'Sa school'
"Hoy! Tinititigan mo na naman yang picture ni Terrence! Ipagpatuloy mo lang... Baka sakaling kindatan ka..."- sabi ni Paul kay Mien.
"Hiyang hiya naman ako sayo... Ikaw nga tong GGSS (gwapong gwapo sa sarili) kapag nakita ang reflection sa salamin... Minsan nga na-abutan pa kitang kinaka-usap ang sarili mo eh... Sabi mo pa... Hi... Do you believe in love at first sight or kailangan ko pang dumaan ulit???"- sabi ni Mien.
"I was just practicing... Balak ko kasing manligaw..."- sabi ni Paul.
"Akala ko bakla ka?"- biro ni Mien.
"Ikaw ha... Nakaka-isa ka na..."- inis na sabi ni Paul.
"Oh... Eto... May tanong ako... Kapag hindi mo masagot ng tama, ililibre mo ako ng lunch... Game?"- sabi ni Mien.
"Oo ba..."- sagot ni Paul.
"Papano mo mapapasok ang elephant sa refrigerator?"- tanong ni Mien.
"Pano?"- tanong ni Paul.
"Edi, buksan mo muna yung ref tapos ipasok mo yung elephant... Oh one chance pa... Papano mo naman mapapasok sa ref ang giraffe?"- tanong ni Mien.
"Bubuksan muna ang ref tapos ipasok ang giraffe... Tama ba?"- tanong ni Paul.
"Hahaha! Mali ka na naman... Bubuksan mo muna ang ref, kunin mo sa loob ang elephant at ipasok ang giraffe! Oh, eto pa... Nagpatawag ng meeting ang lion... Lahat ng hayop ay pumunta except ng isa... Anong hayop yon?"- tanong ni Mien.
"Ikaw?"- naka ngiting sagot ni Paul.
"Eeeeekkkk!!! Mali na naman!!! Ano pa ba? Edi yung giraffe! Papano makaka-punta ang giraffe eh nilagay mo sya sa ref?"- sabi ni Mien at tumawa ng malakas. "Oh last na lang... Tatawid ka sa isang lawa na puno ng crocodiles... Anong gagawin mo?"- tanong ni Mien.
"Sasakay na lang ng airplane?"- sagot ni Paul.
"Mali na naman... Edi tatawid ka na lang... Wala namang natirang crocodiles dahil pumunta sila sa meeting! Hahaha!"- sabi ni Mien at nilakasan pa ang tawa.
"Sige na talo na ako... Saan mo gusto?"- sabi ni Paul.
"Kahit sa tabi-tabi lang... Oh no..."- biglang napa-tigil si Mien nang ma-realize nya na nawawala ang panyong binigay ni Terrence. "Nawawala yung hankie na may autograph ni Terrence... Tulungan mo naman akong hanapin..."- sabi ni Mien.
'Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa nila ito hinahanap.'
"Mamaya na lang yan... Hahanapin na lang natin pagka-tapos ng lunch dahil gutom na gutom na talaga ako..."- sabi ni Paul.
"Ok pero promise mo na after lunch, tutulungan mo akong mag-hanap ha!'- sabi ni Mien.
'After nilang mag lunch ay nagtanong tanong sila sa mga students kung may nakita silang panyo. Tinanong ni Mien sina MJ kung nakita din nila.'
"What? The panyo na may autograph ni Terrence is missing?"- sabi ni MJ.
"Oo... Bigay yun ni Terrence sa akin kaya mahalaga yon..."-sabi ni Mien.
"Tell me... Magka-ano ano ba kayo?"- tanong ni MJ.
"Ummm crush ko kasi sya... Pero masaya ako dahil close na kami... Palagi kasi kaming magka-text."- nahihiya pang sabi ni Mien.
"What's the plan???... Mukang na-unahan ka pa nyang maging close sa FB (future boyfriend) mo..."- bulong ni Fuchsia kay MJ.
"Ummm sory ha... Hindi talaga namin nakita..."- sabi ni MJ habang pumipeke ng ngiti.
'Meanwhile'
"Uy... Anong ginagawa nito sa gitna ng daan?"- tanong ni Terrence sa sarili nang mapulot ang panyong may autograph nya."
To be continued... Immediately...
*text conversation *
Terrence: Miss M... May hinahanap ka? Nakita ko sa daan yung binigay ko sayong panyo.
Mien: Pano mo nalaman?
Terrence: Gusto mong malaman? Eh halos lahat ng students, nagsasabing hinanap nyo raw yung hankie na to...
Mien: Kukunin ko na lang mamaya. Thanks...
Terrence: Personal kong ibibigay sayo ito... Gusto kitang makita.
Mien: Ok... Thank you ulit...
Terrence: Same place ha... 4:00 this afternoon.
*end of text conversation*
"Salamat na lang MJ... Nakita na ni Terrence... Magkikita kami mamaya..."- sabi ni Mien habang kinikilig pa.
"Wait... Alam ba nya kung sino ka?"- tanong ni Apple.
"Actually, hindi pa eh... Naka facemask ako nung nagkita kami kaya hindi nya nakita ang mukha ako."- sabi ni Mien.
"Alam ba nya name mo?"- tanong ni Peachy.
"Hindi pa... Pero ang tawag nya sa akin, miss M..."- sabi ni Mien.
"Mien, listen to me... From now on... Ako na si Miss M... Akin na ang panyo na yon dahil akin lang si Terrence."- sabi ni MJ.
"I don't understand. ."- sabi ni Mien.
"Think of what we have done for you and we made you famous... Think of this as your utang na loob for me..."- sabi ni MJ.
"Pero..."- sabi ni Mien.
"Shush! Wala nang pero pero... Sige na... Pagbigyan mo na ako... Pero kung ayaw mo talaga... Pwede ka nang umalis sa CDC... Ayaw mo ba ng sikat ka?"- sabi ni Apple.
"Gusto... Pero..."- sabi ni Mien.
"Good... Now tell me kung saan kami magkikita ni Terrence."- sabi ni MJ.
BINABASA MO ANG
Is this pag-ibig?
Teen FictionWow! ganito pala ang feeling kapag in-love ka? Pero, bakit sa kanya pa???