CHAPTER 6: REALIZATION
AFTER 2 YEARS
*KEVIN SY POV*
Ang dami ng nangyari , SE disbanded, nanganak na si momo na ngayo’y 2 years old na , Si Blue , pagbalik ni momo dito sa pinas nagkabalikan sila ni SYNC at nagpakasal na din .
Hindi na din kami ganun ka busy , iba na ang gusto ng mga kabataan ngayon , mga rockstar ,kpop, at ang Filipino version ni taylor swift na si RICA LEE , sobrang sikat nya na , dito at sa ibang bansa .. almost 2 years na din hindi pa sya umuuwi dito sa pinas , ganun naba sya ka busy ?? gusto ko na talaga syang Makita ..
Ang tanga tanga ko , all that time na magkasama kami hindi ko man lang napansin yung feelings nya , akala ko yung kinikwento nya sakin na gusto nya na may gustong iba ay si sync , ni hindi man lang pumasok sa isipan ko na ako pala yun , nasasaktan ko na pala sya … hindi ko talaga mapapartawad ang sarili ko gusto ko na talaga syang makausap., dalawang taon , napakatagal ko ng naghihintay sa pagbabalik nya , araw araw ko syang naiisip .. nakakabaliw , pano kung hindi nya na ko pansinin ? pano kung nagbago na siya ??
Nabulag ako , nabulag ako sa inakala kong mahal ko si MOMO, akala ko lang mahal ko siya pero ang natuklasan ko mahal ko yung taong naaalala ko sa kanya , babaeng gusto kong alagaan , nakita ko siya sa katauhan ni Momo,.
Sana hindi nya isipin na nakalimutan ko na sya , hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko sya nakilala agad , dahil nga siguro lahat ng atensyon ko ay na kay Momo noon , at hindi ko man lang binigyan ng pagkakataong makilala si RICKIE , kaya pala sya pamilyar sa akin , dahil sya ang babaeng matagal ko ng hinahanap .
Nung sumikat na ang banda naming gusto kong ibalita yung sa kanya kaya bumisita ako sa school nila pero hindi ko alam ang pangalan nya , halos buong lingo akong naghihintay sa labas ng school nila , hoping na makikita ko ulit sya , pero hindi ko na talaga sya nakita ..
Nakilala ko si momo , umiiyak sya nun , tumibok ng malakas ang dibdib ko , dun ko naisip na paunti unti ko ng minamahal si momo , dahil sa kanya ko nakikita ang babaeng hinahanap ko … na ngayon ay isang international singer na . Huli na ba ang lahat ? PARA SA AMIN ???
***
“asan si Denver ?” tanong ko sa mga kabanda ko.
Andito kami ngayon sa isang bar na tinutugtugan naming tuwing weekends .
“hindi daw sya makakatugtug ngayon e , dumaan sya dito bago pumuntang airport “
“airport ? san sya pupunta? Bat di ko man lang alam ?”
“biglaan daw kasi , susunduin nya daw si taylor swift sa airport “
Lumakas yung tibok ng dibdib ko.
“si---sinong taylor swift ??”
“malamang si RICKIE babes nya , ay este RICA LEE ^___^ “
Pagkarinig ko palang ng pangalang ricky , tumakbo na ko palabas ng bar
“HOY KEVIN!! SAN KA PUPUNTA ???”
SA TAONG MAHAL KO !!
Sobrang pinagpapawisan ako at kinakabahan , makikita ko na ulit sya , after ng presscon nya dito bago sya umalis madami ng nag iinterview sa akin pero never kong sinagot kahit isa, ayokong makaapekto sa career nya ,magulo pa ang isip ko nun , hindi ako makapaniwala , dun ko na realize lahat , pati ang feeling ko sa kanya na all this time hindi ko nakita , gusto ko ng umamin , at kung aamin man ako gusto ko sa harap nya mismo sana lang hindi pa huli ang lahat . lalo na ngayon na SOBRANG SIKAT NA NYA.
Bigo akong Makausap sya sa airport , sobrang daming tao , hindi na sila nagpapapasok , nakita ko lang sya papasakay ng VAN kasama nya si Denver, akala ko nakita nya ko kasi tumingin sya sa direksyon ko , pero hindi pala . Tinry ko ding tawagan si Denver pero hindi nya sinasagot .. nakakainis.
Humiga na ako sa kama at nagbukas ng TV , nakita ko siya sa TV natanong ko sa sarili ko .
“hanggang sa TV ? hanggang sa TV nalang ba ? “
Nakatulala lang ako sa tv habang nagsasalita sya.
“I’m inviting everyone to be there, in my first ever concert here in the Philippines “
O_____O
May concert sya ???? pupunta ako ! kailangan naming magkita !!
Tumawag agad ako sa ticketnet para bumili ng pinakamahal na ticket .
SOLD OUT agad . T_______T
Kahit sa pinakadulo wala ng natira …
Si Denver sya nalang ang pag asa ko ..
.....
BINABASA MO ANG
"INVISIBLE" ("KEVIN SY LOVE STORY"VOICELESS FAN FIC")
Fanfiction(KEVIN SY LOVE STORY)