naman eh... Andun na ako oh... Anlapit na eh... Tapos sasabihin mong aasa lang ako... Palibhasa kasi... Bakla ka! Bakla! Bakla!"- pang-iinis ni Mien kay Paul.
'Nang maka-alis na sina Mien at Paul sa C.R., lumabas na sina MJ, Fuchsia, Apple at Peachy sa kanilang pinag-taguan na kanina pa pala nakikinig sa pinag-uusapan nina Mien at Paul. Sila ay isang popular dance crew sa school na ang tawag ay 'CRAYONS'.
"OMG... MJ, what are you going to do? Someone wants to steal your future boyfriend..."- sabi ni Apple pagkatapos maglagay ng lipstick.
"Yah... Pero don't worry... I know naman na puro kasinungalingan lang yon... Terrence won't talk to a girl like that..."- sabi naman ni Fuchsia.
"She's not the type ata that can lie..."- sabi naman ni Peachy.
"Which side are you on ba Peachy???"- sabi ni Apple.
"Don't worry girls... May plano ako... Remember the kasabihan that keep your friends close, but your enemies closer..."- sabi naman ni MJ.
Check out the next chapter for the continuation of this story... Thank you...
BINABASA MO ANG
Is this pag-ibig?
Teen FictionWow! ganito pala ang feeling kapag in-love ka? Pero, bakit sa kanya pa???