MALAYA

9 1 0
                                    

Hindi na ako magsisimula sa isa, dalawa, tatlo

dahil magbilang man ako hanggang isang libo

hindi na ako ang pipiliin mo


Hindi na ako magsisimula sa "Mahal naaalala mo pa ba?"

dahil alam ko na sa sarili ko naaalala ko lahat ng ating pagsasama

hanggang sa meron ka nang siya


Hindi ko na tatanungin na 'Mahal, babalik ka pa ba?'

dahil sa ngiti na ipinapakita mo sa kanya

ay ang mga ngiting hindi ko nakita nung ako ang iyong kasama


Hindi na ako lilingon pa

dahil sa paglingon ko'y mas nadudurog ang puso sa aking nakikita

Hawak mo ang kamay niya, 

lumuhod at naglabas ng karton na pula


Ako dapat ang inaantay mo sa harap ng altar

pero nung umalis ka, umalis pati ang pangakong ako lang sapat na

Future natin ang pinunta mo sa ibang bansa,

Pero future pala ang nahanap mo sa kanya



Mahal, ito na ang huling tulang ibibigay ko sayo

Sa huling pagkikita natin sa kasal mo

at kung magkikita man tayo

malaya na ang puso 

UNTOLD STORYWhere stories live. Discover now