Chapter 17:
Confession
Nrilla POV
Nakakainis talaga 'yung demonyong clarence na 'yun. Dapat sa kanya pinapatay! Pasalamat sya at nagwalk out lang ako kahapon at hindi ko na pinatulan 'yung mga kabulastugan nila.
"salamat summer ha?"
"ano ka ba? Wala 'yun!" sagot nya at tinabihan ako
"hayaan mo na 'yung tatlong 'yon" at umakbay sya sakin "Hayaan mo! Pagnakita ko ang mga 'yun igaganti kita sa kanila"
Ang brutal talaga ng kaibigan kung ito kahit kelan pero kahit ganun love na love ko 'yan. Para ko na kasing kapatid 'yan.
"alam ko na! Para matangal ang busangot sa mukha mo magmall nalang tayo"
What the... "No" napatayo ako
Panu bigla kung naalala 'yung nangyari ng huli kaming magmall.
"ang kj mo naman" nagpout pa ang loko "sige na kasi..... Promise hindi na tayo dadaan sa shortcut."
Hay! Ano pa nga ba? Eh, hindi ko naman sya kayang tiisin eh.
"Sige na... Basta wala ng shortcut shortcut ah?" Paninigurado ko.
"promise" at tumayo na sya para tumakbo papuntang kwarto nya.
*
*
Grabe naman mamili itong si summer nakailang boutique na kaming pinasukan hindi parin sya pagod.
Aish! Buti sana kung para sa kanya 'yung binibili nya. Eh? Takte ang sakit na ng paa ko kakatry ng mga high heels tapos kung ano ano pangpinapasuot nya sakin at take note na kada damit na isuot ko may side comment sya gaya nang:
"too long"
"para kang manang"
"ang pangit ng mga choice mo sa damit"
"try this one"
"You look like goddess"
"perfect"
Pagkatapos naman sa mga damit at sapatos ay isinunod na namin ang salon.
Trust me! Ang sakit makahila ng bakla sa buhok ko.
Grabe suko na ako.
"Hwag kang malikot" sabi nung isa habang menimake up an ako."puputulan lang natin ng onti ang buhok mo ija"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
Was he/she kidding me?
"Po!?" nag-aalangan pa ako
"Trust them buds" summer a sured me with a smile bago sya bumalik sa pagbabasa ng magazine.
Hay! Bahala na nga sa kakalabasan.
After 2 hours
"May i now present to all of you the new ms lee" at sinenyasan ako na bakla para lumabas na.
And so i did..
As soon as i step out i heard summer gasped. "buds ikaw na ba 'yan?" at sinuri nya ako ng tingin
"Wow, buds ang ganda mo! Para akong natitibo sayo"
"Eww, tigilan mo nga ako buds" tinignan ko rin ang ayos nya "mas ka kaya maganda kesa sakin"
"hindi ah, ikaw kaya" tutol nya
Hay! Ang kulit nya.
What do i expect summer will always be summer.